Basha Almira Magdayao
Bata palang ako uso na sa klase ang pag-guhit ng kung anu-ano sa papel, at hindi ko maintindihan ang kaklase kong si Pablo kung bakit galit na galit sya nangdahil lang sa natapunan ko ng tubig ang ginuhit nyang si batman sa mamahalin nyang notebook.
"BASHA! TANGINA, PINAGHIRAPAN KO 'YAN TAPOS PAPALIGUAN MO LANG NG TUBIG?!" Mamula-mula sya habang sinisigawan ako, at para akong matatawa dahil lumalaki ang butas ng ilong nya habang nagsasalita. Mukha syang unggoy, pero di ko yun sinabi sakanya dahil may atraso ako.
At may atraso din sya, sya ang nagsimula ng lahat ng 'to.
"Sorry, Pablo. Hayaan mo na, ang baho kasi ni batman mo kaya niligo ko muna." Ngumisi ako at nagbabakasakaling mahawaan sya sa ngisi ko at baka ngumisi rin sya pabalik pero nagkamali ako. Umiyak ang musmos na si Pablo Maglaya sa harap ko kaya agad na nagsilapitan nuon ang mga kaklase ko para sabihing.. "HALA KA, BASHA! LAGOT KA KAY TITSER."
Iniirapan pa ako nun ng mataray na si Marie, akala mo naman ang ganda nya. Palibhasa may gusto sya kay Pablo kaya panay ang tingin nya ng masama sa akin. Edi magsama sila ni Pablong uhugin. Tse!
"Sino ang may kagagawan nito, Pablo?" Ayan na, limang beses ata akong lumunok nang magtanong na si teacher kay Pablo. Tarantado pa naman si Pablo, malamang ituturo ako nyan agad at ipapatawag nanaman ang parents ko.
"Si Basha po." Aniya. Ayan na, ayan na! Papagalitan nanaman ako ng lahat.
"Basha Magdayao." Halos dumugo ang labi ko sa kakakagat ko dito, pinatawag ako ng Principal!
"Bakit mo binasa ang seatwork ni Mr. Maglaya, Ms. Magdayao?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling.
"Hindi ko po 'yon sinadya, Principal!" Deny ko pero umiling lang ito.
"Dalhin mo rito bukas ang mga magulang mo." Ganito palagi ang nangyayari sa school, kasalanan ko lagi. Bakit ba kasi napakaclumpsy ko?
Nakangisi ang batang si Pablo habang nakatingin sakin na kakalabas lang mula sa office ng Principal. Sinamaan ko sya ng tingin, at agad naman syang tumawa sa reaksyon ko. Demonyo!
Lumaki akong laging nakikita sa araw-araw si Pablo, nakakasawa na. Kaya nakapagdesisyon ang pamilya ko na ilipat ako ng school, hindi dahil sa gusto kong lumipat pero dahil ang rami ko ng atraso sa school na 'yon.
Nakapagtapos ako ng elementarya na walang buwan na hindi ako nadadala sa Principal's office, kasi sa nilipatan ko palang school ay mas marami ang tanga kaya mas maraming beses akong nabwisit at nang-away ng mga kaklase kong parang mga ewan.
Nakakainis kasi ang mga ugali nila, naiinis ako. At pati sila ay naiinis rin sakin, inaaway nila ako una at saka lang ako gumaganti pag sobra na. Kasalanan naman nila pero ako lagi ang nadadala sa Principal's office. Siguro kasi, ako ang huli nilang nakikita na nananakit? Oo nananakit ako pisikal, mapa-lalaki o babae.
Pero mabait ako, promise!
Nagpasya akong magbagong buhay nung highschool pero hindi ko inakalang mamalasin pala ako. Kaklase ko si Pablo Maglaya!
"Basha? Basha Magdayao?" Tanong nya nang makita nya akong nakaupo sa isa sa mga bleachers noon sa school. Naglakad-lakad kasi ako matapos kong makapag-enroll at tadhana nga naman nung araw din na yun ay naroon si Pablo. At tanginang malas lang dahil sabay kaming nag-enroll at yun tuloy magkaklase nanaman kami at nasa iisang section.
Napakamalas kong tao.
At nauso pa ang sitting arrangement, jusko!
"Magdayao, Maglaya, Magubat.." Malala na 'to. Magkatabi na kami sa upuan, anong problema ng mundo?
"Dalaga kana ah, san ka lumipat? Ba't ka umalis sa school?" Humalakhak sya matapos nyang itanong sakin ang siguro'y matagal nya ng kinikimkim na tanong sa utak nya mula noong lumipat ako ng school nung elementary. Baka namiss nya ang kagandahan ko, char!
Hindi ko sya pinansin, at oo.. snob akong tao. Mas okay na 'to kesa naman mag-away nanaman kami at madala nanaman ako sa Principal's office.
"Aba, di kana namamansin ngayon? Ang ganda mo ha." Aniya at agad na umalis at lumabas ng classroom kasama ang ibang kaklase naming lalake.
Hindi ako namumula. Naiinis ako, ang sarcastic ng linya nya!
"Oy, buti kapa kinausap ni Pablo." Ani ng isang tsinitang babae na lumapit sakin. Para itong nakapikit at di ko alam kung tulog ba 'to o ano. "Crush ko talaga 'yun!" Dagdag nya pa.
Napangiwi ako, ba't sakin pa 'to nagtapat ng pag-ibig nya sa kaaway ko? Kadiri.
"Pakopya nga." Umirap ako nang kinalabit ako isang beses ni Pablo nang mag-quiz kami. Nga naman, di tayo close pre! "Oy, Basha pakopya please." Ngumuso ako at inis na pinakita sakanya ang sagot ko. Tuwang-tuwa naman ang loko.
Natapos ang quiz na pareho kami ng sagot ni Pablo kaya naman panay ang asaran ng mga kaklase namin sa aming dalawa. "Kumusta naman ang quiz, Pablo? Enjoy ba?" Sabay halakhak ng isang naming kaklase na si Troy.
Kainis!
"Basha, sabay na tayo pauwi magkalapit lang naman bahay natin." Sinamaan ko sya ng tingin at agad na sinabi ang matagal ko ng kinikimkim na galit sakanya.
"Tumigil ka, Pablo. Di tayo close, at pwede ba? Lumayo ka nga sa akin, baka nakalimutan mong ikaw ang dahilan kaya nilipat ako ng school nung elementary? Bwisit ka, bakit ba lagi mo'kong dindamay sa kagaguhan mo?!"
Nalaglag ang panga nya sa sinabi ko at parang di alam ang sasabihin. He's speechless! English 'yon.
"B—Basha, ano kasi sor— sige wag na nga ayoko rin namang kasabay ka pauwi." Walang gana nyang sabi at agad na naglakad paalis.
Bumuntong-hininga ako. Sabi ko na eh, di pa yun nagbabago. Akala nya huh? Pagtitripan pako ulit? Dadramahan nanaman ako nun para lang masipa ako papasok sa Principal's office. Tanda nyo yung nabasa ko yung drawing nya? Kasalanan nya rin naman yun, umiinom ako nun ng tubig at nilagyan nya ng gagamba ang bag ko kaya gulat na gulat ako nun pagbukas ko ng bag ko at nabitawan ko ang bote ng tubig.
At ako ang sinisi nya, kahit na sa simula palang ay kasalanan naman talaga nya.
Lagi nilang sinasabi na ako ang parating nagsisimula ng away o gulo, pero hindi naman eh. Tangina!
Kinabukasan ay masaya ako dahil pakiramdam ko ay lalayuan na talaga ako ni Pablo, sana naman ay naintindihan nya ang sinabi ko sakanya kahapon.
Pero nagkamali ako, akala ko magiging masaya ako. Pero mas lalo lang akong nainis nang maaninag ko mula sa inuupuan ko ang nakangising si Pablo na pinapalibutan ng mga babae. Panay ang tawanan nila at nagulat pa ako nang bigla syang hinalikan ni Gazelle sa pisngi.
Namula ang gago at tumawang muli, what the fuck? Ano 'yon? Sila ba? At gustung-gusto naman ng Maglaya na yun na nilalandi sya? Edi magsama sila mga higad sila.
Hindi ko malaman kung bakit galit na galit ako gayong dapat ay masaya na nga sana ako dahil finally di na ako guguluhin ng Pablo na 'yon. Pero bakit ako naiinis ngayon na wala sya sa tabi ko? May sitting arrangement pero ibang upuan ang inupuan nya, katabi nya si Gazelle at mukhang may kung ano sakanila.
"Hoy, Maglaya! May sitting arrangement, bakit dyan ka nakaupo?" Buong lakas kong sabi sa klase kaya napatingin ang mga kaklase ko sakin at kay Pablo.
Kinabahan ako, ayokong mapahiya. Natatakot ako na baka di nya ako pansinin at mapahiya ako sa klase, sikat pa naman ang gagong 'to sa school at baka kumalat na ang isang palabang si Basha Magdayao ay di pinansin ni Pablo Maglaya. Nakakahiya!
Pero nagulat ako nang bigla syang tumayo. "San ka pupunta? Babalik ka dun sa tabi nya?" Malambing na tanong sakanya ni Gazelle pero ngumiti lang sya rito at sinagot ang tanong ni Gazelle na syang nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Babalik at babalik naman talaga ako sa tabi ni Basha, Gazelle. Simula pa noon, sya na ang lagi kong tinatabihan." Napaawang ang bibig ko pero agad ko rin iyong itinikom at tahimik na umupo sa upuan ko.
"Namumula ka nanaman, galit ka parin ba?" Bulong nya nang makaupo na sya sa tabi ko.
"H—Ha? Hindi na, okay na." Hindi ko maintindihan kung bakit sobra akong di mapakali ng araw na 'yon. Kakaiba ang idinulot saakin ni Pablo, at ngayon ko lang naramdaman ito.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"