Kabanata 18

61.3K 787 41
                                    

Kabanata 18

Special girl

Hindi ko alam kung anong mayroon sa utak ni Nica. Kinausap ko siya tungkol sa balak niya pero ngumingisi lang siya. Kinukulit ko siya pero wala, siya na raw ang bahala sa akin basta sundin ko lang daw siya. Hay, bahala na nga si bes.

Nagbonding na lang kami at pinagkwento ko siya ng nangyari sa kanya. Nagkwento rin ako ng tungkol sa akin. Kinuwento ko rin si Benjamin sa kanya.

Kumain kami sa favorite eat all you can resto namin. Lumamon kami. Nagkwentuhan. At kung ano ano pa. Sinulit namin yung isang araw kahit kulang iyon para sa date naming dalawa. Ang sarap kalimutan kahit sandal yung nararamdaman mo kapag si Nica ang kasama mo. Pranka siya kung pranka pero yung pagkapranka niya in a good way. Hay, mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito.

"Nandyan na si Karl." Ngumisi ako ng makita si Karl na nakasandal sa kotse at sinusundo na ang prinsesa niya. Ang haba ng hair ni Nica.

"Hindi ka talaga pahahatid?" tanong niya at inayos yung laman ng bag niya. Ewan ko ba dito pero parang natataranta nandito lang naman si Karl.

Umiling muna ako at nagsalita. "Hindi na. Salamat. Sige na, hinihintay ka na ni Karl."

"Sige, bye. Next week ulit ganito a." Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

"Sure." Ngumiti ako ng malaki.

"Kahit ano namang mangyari, ako lang ang kalove team mo na hinding hindi mang-iiwan sa'yo. Love you bes."

"Kinilig naman ako dun bes, love you too." I waved at them. Ganun din ang ginawa nila. Hay, Nica made my day. Kung pwede lang gawin na parati ganito ang araw naku sana lang ganito. Pero di ba nga every day is different. May nilaan Siya sa'yo na gawin sa araw na iyon.

Naglakad na lang ako pauwi sa condo dahil malapit lang naman iyon. Mga kalahating oras lang ang gugogulin mo rito.

Naisip ko lang. Kung hindi kaya nangyari yung aksidente. Ano kayang mayron sa amin ni Gideon? Masaya kaya kami? Maayos? O ganito rin yung end game. Yung hindi kami. Ano kayang mayroon samin?

I watched the city lights of Quezon City. Hindi gaanong mahangin dahil summer na. Naalala ko lang siguro kung hindi nga nangyari yung aksidente tatlong taon na kaming nagsasama ni Gideon. Tatlong taon kung sakali.

Napahawak ako sa kwintas na pinaglagyan ko ng singsing na binigay ni Gideon sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin lumilipas ang ganda nito. Yung pula ng bato ng singsing ganun pa rin siya hanggang ngayon.

Why I keep this? Because I'm still hoping, believing for the two us eventhough it is impossible. Kahit napakaimposible na niyang mangyari.

Nagpatuloy lang akong maglakad nang mapansin ang isang kotse na nakapark sa isang side. I felt a pang about it. Kinabahan ako kasi parang may nagmamatyag sa akin or what. Binilisan ko pa ang lakad ko. Natotrauma na ako sa mga ganito.

Mabuti na nga lang ay nakarating na agad ako. May security naman dito kaya nawala yung kaba ko. Agad akong tumungo sa unit ni Benj. Naabutan ko siyang nanonood ng movie. Preskong presko habang kumakain ng pop corn at soda. Siya na!

Hindi nga niya akong napansing pumasok dahil nakatutok lang siya sa pinapanood niya. Mas importante ba yan sa akin? Joke.

"Benj, anong gusto mong lutuin ko?" Tinali ko ang buhok habang sinasabi iyon.

"Whatever you want. Basta pagkain. Thanks, AJ." He shouted back. Aba't itong Benjamin na 'to.

So nagluto na lang ako kung anong mayroon sa ref. Ito na yung natutunan ko, kung nung dati tinuturuan pa akong magluto ngayon sanay na ako. Naging independent na tao na ako ngayon. Sandali lang naman itong niluto ko at nung matapos ng manood ng movie itong si Benj ay tumungo na siyang kusina.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon