Kabanata 5

63.4K 796 16
                                    

Kabanata 5

She's just a trouble to you

 

Maaga ang alis ni Gideon bukas kaya maaga rin siyang natulog. Habang ako nakatitig lang sa kanya. Hinaplos ko ng marahan ang pisngi niya. At trinace ko ang tangos ng ilong niya. His words, action and love dun ako napamahal sa kanya. At buong pagkatao niya.  Sa lahat ng bagay na sinasakripisyo niya para sa akin—para sa amin.

Parehas kaming baliw sa isa't isa. Hindi ko naimagine na mangyayari ito. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga nangyari dati.

As I continue imagining those things, I fell asleep.

 

Lumipas ang tatlong araw na wala akong Gideon na nakakasama. At ramdam na ramdam ko ang kaba sa sa thesis 2 namin. My gosh! Malapit na 'to!

"Uy!"

"Bes!"Napahawak ako sa dibdib ko sa biglang nagsalita. Napaharap ako at hindi ko na mapigilan ang sarili kong yakapin ang dyosang ito.

"Miss mo na ba ang dyosang katulad ko?" Medyo napatawa ang bestfriend ko sa sinabi niya. Mga isang linggo hata kaming hindi nagsasama dahil busy sa finals. Well, ganito talaga kapag graduating wala ng pahinga...wala ng tulog...sabaw na palagi.

"Grabe kahit may eyebags ka bes...ang ganda mo pa rin. Bakit ako? Look..." Pinakita niya ang mukha niya sa akin. Kawawa naman ang bestfriend ko ang laki rin ng eyebags katulad ko.

"Okay lang 'yan bes. Mas maganda ka pa rin naman sa akin." Binigyan ko lang ng pampalubag loob ang bestfriend ko.

"Buti naman alam mong mas ako sa lahat ng bagay sa'yo. Mas maganda ako. Mas sexy. At mas dyosa sa'yo. You're just next to me. Right?"si Nica ay halatang walang tulog. Sabog, sabaw at ngarag siya ngayong araw dahil kung ano ano na lang ang sinasabi ng bibig.

"Bes puyat lang 'yan. Bibigyan kita ng tulog. Huwag kang mag-alala." I patted his shoulder. Umiiling iling din ako ng sinabi koi yon.

"Bes naman eee!"

"Joke!" Pagkatapos namin magkwentuhan ay kumain kami sa may cafeteria. Masyado kong namiss ang bestfriend ko kaya hindi na namin napansin na may klase na pala kami. Nagtatakbo ako patungong 3rd floor. Mabuti na lamang noong dumating ako ay wala iyong prof namin.

Siguro mga limang minuto iyong lumipas nung dumating yung prof namin.

"You need to be group into 5 members. Different companies are going to attend an event in San Mateo Resort which you need to cover that event. This will be your final project to me...no more exams. That's all. See you when I see you." At tumalikod na ang prof namin at lumabas na ng silid. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang prof namin mabuti na nga lang at inaassist ng president namin yung outdoor activity namin. Maayos na ang mga papeles na kailangan, napirmahan na ang dapat napirmahan ng university committee kaya okay na at pwede ng umalis. Sa susunod na araw ang alis namin, ang section nga lang namin ang mayroong ganitong activity. Masaya na rin ang activity na 'to kasi tungkol sa mga kotse. May activity tungkol sa mga vintage cars, tapos may karera rin ng mga sports car.Nagtatalon ako sa loob loob ko nung malaman ito. Atleast makakapahinga bago mag defense.

 

Maaga kaming umalis sa Quezon city, mga eight ng umaga siguro kami makakapunta sa San Mateo resort. Sila Mateo ang naging kagrupo ko. Nagaassign assign kami ng mga gawain sa isa't isa. Natungo sa akin ang pag cover nung racing ng sports car, nagtatalon naman ako sa tuwa.

Hindi naman naging boring ang byahe patungong San Mateo sa bayan nila Nica kasi napakulit ni Mateo...kung ano anong kaharutan ang naiisip. Napakaclown niya talaga.

Siguro mga bago mag eight ay nasa resort na kami. Agad naman kaming napanganga sa ganda ng resort kasi sobrang ganda nito at organize. Mga mga foreigner nga rin dito at grabe ang security nila dito. Nandito na siguro ang malalaking kumpanya ng kotse. Nabubuhay naman ang dugo ko sa naiisip ko. Ang tagal ko ring hindi nakakakita ng mga bagong labas na kotse.

Yung mga kaklase ko naman naglibot muna. Binigyan kasi kami ng mga assistance naming organizer rito ng mga isang oras maglibot tapos uumpisahan na naming magcover. Hindi naman kami Institute of communication pero kami ang nagcover nito, College of Business kaya kami nevertheless nagustuhan ko pa rin ito.

Napagpasiyahan ko munang maglibot din ng mag-isa. Damhin ang kagandahan ng resort ng mag-isa. Oo gusto ko munang mag-isa kahit panandali just to realize everything. Yung mga nangyari sa akin...sa amin.

I'm happy having Gideon in my life. At kuntento na ako roon. But bakit may mga tumututol, did I do something to them? O si Gideon? Wala naman akong nakikitang masama para ayawan nila kami. Lalo na si mom and dad...nalulungkot ako sa nangyayari sa relasyon naming pamilya.

Naglalakad lakad pa ako at natagpuan ko ang isang private pool. Wala pang tao. Tahimik ang paligid. Masarap sanang tumambay roon pero may nakikita akong pamilyar na tao. Lumapit pa ako sa lugar na iyon pero nagtago lamang ako sa gilid.

Kumakabog na ang dibdib ko nung naliliwanagana ako sa imahe ng tao na nakikita ko.

"Dammit! Gideon. What happened to you?! Are you stupid?" Nakita kong hinila ni Ms. Diane ang suit ni Gideon sa gigil niya rito. Nanginig naman ang loob ko ng makitang lumapit ang mukha ni Diane kay Gideon. Napatakip ako ng bibig at napaatras sa pwesto ko. "Please. Love me again. Please Gideon. I'm sorry. Please. I know nagsisisi ako ngayon...to let you go. But please...we can start again. Please." Napalunok pa ako ng pilit lumapit ang mukha ni Diane kay Gideon.

Nanginginig na talaga ang katauhan ko. Napapikit ako ng isang madiin. Ayoko nito. Ayo—"Baby, come here." Napatalon ako at napabukas ng mga mata. Nanginginig pa rin ako. Hindi ako makakilos. Alam ni Gideon na nandun ako?

"No! You just stay in that place!" Nanggigil na sabi ni Ms. Diane. "Damn! You're sick Gideon. She's just a trouble to you!"

 

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon