Simula

219 9 2
                                    


NAGMAMAHAL, BASHA.
Started: August 19, 2016
Ended:
     
     
Simula.
    
     
Bumuhos ang malakas na ulan, at halos mangisay na ako sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko.

Huminga ng malalim ang lalaking nasa harap ko, alam kong ayaw nya na akong makausap, alam kong nasaktan ko sya. Pero mas nasasaktan ako.

The pain is still here, and it didn't even move a bit. I breathe deeply, trying to hold my tears from falling. I picked up all my pieces together, kailangan ko syang makausap.

“K—Kamusta kana?” Maging ang labi ko ay nanginginig. Mas lalong lumakas ang hangin at ang sinisilungan naming kubo ay hindi sapat para protektahan kami sa malakas na ulan at malamig na simoy ng hangin.

Bakit ngayon pa? Kung kelan may bagyo saka kami pinagtagpo ulit ng tadhana. Gusto ko syang tanungin at kausapin kung anong nangyari sakanya sa loob ng limang taon. But his treatment towards me screams how angry he is to me.

Isang malaking pagkakamali ang desisyon ko dati pero hindi na ako nagsisisi ngayon. Kung ang pagbitaw ko noon ang naging dahilan ng pag angat nya ngayon ay ayos lang, masaya ako't nagbunga lahat ng sakit at sakripisyo nang nakaraan.

“Don't talk to me like that, I'm your boss. You're just my employee, Ms. Magdayao.” Malamig nyang sabi. Laglag ang panga kong napatingin sakanya. Although walang ilaw at hindi ko sya masyadong kita ay ramdam na ramdam ko ang galit sa boses nya at mukhang iritadong-iritado sya sa presensya ko.

Napayuko ako at bahagyang napahawak sa kaliwang dibdib ko.

“Sorry.” Iyan nalang ang nasabi ko at dahan-dahang napasandal sa kahoy. Gusto ko nalang matulog, namamanhid ako sa lamig. Pakiramdam ko para akong pinapatay ng hangin na nakapalibot samin ngayon. Napapikit ako at agarang tumulo ang mainit na likido sa mata ko.

Tama nga ba ang desisyon  ko? Mali ba 'yong isipin ko ang ibang tao bago ang sarili ko? He's still mad at me for leaving him 5 years ago. But I have no choice back then, the only choice I had before is to be strong enough to endure the pain.

Nagulat ako nang biglang kumidlat ng malakas, agad akong napatabon sa tenga sa sobrang takot na baka masunog 'tong kubo dahil doon. Para akong maiiyak sa sobrang takot, pati ba naman langit galit sakin?

Halos mapatalon ako nang may biglaang yumakap sakin.

“It's okay, thunder and lightning won't kill us.” Malamig parin ang boses nya pero napapangiti ako. He still care, I guess? I remember years ago, I told him I'm afraid of storm especially thunder and lightning. Maybe he remembered that? I hope he does.

God knows how much I miss him. And I'm afraid to admit that maybe.. Just maybe, I'm still inlove with him.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon