Dedicate.
Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon, tulad ng kung saan galing 'tong si Pablo at kung anong ginawa nya. At kung bakit nya ba ako hinatak palabas ng canteen nang hindi pa nakakakain, iniwan pa namin si Hannah doon kaya mas lalo akong di mapakali."San mo ba ako dadalhin? Walang kasama si Hannah!" Pagrereklamo ko at pilit na nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ko.
Tumigil kami sa isa sa mga bleachers ng school, dito ko rin sya noon nakita 2 years ago.
"Matanda na si Hannah, kaya nya nang kumain mag-isa." Aniya, inirapan ko lang sya at naupo. Umupo rin sya sa tabi ko at nagulat ako nang sobrang lapit nya sakin. "Lumayo ka nga!" Sigaw ko.
"Hinahanap mo'ko kanina tapos ngayon pinapalayo mo'ko? I don't get you at all, Bash." Sabi nya at mas lalong lumapit sa tabi ko. Tangina!
"Lumayo ka nga kasi!" Naiinis na ako, onti nalang talaga susuntukin ko na 'tong Maglaya na 'to eh.
"Ba't ba ang sungit mo? Monthly period mo ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at agad syang sinamaan ng tingin.
Ngumisi sya ng nakakaloko kaya mas lalo akong nainis. Gad! Meron nga ako ngayon, kaya ba ang init ng ulo ko?
Wait, baka naman may tagos ako sa likod kaya nya nasabi yun? Kinginaaaa, sana lamunin ako nitong bleacher.
"B—Ba't mo ba ako dinala dito? Ang kapal ng mukha mong iwan sakin ang clearance slip mo, akala mo ba isasabay ko yun sa pagpapapirma? Ha?!" Utas ko, bakit nga ba ang init ng ulo ko?! Tangina naman 'e.
"Tahimik dito, Basha. Tsaka alam kong isasabay mo sa pagpapapirma ang clearance ko." Nakangisi syang sabi, damn those teeth.
Confident akong maganda ang ngipin ko dahil tamang-tama ang pagkapantay nito at wala pang sira, pero itong kay Pablo iba 'e.. perpekto tignan.
"Hindi ko isinabay sa'yo 'no! Ano ka? Boyfriend ko?" Natigilan sya sa sinabi ko kaya pati ako ay natigilan rin. Tanga mo, Basha! Ba't mo nasabi yun?!
Ilang segundo syang natahimik bago sumilay ang ngiti sa labi nya. Agad akong napalunok sa kabang naramdaman.
"Then, can I be your boyfriend?" Kumalabog ang puso ko sa tanong nya. Pakiramdam ko nasa isang beauty contest ako na tila ba nablangko ang utak ko't di na malaman kung anong isasagot.
"H—Ha?" Naguguluhan at kinakabahan kong sabi, nababaliw na ba sya? Ba't nya tinanong 'yon? Nababaliw na sya!
"Can I court you, Bash?" His eyes were directed into mine, he's damn serious. Gusto ko nalang maglaho sa mundo, o di kaya'y magtago sa kung saan basta malayo sakanya.
"P—Pablo.." Nangapa ako ng salita, ramdam ko na ang sobrang bilis ng tibok sa dibdib ko at pati narin ang seryosong titig sa akin ni Pablo.
Umihip ang malakas na hangin at kitang-kita ko kung paano mas lalong nagulo ang buhok ni Pablo. Napakagat ako sa labi at agad na nag-iwas ng tingin.
"That fucking Vlad is hitting on you. I hate seeing it, Bash. That's why I'm asking you to be my girlfriend 'coz I don't like the idea that some asshole is into my girl, makakapatay ako Basha." Aniya.
Vlad is hitting on me? Imposible! He's the freaking Vlad Mirko Ricarte, a well-known artist and he's also the first grandson of the great Valdemir Ricarte.
At ako? Ako lang si Basha, at kung ano man 'yang pinagsasasabi ni Pablo ay siguradong kalokohan lang. Napapraning lang sya.
"Hindi pa ako pwede, Pablo. Magagalit ang Papa ko, ang bata pa natin para dito." Sabi ko at saka tumitigtig sa mga mata nya na dahan-dahang nag-iba ang ekspresyon, yumuko sya at saka tumango-tango.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
Chick-Lit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"