Kabanata 36
The Truth.
Hindi ako makakilos dahil titig na titig ako sa kanya. Maaga akong nagising dahil sa naramdaman kong kumirot iyong gitna ko...bahagya. Una ko iyon. At ginawa namin ng asawa ko 'yun. Napailing ako sa nangyari nung gabi. Shit!
He is damn hot. Kahit natutulog siya. E kahit ano naman hatang katayuan ni Gideon ay gwapo siya at hot. God. Ganito na ba talaga ako kabaliw? At nawawala ako sa sarili kapag nakikita ko siya.
Napapikit na lang ako. At sinubsob ko na naman iyong sarili ko sa kanya. Ang bango bango niya talaga kahit kailan! Nung naramdaman kong parang nagising ko hata siya sa ginawa ko ay napaayos ako ng higa. Inayos ko iyong kumot sa katawan ko. Oh God. Damn it. Napapangiti ako ng mag-isa.
Sikreto akong tumingin kung gising siya. Check. Hindi pa. Pero parang gumagalaw iyong labi niya kaya napaistatwa ako sa pagkakahiga. Damn, bakit ba kasi ako kinakabahan ng ganito? Dahil sa ginawa...namin? Shit! Nag-init iyong pisngi ko sa naisip ko.
Nanatili na lang akong ganoon. Kunwaring tulog hanggang sa naramdaman kong bumangon na siya. Pero bago siya bumangon at dumapo iyong labi niya sa noo ko. "Good morning." Damn, alam ka niyang gising na ako? Uh no, huwag naman sana.
Noong narinig ko iyong pagsara ng pinto ay napadilat ako. Narinig ko na lamang iyong yabag niya pababa. Tumayo na agad ako sa pagkakahiga at naghanap ng masusuot? Hindi naman ako makatungo roon sa dati kong kwarto para kumuha ng damit. Kaya naghanap na lang ako ng polo ni Gideon na maikli at saka...boxer na lang niya pagkatapos nito ay magbibihis na lang ako ulit sa kwarto ko dati. God.
Nagmamadali akong suoting iyong polo kahit parang err...kumikirot bahagya iyong gitna ko. Tss. Dahan dahan kong binuksan iyong pinto para tignan kung may tao ba? Napahinga ako ng maluwag dahil wala naman.
Para akong batng tumakbo pero napigil ng may narinig na yabag. Damn. "Baby." Napapikit ako roon. Umiling. At kinabahan ng todo. Napaharap ako sa kanya. At alangan na alangan talaga ako.
"Morning." Kumurba iyong labi niya na parang nagpipigil ngumiti ng todo.
Napakamot naman ako ng ulo kahit wala namang makati. "He-he. Morning. Ano...bihis err...lang."Napakamot muli ako ng ulo. Bakit ba kasi ako kinakabahan ng ganito? Ayaw magbehave ng puso ko?!
Tumango lang siya. At dahil doon ay nakapasok na ako sa kwarto. Napasandal ako sa loob at nakahinga ng maluwag. Damn, bakit ba kasi ganito?
Pero infairness ang bango bango talaga ng damit niya! Ayoko tuloy hubarin. Hay, pero kailangan kasi awkward talaga kahit papaano. Bumaba naman ako noong natapos ako magbihis ng simpleng shirt at short.
Naabutan kong nihahain ni manang iyong almusal sa mesa. Kasalukuyan namang nagbabasa ng article sa dyaryo si Gideon habang nakaupo siya roon. Kumabog naman agad itong dibdib ko. Bakit kasi ang awkward awkward kapag nangyari 'yun?
Umupo ako roon sa ikatlong upuan bago siya. Nilapag ni manang iyong bacon sa harapan ko. "Kamusta kayo?" Napalunok ako sa tanong ni manang sa amin. Parang nanuyot yung lalamunan ko dahil roon.
"O-okay po." Nangatog ang labi ko sa sinagot ko. Bumibigat iyong paghinga ko at kabang kaba talaga ako. Hindi ako makakilos ng normal lalo't napakalapit ko sa kanya kahit may dalawang upuan kaming pagitan.
"We're fine." Sagot niya. Nataranta naman ako sa loob. Kinuha ko na iyong plate para may masandok man lang. Dadamn. Nakakakaba kahit ganoon. Oh my Gosh.
Tumatango na lang ako kapag may tinatanong sila. Syempre sumasagot din para hindi mahalata ang pagkataranta ko. Nung matapos si Gideon kumain ay biglang nagring iyong phone niya...lumayo siya. At nakita ko siyang nakatayo sa may sala.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)
ChickLitPinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 'tong nasasaktan. May kutob siya kung sino ang gumawa nito kaya lalong nag-igting ang kagustuhan niyan...