Picture
"Vlad! What if he's here? God! Bakit nyo ba ginawa sakin 'to?" Pagrereklamo ko dahil mukhang hindi ko nagugustuhan ang gusto nilang mangyari.
"Relax, Bash. It's just his brother, and besides di nya naman alam na ex-girlfriend ka ng kapatid nya. And one more thing, they're not that close para sabihin sakanya yun ni Pablo." Ani Vlad, di parin mawala ang kaba ko. "Just for tonight okay? Tutugtog lang kami ng limang kanta and then, babawiin kana namin sakanya. You need him later while we're on stage." Dagdag pa nya.
"Hindi na ako bata, ba't kailangang kasama ko sya?!" Ugh. I can't help but worry a lot, gusto nilang samahan ko si Vince, or samahan ako ni Vince para safe daw ako. What the hell? I am not a child!
"Please, Bash? Nag-aalala lang naman kami, just for tonight okay?" Malambing na sabi nya sabay tingin sakin gamit ang mukhang nagmamakaawa. Nakakainis!!
"Hindi kami close, ni hindi nya nga ako kinakausap." Sabi ko na syang ikinalawak ng ngiti ni Vlad.
"Is that a yes?" Aniya.
"Pano naging 'yes yun?" Gulat kong sabi. Ang layo ng yes dun sa sinabi ko. Baliw ba sya?
"Don't worry, mahiyain lang sya.. but he's good and alam kong makakasundo mo sya." He said while smiling. Napairap nalang ako. Fine.
Nagbihis na ako at nag-ayos, I'm wearing a White Boho Ruffle Off-shoulder Sleeve, and a gladiator sandals. Okay na ata 'to. Kanina pa umalis ang banda para mag ready sa performance nila mamaya.
I wonder if alam ni Vince na dapat magkasama kami mamaya according to Vlad's rules? Oh, whatever, di ako komportable na kasama sya dahil kanina palang na nag-iinuman sila ay di sya namamansin at mukhang nandidiri sakin dahil layo sya ng layo. Mabaho ba ako?
My phone beeped. Agad kong tinignan ang mensahe, it's from Vlad.
Vlad Mirko: Where are you? We're about to start, and by the way Vincent is waiting for you outside.
What? Ilang oras na syang naghihintay sa labas? Sigurado akong umalis nay un dahil ilang oras akong tumambay dito sa kwarto.
Nagpasya na akong lumabas at laking gulat ko nang maabutan kong nakasandal sa gilid ng pintuan si Vince. He immediately looked at me with annoyance dahil mukhang nangalay sya kakahintay sakin.
"Sorry, hindi ko alam na nandito ka sa labas." Sabi ko. Inayos sya ang tayo nya habang nakapamulsa.
"It's okay, let's go?" Kalmado nyang sabi sabay talikod. Di ba sya galit? Nanliliit ang mata ko habang nakasunod sakanya papunta sa labas, bakit sobrang kalmado nya? "Just tell me if you want to eat something." Aniya. Even his voice is calm! I can't believe this guy.
"Gaano mo na katagal na kilala sina Vlad?" I asked, medyo malayo pa naman ang lalakarin kaya might as well grab the opportunity to know him. Bakit di sila close ni Pablo? Is he mad? Or may alitan ba sila? Pero bakit? Di ba nya tanggap si Pablo as his brother?
“Not sure, maybe 2 years na?” Aniya habang nanliliit ang mga matang nakatingin sakin. I gulped.
He reminds me of his brother. The mannerism and all.
Nabalik ako sa huwesyo nang mapansin kong parang nakakunot na ang noo nya takang nakatitig sakin.
Nang malapit na kami sa venue ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga tao sa labas. May mga nagcha-chant pa ng "Pa-ta-tas", as the bands official nickname.
Tahimik lang si Vince at mukhang hindi interesado sa lahat ng nangyayari ngayon dahil sa blangko nyang ekspresyon.
Well, tahimik rin naman ako dahil naiilang akong kausapin sya. I feel like he's somewhat annoyed that he's asks by my friends to look after me. Hindi naman na ako bata, bakit ba ang O.A. ng mga 'yon?

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"