Kabanata 40

60.6K 778 55
                                    


Kabanata 40

He fell on my arms

Hinawakan nila bigla si Gideon sa braso. Ginawa niyang makapalag pero hindi niya masubukan dahil dalawang tao ang humahawak sa kanya. Hingal na hingal siya dahil panay taas baba iyong dibdib niya. Nag-aalab sa galit 'yung magaganda niyang mata.

No.

"Don't touch her. Not her." He is begging. He is almost begging for me. Para sa akin. Nanginig iyong katawan ko ng marinig iyon mula sa kanya.

No.

Lumapit si Nick kay Gideon. Sinuntok niya agad iyon. Biglang tumilapon si Gideon sa suntok na ginawa ni Nick.

No. No. Please. Not him.

Namumuo na iyong luha ko sa mata. Oh God, please tama na. Sinipa niya si Gideon. Hindi siya pumapalag hinahayaan lang niya si Nick na saktan siya.

"Stop..." Tuluyan na namang bumagsak iyong luha ko sa mga mata.

Sinubukan ni Nick na patayuin si Gideon para masuntok ulit sa panga niya. Hinawakan niya siya sa kwelyo at walang tigil na pinagsusuntok. "Stop...please." Wala akong magawa para sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siyang masaktan.

Shit!

"Parang awa mo na! TAMA NA!" Napapikit ako sa sigaw ko. "Gawin mo na! Babuyin mo na lang ako! Huwag siya!" Nanlalabo na iyong paningin ko. Pero nakita ko pa rin iyong demonyo niyang ngisi. Tuluyan na siyang napaharap sa akin.

Lalapit na sana si Nick sa akin pero pinigilan siya ni Gideon dahil sa paghawak ng paa niya. "No..." Kitang kita ko iyong dugo sa mukha niya. Punung puno ng dugo si Gideon sa mukha. Hindi ako makatingin sa kanya.

Pero tinadyakan siya ni Nick para mapabitiw si Gideon sa hawak sa kanya. Nang makarating si Nick sa akin ay agad niyang hinawakan yung panga ko. Parang napipi iyong panga ko sa higpit ng hawak niya.

"Anong gusto mo?" Ngumisi siya ulit at nanindig balahibo ako. Nakakatakot na siya. Baliw na talaga! Dapat talaga mamatay na ang mga taong katulad niya!

"Tama na...please." Pinasadahan niya ng isa iyong leeg ko. Hanggang sa naulit iyon. Basang basa na iyong leeg ko dahil sa labi niya. Shit! Diring diri ako sa ginagawa niya sa akin.

"STOP! FUCK STOP!"  sigaw ni Gideon kahit binugbog siya ng mga tauhan ni Nick. Si Nick naman patuloy lang sa pagbaboy sa akin. God. Shit. Panay ang iling ko sa ginagawa niya. Pero nung hindi na siya nakatimpi, sinampal niya ulit ako sa mukha. Halos bumakat iyong kamay niya sa pisngi ko. Napaluha na ako sa sakit ng sampal niya...sa sakit ng ginagawa niya sa amin...sa lahat ng ginawa niya. "Stop...I will sign. I will." Napatingin si Nick kay Gideon. Napaawang ang bibig ko sa nakita kong kalagayan niya. He is begging. Lumuhod na siya at nagmamakaawa sa harap ng demonyong ito!

Humalakhak naman si Nick. Nagtagumpay siya sa balak niya mapapapirma na siya ng kontrata. Maangkin na iyong kompanya nila Gideon ni Nick. Oh my God. For my sake, gagawin iyong ni Gideon. O God. No. Please.

"Mabuti naman." Kinuha ng tauhan niya iyong envelope sa isang sulok. Binigay niya iyon kay Nick. Pilit nilang pinatayo si Gideon kahit nanghihina na siya. Oh my God. Awang awa na ako sa kalagayan niya. Halos lahat may galos. Damn it!

Inabot ni Nick iyong pen at iyong contract kay Gideon. Nanginginig pa iyong kamay ni Gideon. Oh my God.

"No...please." Pero binalewala nila ang sinabi ko.

"Go sign!" sigaw ni Nick.

Mamatay ka na Nick. Wala kang awa. Wala kang puso. Hayop ka.

Kasalukuyan silang busy ng may taong  lumapit sa akin. "Sshh." Nagsitaasan iyong buhok ko sa batok sa narinig kong boses. Si Benj. Oh my God. Tahimik niyang tinanggal iyong pagkakatali sa kin. Medyo madilim sa parte ko kaya hindi nila naaninag si Benj.

Oh my God.

Nagtagumpay si Benj na maalis iyong tali sa paa ko at sa katawan ko. Iyong sa kamay na lang iyong tinatatrabaho niya. Namamawis iyong katawan ko sa sobrang kaba. Kailangan madaliin ni Benj para makaalis na kami at hindi na siya madamay.

Tagumpay din naman natanggal ni Benj iyong nasa kamay. Saktong napatingin iyong isang tauhan ni Nick at napasigaw ito. "BOSS!"

Nagmamadaling umalis si Benj sa pwesto ko at pumunta sa pwesto ni Nick. Tinutok niya iyong baril sa sa ulo ni Nick. "Bitawan mo siya." Nanggagalaiti na si Benj sa galit at gustong gusto na niyang paputukin iyong baril na hawak niya.

Binitawan naman nung mga tauhan ni Nick si Gideon. Lumapit agad ako sa pwesto niya at inalalayan siya papunta sa pwesto ni Benj. Nakatutok pa rin iyong baril ni Benj kay Nick.

"Shoot me." Gustong gusto ko na talagang mamatay itong tao na 'to. Pero konsensyang konsesya ako...kasi masama...masamang isipin na patayin iyong isang tao lalo na kung gusto gusto mo talagang patayin.

"Sure." Ani ni Benj. Oh my God.

"Benj..." tawag ko. Tumingin naman si Benj sa akin. I mouthed 'no' to him. Huwag huwag niyang ituloy hayaan na ang batas ang magpasya.

Tinignan ko naman si Gideon sa tabi ko. Halos hindi na niya madilat iyong mata niya sa sakit ng nararamdaman niya. Awang awa na ako sa kanya. Hinaplos ko iyong pisngi niya sa sobrang awa ko sa kanya. "I'm okay...don't cry." Napahikbi ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon ako pa rin iyong iniisip niya.

"Mauna na kayo Aly." Sabi ni Benj.

"Pero Benj—"

"GO!" Tinignan ako ni Benj over shoulder. Nag-aalab iyong mata niya habang nakatingin sa akin. Iyong mga tauhan ni Nick nakataas lang iyong mga kamay kasi hawak ni Benj iyong boss nila.

Inalalayan ko si Gideon sa pagtayo para makaalis na sa lugar na ito. Paano si Benj? Hindi ko maiwasan ang kabahan ng todo talaga ngayon. Pero nagpakatatag ako para sa kanya...para kay Gideon. Binilisan naming makalabas sa pabrika na ito...sa lumang pabrika na 'to. Madilim iyong paligid kaya kailangang mag-ingat.

"Are you...okay?" Tanong niya...ni Gideon. Ako pa talaga ang tinanong niya kung maayos ako.

I sob escape to my mouth. Napakagat ako ng labi. "Oo...okay lang. Malapit na tayo." Nakalabas na kami ng pabrika bumungad sa amin iyong mga puno...madilim...sobrang dilim. Ang nagbibigay liwanag ay iyong buwan na nasa itaas. Umihip iyong hangin nagpadadag sa lamig ng katawan na mayroon ako ngayon.

Medyo may natatanaw akong bahay sa gitna ng kagubatan ito. Binilisan namin iyong lakad. Hirap na hirap na si Gideon sa kalagayan niya. Pero bago pa man kami makarating roon ay umalingawngaw iyong boses ni Benj.

"RUN ALY!!" Bigla akong napatingin sa likod. Medyo nakadungaw na si Nick sa amin. Malapit na siya sa amin. At kitang kita ko iyong demonyong ngisi niya sa gabi. Pinosisyon niya iyong baril na hawak niya.

"Goodbye, Aly." Pinosisyon niya sa pwesto ko iyong baril. Isa...dalawa...tatlong segundo tatama na iyong bala sa dibdib ko. Napapikit ako...handa ng tumama iyong bala sa akin. Pero napatalon ako sa alingawngaw ng putok ng baril...na hindi tumama sa akin.

Napadilat agad ako ng mata. Oh. My. God. No. Please. "Gideon!" Nag-uunahan na iyong luha ko sa mata. Nagunaw iyong mundo ko sa nakikita ko. Naistatwa ako. Hindi ko alam ang gagawin. I wanted to say something. But only a sob escape on my mouth.

Pinilit niyang dumilat para makita ako...pero hindi niya kaya. And he fell on my arms.

No.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon