Puerto Isla.
Abala ako sa pagbabasa ng mythology book at notes ko ngayon. Malapit na kasi ang exam namin kaya nagpasya na akong magbasa ng mga past lessons namin.Nasa kalagitnaan na'ko sa pagbabasa nang biglang nag-ring ang phone ko. Pablo is calling.
Agad ko iyong inabot at sinagot ang tawag nya.
“Hello?” Sagot ko sa tawag at bahagyang gumulong sa kama ko. I heard him laugh a bit on the other line, kumunot ang noo ko. “Bakit?”
“Wala, I just miss hearing your voice Basha.” Aniya. Sembreak na kasi at ilang araw ko na syang di nakikita. These past dew days ay palagi ko syang hinahanap, at natatakot ako roon.
Masyado na ata akong nasanay na lagi syang kasama. Kahit sa school, nagtatampo na si Hannah dahil mas marami na daw ang oras ko para kay Pablo simula noong naging kami.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ko.
“I'm watching porn, you?” Halakhak nya. Napaawang ang bibig ko at ngumuso.
“What. The. Hell. Pablo?!” Rinig kong tumawa sya sa kabilang linya. I can only imagine him smiling like an idiot right now.
“Yes, po?” Malambing nyang sabi. Napabuntong-hininga ako, it irritates me everytime that he talks to me like that. I hate it when his voice is too sweet, at sinasabayan pa nya ng malambing na 'PO sa huli.
Pumikit ako ng mariin at pilit na kinakalma ang sarili dahil feeling ko nagwawala nanaman ang mga paru-paro sa tyan ko. “Wala.” Sagot ko. I don't know what to say, mukhang nablangko ang utak ko saglit.
“Really? Akala ko may sasabihin ka po.” Ugh! Napahawak ako sa sintido ko at umayos ng upo.
“Hm, yes I do. I'm going to study first, Pablo. Let's continue talking tomorrow.” Kalmado kong sabi at muling itinuon ang mata sa notes ko.
“Okay, baby. Goodnight, I love you po. ” Aniya at saka ibinaba agad ang telepono. Uminit ang pisngi ko, he didn't even let me say goodbye before he ended the call.
Now how am I going to focus on my studies if Pablo invaded my mind again?
Ugh.Kinabukasan ay nagyaya si Ate Yasmin na magroadtrip raw kami at pumunta sa Puerto Isla para maligo sa isa sa mga beaches doon.
“Let's enjoy this vacation, family! Habang wala pa akong Ojt.” Ani, Ate Yas. Ngumuso ang Kuya Kael ko at inirapan si Ate. What a gay!
“I already planned something for this day, Yas. Thank you for ruining it.” Inis na sabi ni Kuya Kael.
“Oh, shut up Brad.” Sabi ni Ate Yas, at dinildilan si Kuya Kael. Natawa nalang ako habang si Kuya naman ay masamang tinignan si Ate.
Sa aming tatlo, mas close kami ni Kuya Kael. Maybe because masyadong maarte 'tong si Ate Yas at ni hindi mo macontrol at makausap ng maayos, samantalang si Kuya Kael naman ay gusto nyang kontrolin ang lahat ng bagay kaya di sila magkasundo.
“At ano namang plano mo sana ngayon, Eleandre?” Tanong naman ni Mama. Nag-aayos na kami ngayon sa mga dadalhin, yayain ko sana sina Hannah at Pablo at ang iba pa naming kaibigan, kaya lang ay sabi ni Ate Yas kami lang daw muna na pamilya. Oh well, whatever.
“Ma, Kael nga kasi itawag n'yo sakin ni Papa. Stop calling me Eleandre.” Pagrereklamo ni Kuya, natawa nalang kami. He really hates his name. “Atsaka, na-cancel 'yong date ko ngayon dahil dito.”
“Date my ass, ni wala ka ngang girlfriend! Ang suplado kasi, akala mo ang gwapo.” Pang-aasar ni Ate Yas na mas lalong ikinainis ni Kuya Kael.
“Shut up, Yas. Atleast ako, I didn't change myself just to be love by someone that I liked for years.” Bulyaw naman ni Kuya, now I'm out of place. Anong ibig sabihin ni Kuya? Did my Ate change herself para lang magustuhan sya?

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
Literatura Kobieca"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"