Kabanata 17
Hindi makatingin
Para bang gusto mo nang magising sa bangungot na nangyayari ngayon. I looked up the sky to stop myself...to stop the pain...to stop the ache. Para hindi ako maiyak. Ayoko na. May parte sa akin na gusto ko ng sumuko sa gusto ko kasi wala na rin namang mangyayari kung maniniwala pa ako sa nararamdaman ko. Ito naman diba iyong gusto ko? Na maging masaya siya. Pero ang sakit...ang sakit na masaya siya sa iba. Akala ko kaya na ng dalawang taon para makalimutan siya pero hindi kulang...hindi na hata makakalimutan.
Hindi na talaga ako makahinga. Nalalasahan ko na iyong dugo sa labi ko dahil kagat kagat ko iyon. Nangangatog na ang katawan ko. Ayoko na.
"AJ." There was a hand on my shoulder. Napatingin ako over shoulder. Benj, ayoko na. Ayoko na masakit na. I wanted this words to say to Benj. Gusto ko may makaintindi naman sa akin. Sa nararamdaman ko pero natatakot ako...kasi baka pati si Benjamin mawala sa akin dahil hindi ako loyal sa kanya. "What's wrong?"
Humarap ako sa kanya. "Nahilo lang...fresh air. Gutom siguro." I let a fake soft laugh.
"Hays, akala ko pa naman kung ano. Tara na nga!" Inakay na niya ako sa loob. Ayoko Benj. Pero hindi rin...nakapasok din ako sa loob.
Unti unti ulit akong nawawalan ng hangin sa bawat hakbang na ginagawa ko. Tama na. Tigil na. Kumakabog na ang puso ko. Ayoko na.
Umupo ako sa tabi ni Benj. May nakahaing ng pagkain sa mesa. Madami. Masasarap pero parang nawawalan ako ng gana sa nakikita ko. Nasa harapan ko pa sila.
Hindi ako makatingin.
Kasi once na tumingin ako, baka hindi ko na mapigilan yung mga luha ko.
Tango na lang ako ng tango sa mga sinasabi ni Benj kahit hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Pinipilit kong kumain kahit sa lasa ko parang wala namang mga lasa iyon. Para na ngang nahahalata ni Benj na parang may mali sa akin. Damn, huwag naman sana.
"Mom, you know Gideon naman di ba?" Napatingin ako sa mom ni Benj.
"Yes, Mags. Billboards, news, magazines and achievements. Bakit hindi ko naman malalaman yun?" She let a soft laugh. Ganun din si Maggie.
"And..." Maggie wanted her mom to continue bragging these achievements and all.
"About cars and such. Right?" Tumingin ang mom ni Benj sa direksyon ni Gideon.
"Yes, ma'am." Matipid na sagot niya na nagbigay na tindig sa loob ko.
"Anyways, mom. Gusto po pala ni Gideon na umattend po kayo dun sa launching." Launching.
"O sure." Binigyan ng isang warm smile ng mom ni Benj si Maggie at Gideon. Pero maya maya lang tinuon na ng mom ni Benj ang atensyon sa akin.
"By the way Aly, where did you guys met?" I swallowed hard. Anong sasabihin ko? May nagtangkang mang rape sa akin tapos niligtas ako ni Benj? Pwede ba yun.
"Uhm. Benj saved my life a one and half year ago."
Kumurba sa isang ngiti ang labi ng magulang niya. "O." ani niya. "Tapos?" another question.
"He offered me tita a job. Tinanggap ko na po." I saw awe on her expression. Si Maggie naman nakangiti lang. Yung dad nila, tumatango lang.
"Destiny!" biglang sabi ni Maggie. "You guys are destined!" Pinagdaop pa niya ang dalawang kamay niya. "Di ba Gid?" Gid. Doon ako napatingin kay Gideon. Please say no. Pero hindi siya sumagot ng salita, imbes ngumiti lang siya ng kaunti at tumango. Damn, no. "Hay, perfect talaga kayo kuya at Aly." She beamed.

BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)
ChickLitPinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 'tong nasasaktan. May kutob siya kung sino ang gumawa nito kaya lalong nag-igting ang kagustuhan niyan...