Kabanata 25

54.6K 696 14
                                    

Kabanata 25

The heck!

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ko ngayon. Gustong gusto ko ng yakapin si mom at si dad pero parang nakadikit ang mga paa ko. Biglang tumulo ang mga luha ko.

Dalawang taon kaming hindi nagkita ni mom. Alam ko mali yung ginawa ko sa kanila.

"Sorry, Aly. I am really sorry." Sambit ni mom. Gusto ko na talagang yakapin si mom.

"Baby girl." Sabi naman ni dad. Ayoko na. Gusto ko na talaga silang mayakap. Gusto ko sa kanila na ako. Gusto ko na sila. Sila mom at dad.

Lumapit sila sa akin. Hindi ko alam yung pakiramdam ko ngayon. "Sorry." I felt my mom's arm on me. Niyakap ko siya pabalik. "Sorry...hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa atin. Sorry, baby girl." Namiss ko ang amoy ni mom. Namiss ko yung yakap niya sa akin. Namiss ko ang lahat tungkol sa kanya.

"Okay lang po..." Hindi ko mapigilan ang luha ko. Kumalas ako ng yakap. Tinitigan ang mata niya. My mom is crying. Damn, no. Ito yung mabigat sa mga anak, ang makitang umiiyak ang nanay nila dahil sa'yo. Masakit. "Mom..okay lang po."

"Baby girl, we don't really know that Nick's family will fool us. Hindi namin alam." I looked at dad. Namumuo na ang luha niya sa mga mata.

"Mom...dad...please huwag na po kayong umiyak." I comfort them.

Nagpaalam muna ako kay Benj na kila mom at dad muna ako. Hinatid pa kami ni Benj sa bahay. Nung umuwi kami, namiss ko yung dati. Namiss ko itong amoy ng bahay namin. Namiss ko iyong mga kasambahay namin. Namiss ko ang lahat. Halos wala ngang nabago sa bahay namin.

Kinausap ako ni mom tungkol sa nangyari sa kanila. Nabili na nila Nick ang kumpanya ni dad. Umalis pa si dad sa autohub company. Wala. Wala ng natira sa amin. Kahit iyong maliit na negosyo namin nabenta na dahil sa pangangailangan nila mom at dad.

Hindi ko alam kung bakit nakuha pa ang kumpanya naming e mas malago naman ang kumpanya nila Nick. Ito na ba ang nangyayari kapag nasilaw ka na sa kapangyarihan.

"Umalis kami pagkatapos ng nangyari. Napilitan kaming ibenta ang kumpanya sa utang namin. Hindi namin alam na lumaki ng ganoon. Kakainvest namin hindi namin malayan na nawawalan na pala kami."  Inabot ko kay mom yung baso. Nagpaliwanag si dad at mom sa nangyari.

"I don't know what we should do after nung nangyari, Aly. Nung umalis ka doon nagsimula ang lahat. We thought that Nick's family is in good terms with us. Pero no, niloko nila kami. Pinaikot." Napaiyak pa lalo si mom sa sinabi niya. "We were so wrong. Tama ka na pala, pero kami...hindi ka namin pinakikinggan. We lost the precious thing we have in this world. And it is you." I hugged mom. Masaya akong nalaman na ni mom ito. Atleast they know what to do next.

"It is okay, mom and dad. Nandito naman po ako ngayon." Mom looked at me in the eyes. Kahit na may luhang pumapatak sa kanya ay nakikita mo pa rin ang kasiyahan doon. Masaya na ako sa ganito. Nandito na ako sa kanila. "Sorry, mom. Sa sinabi ko po sainyo dati. I was wrong, sinagot ko po kayo—"

"Sshh. You are right honey."

Nalaman din pala ni mom at dad yung nangyari kay Gideon. They're really sorry in what happened. Gusto na nga nilang tumungo agad sa mga magulang ni Gideon para humingi ng sorry pero sasabihan ko muna sila Harry para dito.

And mom and dad are fine with that. Alam ko namang pinatawad na nila mr.and mrs. Jimenez ang mga magulang ko. Pero gusto pa rin  ni mom na magsorry sila personally sa kanila.

Sinabi ko rin kila mom na huwag ng isipin yung nangyari dati. Na kalimutan na yung mga masasama at hindi kaaya ayang nangyari na mag-umpisa na lang kami ulit. Sinabi ni dad na maghahanap siya ng trabaho at ganun din si mom.

Nagkwento rin ako sa kanila kung anong nangyari sa akin. Kinuwento si Benj. At yung ibang taong dumating sa buhay ko. Masaya sila dahil maayos naman daw ako. Sana nga maayos ako.

I am so happy right now dahil okay na kami nila mom. Na magiging masaya na at hindi na ako nalulungkot dahil sa nangyari sa amin. Ayoko ng pag-usapan kung anong ginawa ni Nick sa buhay namin. Maayos na siguro kung wag ng ungkatin pa.

Tabi tabi kaming natulog. Namiss ko yung ganito kami. Dati kasi nung bata ako ganito lagi. Nung nag college na ako hindi na ako natulog sa tabi nila malaki na raw kasi ako.

Sana magtuloy tuloy na ito. Sana wala ng mangyari sa pamilya ko. Masaya na ako kapag maayos na kaming lahat. Gusto panatag na ang loob ko sa lahat.

Pagkagising namin ng umaga, mom decided to cook for us. Tinulungan ko siyang magluto. Namiss ko yung mother and daughter bonding naming. Nakisali nga rin si dad. Napagpasyahan naming sa gilid ng pool kumain.

Ang saya talaga. Sana ganito na lang palagi.

Buti na lang natext ko si Benj na hindi mo na ako makakauwi ng ilang araw. O baka hindi na ako roon tumira dahil nandito na si mom at si dad.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. Naungkat nga iyong mga ginagawa ko rati nung bata pa ako. Wow, sa kabila pala ng confusion binibigyan ka pa rin ni Lord ng araw na magiging masaya ka. O binibigay lagi ni Lord yung mga araw na masaya minsan hindi lang natin nakikita kasi busy tayong problemahin ang isang araw.

Kung ano ano pa ang mga ginawa namin. Nung mga hapon na nanood kami ng movie sa sala namin.

"Ma'am! Sir! May naghahanap po sa inyo!" Nagkukumahog ang si nay Trina na lumapit sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kung bakit na lang ganito.

Biglang pumasok ang mga pulis sa bahay namin.

"Mom, dad." Sabi ko.

Biglang lumapit yung mga pulis kila mom at dad. "What the hell are you doing?" Bigla nila pinosesan ang mga magulang ko.

"Sa prisinto na lang po."

The heck is this! Nagpupumiglas si dad. Wala akong magawa. Oh my God. Lagi na lang bang ganito? Oh God. Oh God.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon