Kabanata 17

85 8 10
                                    

Written.

"So, kamusta?" Tanong ni Vlad sa gilid ko matapos nilang kumanta. Agad namang umalis si Uriah at dali-daling pumalit sa stage. Is he going to sing, too?

"Okay naman, ikaw?" Casual kong sabi. Ngumiti sya at inilipat ang tingin kay Uriah na hawak-hawak na ngayon ang mikropono.

"I'm fine." Aniya, pero hindi na sya ulit tumingin sakin pabalik.

"Hello sa lahat, magandang gabi." Agad na nabaling ang atensyon ko kay Uriah na mukhang magsisimula na sa kung ano mang gagawin nya. Magtutula ba sya o kakanta? "Uh, ako nga pala si Uriah Silvero.. hindi ako kakanta kung iyon ang inyong inaakala, ang gagawin ko'y bibigkasin ko ang nagawa kong tula at ang mga bagay na hindi natin nasasabi ng harapan sa matagal na nating gustong makausap." Ani, Uriah. Ngumisi ako dahil ang galing nya magsalita, parang damang-dama mo.

Umakyat rin sa stage si Wint bitbit ang gitara nya at umupo sa highchair sa gilid ni Uriah, habang si Uriah naman ay nakatayo lang.

Wint started to strum his guitar but in a ballad way at mahina lang ito. Mukhang nakuha ko na ang gagawin nila. I think, tutugtog si Wint bilang background music ng tulang itutula ni Uriah.

Pansin kong tumahimik bigla ang buong paligid. Bumuntong-hininga si Uriah at nagsimula nang magsalita.

Ang hanging malamig ay nagpapangiti sa akin, binabalik ako sa mga alaala ng nakaraang nais ko ng limutin.

Gusto ko mang ito'y mawala pero hindi ko ipagkakailang isa iyon sa masasayang araw natin.

Natin.
Nung mga panahong may tayo pa.
Mga araw na tayo pang dalawa ang parating magkasama.

Gustuhin ko mang makawala ay nagagalit ang dagat,
Lumalakas ang alon
Nililipad ng hangin papunta sa akin ang sakit at mga larawang itinapon ko na'y bumabalik parin..

Sa tuwing pipikit ako, nariyan ka.
Paggising ko sa umaga, nariyan ka.
At kahit saang lugar ako tumingin nariyan ka.
Ang mga alaala ay nagmumulto, hinahati nila ako sa tatlo!

Ang kahapon ay matagal ko na dapat na kinalimutan,
Pero eto ako't nakayuko, nakaupo sa kalsada naghihintay baka sakaling magbalik ka.
Nagbabakasakaling ako pa.

Ang kasama. Ang kayakap. Mahal, ayokong makitang may kahalikan kang iba sapagkat nasanay na'kong ang mga labi mo ay akin lamang at namarkahan ko na ang mga 'yan..
Ang buong pagkatao mo'y ako lang ang nakakaalam pero eto ka..

Kasama mo ang bago mong sinta, gumagawa kana ng panibagong kabanata na hindi na ako ang kasama.
Mahal, gustuhin ko mang kumawala sa mga yakap ng kahapon ay hindi ko magawa.

Sapagkat hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ako'y iniwan mo nalang bigla, kasabay ng mga alon sa dalampasigan gusto ko nalang mawala.

Pero paano ko mapapalaya, paano ko papakawalan kung hanggang ngayon ang puso ko'y sugatan at patuloy paring kumakapit sa mga pinaasang pangako ng ating nakaraan?

Ang hanging malamig ay kumakaway, pilit akong pinapatay sa mga alaala ng nakaraan nating nais ko ng limutin.

Isang malakas na palakpakan ang natanggap ni Uriah nang matapos sya. Pati ako napapalakpak rin at nadala sa emosyon na pinakita nya habang nagsasalita kahit na hindi naman ako nakakarelate. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang sakit.

Wow. I didn't know that he can do this kind of thing. Parang sobra parin syang nasasaktan, it's like he's still in so much pain since their break up.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon