Kabanata 26

54K 745 62
                                    

Kabanata 26

Go to hell

Bago ako tumungong prisinto ay kinausap ko muna yung abugado ng pamilya namin. Hindi ko halos alam kung ano ang dapat gawin. Natataranta ako. Damn sino na naman ba ang may pakana nito? Iisa lang namang tao ang nasa isip kong gumawa nito sa amin.

Nung nakausap ko na yung abugado namin. Agad agad akong pumunta sa prisinto kung nasaan si mom at dad.

Ayokong magalit kung sino man ang gumawa nito. Pero binibigyan niya ako ng dahilan para magalit sa kanya.

Pinuntahan ko agad kung saan nakakulong ang magulang. Magkahiwalay sila kaya hindi ko alam kung sino yung una kong pupuntahan. Nakita kong dumating na yung abogado namin at nakipag usap siya dun sa mga pulis.

Si Mom muna! Agad agad tumungo roon sa pwesto ni mom. "Oh God. Mom!" Hinawakan ko iyong kamay ni mom na nakapit dun sa selda. Oh God. My mom doesn't deserve this. Oh Lord.

"Baby girl." Napatingin ako dun sa kaliwa. Si Dad! Oh God. Kung siya man ang gumawa nito...iyong naiisip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya.

But speaking of the devil. "Aly." Napatingin ako roon. Sabi ko na nga ba. Damn, Nick! "Woo! You're here. Family reuni—" I slapped him hard on the face.

"What the hell is this!"I glared at him. Sasampalin ko na ulit sana siya ng biglang humarang ang mga body guard niya at hinawakan ako sa kamay. Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawa kasi ang lakas ng mga bodyguard niya. Damn. "Damn it! Nick! Palayain mo sila! Dammit!" Nagpupumiglas ako sa mga bodyguard niya.

Tinitigan lang ako ni Nick. "I won't." Nick smirked at me. At dahan dahan pa siyang naglakad palabas ng prisinto.

"Dammit! Nick!" Binitawan na ako ng mga bodyguard niya nung nakasakay na siya ng kotse. Napakasama niyang tao. I damn hate him! Ano na naman ba 'to? Wala bang magandang mangyayari sa akin ng buong isang araw? Kailan ba akong magkakaroon nun?

Damn.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Bakit? Bakit na lang ganito? Alam ko namang may rason kung bakit nangyayari ito? Pero bakit ako na lang lagi?

Kinausap ako ng abugado namin. Hindi raw kaya ng ransom. Kailangan makausap yung 'na agrabyado' damn, sila pa talaga. Niloko at pinaikot lang naman ng pamilya ni Nick ang mga magulang ko, tuloy nasangkot sila. Daaamn!

"Mom dad, I'll fix this." Ani ko at lumabas  ng prisinto. Ito na lang ang paraan na naiisip ko. Oh God. Help me.

"Where's Nick?!" Sumugod ako sa bahay nila. Ito na lang ang tanging naiisip ko para makalaya na ang mga magulang ko naloko lang nila kaya nagkaroon kami ng utang sa kanila. Hindi na namin iyong mababayaran kasi wala ng trabaho sila mom.

"O." Damn you. Preskong presko siyang bumaba sa hagdan nila. "What Aly?" He smirked like a devil. Nakakatindig balahibo.

"Palayain mo sila!" Lalapit na sana ako sa kanya pero biglang humarang ang mga bodyguard niya. "Parang awa mo na Nick!" Bumuhos ang luha ko. "Please..." I am begging. Huwag na sila. Hindi na nila kaya. Huwag na ang mga magulang ko.

"Hindi." Tinalikuran niya ako.

"Parang...awa...mo na" Napaluhod  na ako sa harap niya. "Please...gagawin ko ang...lahat." This was the wrong decision I ever made in my damn life. Na nagmamakaawa ako sa taong gumawa ng mga masasamang bagay sa buhay ko. Ako pa talaga ang nagmamakaawa ngayon.

Napaharap ulit siya sa akin. "Talaga? Kahit ano?" Lumapit siya sa akin. Lumuhod siya at hinaplos ang pisngi ko. Damn.

"Oo...kahit ano." Napahikbi ako roon. Hinaplos pa ni Nick ang pisngi ko. Nandidiri ako sa haplos na ginagawa niya sa mukha ko. Lumapit iyong mukha niya sa akin. Damn, no. Huwag 'to! "Nick...please." Naamoy ko na ang hininga niya sa akin. Naninindig balahibo ako sa ngisi niya sa akin at sa paglapit ng mukha niya.

"Still a no. " Damn. It.

Tumayo na si Nick sa pagkakaluhod. "Go to hell! Ikaw! Ikaw lahat ng may pakana nito! "

"Paalisin niyo 'yan." Ngumingisi pa rin siya. Biglang lumabas iyong tatlong lalaki sa isang kwarto. The heck! Sila lang yung mga lalaking nagtakang mag-rape sa akin dati. The heck!

"What the hell Nick?! Ikaw lahat ng may pakana ng nangyari sa akin! Damn it! Nick!" Hinawakan ako ng tatlo sa braso. Nagpupumiglas ulit ako. "Go to hell!"

"We're living on hell. Syempre dapat kasama ko rin kayo! Hindi lang ako!"

"I damn hate you. Wala kang awa." Hindi ko magawang makaalis sa hawak ng mga hayop na humahawak sa akin.

"Am i?" Gusto ko ng sapakin talaga si Nick sa mukha. Siya lahat may pakana ng lahat. Gahaman. Napakagahaman nila.

"Tell me! Ikaw din ba ang may gawa ng aksidente ni Gideon!" I glared at him. Kung siya talaga hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. O Good Lord. Damn it.

"O ako ba?" He laughed like a devil.

"You son of a bitch!" Susugurin ko na sana siya pero hindi talaga ako makaalis sa pagkakahawak ng mga hampaslupang ito. Damn. "Go to hell! Go to fucking hell, Niccholo!" Hinila nila ako palabas ng bahay nila. Halos itapon palabas. God. They are not humans.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano ba ang dapat gawin? Ayoko na. Tama na. Parang awa niyo na. Ayoko na.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Gusto ko makalaya na sila mom at dad. They don't deserve this. Naloko lang sila. Why? Ako lang ba ang nakakaranas nito?

"AJ!" May bumaba na tao sa isang kotse. Hindi ko na makita dahil medyo padilim na. Pero kilalang kilala ko yung boses.

"Benj..."  Tumakbo na siya sa pwesto ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Buti na lang nandito pa siya.

"I'm here. Sshh..." Niyakap ko siya pabalik. Lagi na lang siyang nandito kapag kailangan ko. Napakabait ni Benj sa akin. Gusto kong suklian yung kabaitan niya sa akin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Totoo, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pagkatapos ng nangyari sa akin ngayon. Hindi ko na talaga alam.

"You should rest." Kumalas siya ng yakap at inalalayan ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako.

"My mom. My dad." Nilagyan niya ako ng seatbelt.

"Pupunta na tayo." Pumasok na rin si Benj sa kotse.

"Okay." Pinaandar na ni Benj yung kotse. Hindi ko alam. Tama na. Wala na akong alam pagkatapos ng mga nalaman ko. Naguguluhan ako. Akala ko kaya ko ng tumayo sa sarili kong paa pero ngayon I am so weak. Hindi ko talaga alam yung gagawin ko.

Mga 7 ng gabi ng makarating kami sa prisinto. Nagmamadali akong bumaba ng kotse. Pero naistatwa ako sa nakita ko.

"Honey!" Lumapit agad si mom sa akin. "Someone. There is someone who helped us. Hindi ko kilala pero...I am so happy." My God. Thank you Lord. Kung sino man tumulong sa amin. I must thank him personally.

"Nasaan po siya?"

"He's gone. Umalis siya agad. Hindi ko alam kung anong ginawa niya." Pero kahit ganun ang saya saya ko. Oh my God. Thank you good Lord. Niyakap ko ng mahigpit ang mga magulang ko. Kung sino man yun, magpapasalamat talaga ako sa kanya.

Hinatid kami ni Benj sa bahay. Gusto nga niyang dito na lang sa bahay matulog dahil nag-aalala siya sa amin pero kailangan din naman niya ng time sa sarili niya. So in the end napauwi ko pa rin siya.


U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon