Kabanata 24

57.3K 749 17
                                    

Kabanata 24

Focus on me

Awkward. Ang tahimik. Hindi ko alam kung anong gagawin matapos yung nangyari. Sabay kaming naglakad pabalik sa kubo. Halos mabilang ko na nga ang hakbang ko kasi wala talagang imikan.

"Try me, AJ. Focus on me." Napatingin ako kay Benj. Kumabog ang dibdib ko sa ngiti niya sa akin. Damn, not that. "Sa akin ka muna. Prove yourself na mali ako. Patunayan mong maalala ka niya. Kapag tama ka pababayaan kita." Napalunok ako. "Kapag mali ka I'll make you mine. I will court you. Kahit ano pa gagawin ko para sa'yo." I swallowed hard again. God, Benj. Naririnig niya kaya ang sinasabi niya ngayon sa akin?

"Pero Benj baka kasi..." Ilan excuses pa ba ang sasabihin ko? Pero hindi ko naman masabi kasi ayoko ng may nasaksaktan sa akin. Tama na.

"Sa akin ka muna, kahit hindi...totoo." I saw pain in his eyes after he said those words on me. "Please. I don't want you hurt. Please. Focus on me. Kahit sandali lang." He pleaded. Nangatog na ang pang ibabang labi ko kasi hindi ko talaga alam kung anong sasabihin sa kanya.

Alam ko gusto lang ni Benj na hindi ako masaktan. Gusto niya lang na move on ako. Gusto lang niyang maging masaya ako. Bakit ba hindi? Benj is more than everything I have now. Isa siya sa mga importanteng taong pinahahalagahan ko ngayon at ayokong siyang mawala sa akin.

Tumango ako. To agree. Maybe pwede na rin ito. Nakita kong ngumiti si Benj. God.

Humarap siya sa akin. Hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Please don't take advantage on me—" Sinapak ko na sa braso. Pero siya? Tawang tawa pa sa ginawa. Medyo makapal din itong si Benj. Ako magtetake advantage sa kanya? God.

"Medyo makapal." I glared at him.

"Don't kiss me. Don't—" Pinalo ko na ang braso. Napaka...urgh..."Ibibigay ko naman ang sarili ko pero talaga, huwag kang magtake—" Sinapak ko na talaga sa mukha. Tawang tawa naman ang lalaki sa pinagsasabi.

Nauna na akong lumakad. Napaka-assumero naman kasing tao nitong si Benjamin. "Hintayin mo naman ako!" sigaw niya. Hay, bahala siya! Rinig na rinig ko pa rin ang halakhak niya. Napaka ewan talaga ng Salazar na 'yan!

Tinakbuha ko na siya. Nakakaasar naman kasi. Ako pa talaga ang magte-take advantage. Pero sa isang banda, natutuwa ako. Nala-light up ang sistema ko dahil sa ginawa ni Benj. Kahit masakit sa kanya. At sa akin.

"Huy!" Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko. "Focus on me. Ako lang." Naistatwa ako. Hindi ko alam kung saan sa sinabi ni Benj o dahil nandito na kami sa kubo kung saan nandito si Gideon. Hindi ko alam. Humigpit ang hawak ni Benj sa akin na halos yakapin na niya ako papunta sa kubo. He's trying to cover me. Gusto niyang hindi ko siya makita...si Gideon, ayaw niyang pakita sa akin iyon. "Matulog na tayo. Uuwi na tayo kasi bukas." Tumingin ako sa mukha ni Benj. Ngumiti siya. Napangiti ako.

Pero kahit anong takip ni Benj sa akin sa katawan niya. At halos maamoy ko na ang pabango niya ay nakita ko siya...si Gideon kasama si Maggie. Maybe, hindi niya talaga ako maalala. Siguro nga.

Pumasok na kaming kubo. Maayos na nakalatag yung mga banig roon. May anim na unan. Pumwesto si Benj sa may dulo. Tumabi ako sa kanya. Tumagilid siya sa akin. At ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"Bakit Benj? Bakit mo 'to ginagawa?" Napalunok ako pagkatapos kong sabihin iyon. Napapatitig ako sa bubong ng kubo. Pero hinapit ako ni  Benj malapit sa kanya. Napatagilid ako at napasubsob sa dibdib niya. Naramdaman ko na lang ang yakap ni Benj sa akin.

"Ang daling sagutin ng tanong mo. Pero ang hirap sabihin kasi rejected na kasi ako sa'yo." Yung kabog ng dibdib ni Benj ang bilis. Hindi ko na mabilang. "But I am trying to prove myself to you. Just trying...kahit siguro sandali lang. Because all I want is to see you smiling. Kahit hindi ako ang dahilan basta masaya ka lang." Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Benj. Hindi ko talaga alam ito. Ito na nga yung sinasabi ni Nica.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon