Kabanata 34

59.4K 902 87
                                    

Inappropriate song. I'm sorry! :)

**

Kabanata 34

Forever and Always

Ayoko na. Ayoko ng magising kung panaginip ba ang nangyayari ngayon. Kitang kita ko iyong mata niya na nakatitig sa akin. Kahit pala ilang beses mong sabihin sa sarili mo na susuko ka na, aayaw ka na, titigil ka na ay hindi mo pa rin magagawa kasi naniniwala ka parin sa nararamdaman mo.

Nalusaw lahat. Iyong galit, iyong sakit, at lungkot ngayong nasa harapan mo na siya. At bumalik iyong dating siya. Na pinaglalaban ka ngayon. Oo nasaktan ako dahil roon sa pagpapanggap niya...na hindi ko malaman kung bakit niya ginawa iyon. Hindi kasi ako naniniwala na hiniwalayan niya ako dahil hindi na niya ako mahal...hindi na niya ako gusto.

Iyong pangungulila mo nawala dahil sa isang yakap na ginawa niya sa akin. Medyo tanga ba? Dahil sinunod ko iyong gusto ko. Hindi naman tanga, ang gusto ko lang huwag nang masaktan. Bakit ko pa papairalin o huwag siyang tanggapin kung siya pa rin. Na iniisip ko na akin pa rin siya.

Marami akong tanong. Marami akong gustong malaman ngunit pinagpaliban ko iyon. Huwag muna ngayon. Siya muna. Si  Gideon muna.

"I don't choose. Ginusto ko 'to. Sinunod ko kung anong gusto ko. Kasi ikaw ang gusto ko." Sinubsob ko iyong ulo ko sa dibdib niya. Namiss ko 'to iyong amoy niya...iyong paghawak niya sa akin...iyong boses niya para sa akin. Lahat namiss ko sa kanya.

Nakarinig ako ng yabang ng mga sapatos. Napatingin ako roon at nakita iyong mga pamilyar na mukha ng mga taong mahal ko.

Si Maggie ang una kong nakita. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero isang ngiti at thumbs up ang binigay niya sa kin. Nandun din si Karl at Nica na ngumingiti rin sa akin. Yung magulang ni Gideon. Si Harry, si Nathalie at si baby Nate. At iyong mga magulang ko. Doon pumatak iyong mga luha ko ng tuloy tuloy. Grabe, I didn't expect this. Hindi ko alam kung ano ba ang irereact ko sa nangyayari ngayon. Ano ba dapat?

A voice says something's happened

That she should come right now

Her mind goes to December

She thinks of when he asked her

He bent down on his knees first

And he said

Kasabay nito ang pagtugtog ng isang kanta na pumapalibot sa bawat isa sa amin. Biglang lumiwanag iyong simbahan at nakita ko iyong napakagandang imahe nito. Napatingin ako sa gitna nito.

Thank you...salamat Panginoon.

Dinig at ramdam ko iyong mabigat niyang paghinga. Ganun din ang nararamdaman ko. Tumitig ulit ako sa kanya. At naramdaman ko iyong dalawang kamay niya sa pisngi ko. I am losing the air I have right now. Nawawalan ako ng hangin sa paghinga niya. At nalulunod ako sa titig niya sa akin. God. Damn. It.

"I love you."


I want you forever, forever and always

Through the good and the bad and the ugly

We'll grow old together

Forever and always

Napapikit siya noong sinabi niya iyon sakin. Damang dama ko iyong bawat salitang iyon. And I know what one thing right now; I don't care about the world. Wala akong pakelam sa mga ayaw sa amin. I just care Gideon that is all matter.

I feel his lips on my forehead.

I want to marry this guy infront of me. I want to share everything on him. I want him.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon