Kabanata 18

57 6 0
                                    

Tuxedo.

Alas-kwatro y medya ng madaling araw palang ay nagising na ako. Tinignan ko ang katabi kong si Hannah at Ate Yas na mukhang ang himbing pa ng tulog. Tumayo ako at sinilip ang kabilang silid at nakitang tulog pa sina Mama at Papa at pati narin si Kuya Kael na nakahiga sa sofa.

Kinuha ko ang kumot ko at itinabon kay Kuya dahil mukhang lamig na lamig sya at nakabaluktot na ito. Bakit ba kasi nya tinanggal ang tshirt nya?

Kumuha ako ng jacket sa bag ko at nagpasyang lumabas, at maglakad-lakad sa dalampasigan.

The cold air immediately embraced me as I went out of the room. Sobrang lamig, nagsisi tuloy ako at nakashort lang ako.

Hindi pa lumalabas ang araw at medyo madilim pa ang langit, buti nalang at may mga ilaw sa kahit saang gilid dito.

Simula kagabi ay hindi parin ako nakakatanggap ng tawag o kahit text man lang mula kay Pablo, I wonder if he's already awake right now? Imposible, tanghali yun lagi nagigising.

Napangiti ako nang makita ang malaking bato malapit sa dagat, agad akong umupo dito.

Nakatitig lang ako sa dagat, waiting for some miracle to happen. Minsan naiisip ko kung totoo ba yung mga sirena, or what if naging sirena ako. Nababaliw na ata ako.

Halos mapatalon ako nang biglang nagpop-up sa phone ko ang pangalan ni Vlad.

Vlad Mirko:
Hey. You're awake already?

Kumunot ang noo ko at agad na nagtipa ng sagot. Gising narin pala sya?

To Vlad Mirko:
Yup, why?

Mabilis syang nakareply sa sagot ko.

Vlad Mirko:
I'm watching you right now, can I go there?

Aniya. Agad kong iginala ang mata ko sa paligid at nagulat ako nang makitang nakasandal sa isang puno si Vlad habang nakatingin sa kung san ako banda.

Kita kong ngumiti sya at naglakad papunta sa pwesto ko. Hawak ng kanang kamay nya ang cellphone nya habang ang kaliwa naman ay nakalagay sa bulsa. He's wearing a royal blue khaki shorts and white shirt, but still, he looks like a runway model.

“Hi. Ang aga mo naman ata?” Tanong ko nang makarating na sya sa tabi ko. Ngumisi sya at umupo sa tabi ko, bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

“Isang room lang kasi ang nirent naming lima nina Uriah, I can't sleep well 'coz they're too noisy. Ikaw?” Aniya. Biglang lumakas ang hangin sa dalampasigan dahilan kung bakit tumama sa batong inuupuan namin ang tubig sa dagat.

“Uh, hindi rin ako masyadong makatulog.” Sabi ko. Pano ba naman ako makakatulog ng maayos kung ginugulo ni Pablo ang isip ko? Ni hindi man lang tumawag or kahit text. Nag-aalala rin naman ako.

“About last night, I wanna apologize Basha. Sorry for being a jerk, sorry for making that piece. Sorry for making you upset about it, I'm sorry.” Napalingon ako bigla kay Vlad matapos nyang sabihin yun. Nakayuko sya at seryosong nakatitig sa buhangin.

“V—Vlad.. Okay lan—”

“No, it's not okay Basha. I feel so pathetic, ang tanga ko para iparamdam sayo yung sakit na kagagawan ko lang naman.” Aniya. Agad akong umiling.

“Hindi, Vlad. Kasalanan ko naman 'e, I'm sorry, too.” Bumuntong-hininga sya at malungkot akong tinignan.

“Bash, you did nothing wrong. You just followed your heart.” Bahagya syang lumunok at muli akong tinignan sa mata. “Nasaktan lang talaga ako, but I'm fine now. As long as I know that you're happy with your choice, I'll be happy for you, too.”

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon