Just tell me.
"Kayo ba?" Hinalughog ko ang bag ko at ipinatong ito sa lamesa, nawawala ang ballpen ko. Alas sais-trenta palang ng umaga at sa tingin ko'y sobrang aga pa para mawala ang ballpen ko.Baka naiwan ko sa bahay.
Isang buwan na ang lumipas at ilang araw nalang ay bakasyon na, sa susunod na pasukan ay 4th year highschool na kami. Sa ngayon ay signing of clearance nalang ang inaasikaso namin, lima nalang ang di pa napipirmahan sa'kin at sisiguraduhin kong matatapos ko ito ngayong araw.
"Basha?" Nilingon ko ang kanina pa tanong ng tanong na si Hannah, nahalata nya ata yung laging pagsabay namin papuntang school at pag-uwi ni Pablo. Sinusundo kasi ako ni Pablo sa bahay at sabay kami lagi pati sa pag-uwi, magkalapit lang naman kasi ang bahay namin.
"Ano?" Patay Malisyang tanong ko sa kanya, kunyare hindi ko naintindihan kung anong sinasabi nya.
Sumimangot sya sakin at hinawakan ang kamay ko para pigilin sa pagkalkal ng bag.
"Nasa akin ang ballpen mo, ibibigay ko yun sa'yo pag nagkwento ka." Aniya at saka ngumisi, ako naman ngayon ang napasimangot.
"Hannah naman 'e.."
"Sige na di ko naman sasabihin sa iba, atsaka ang daya mo besties tayo diba?" Aniya atsaka ngumuso. Mukha syang pato.
"Haynaku! Hindi nga kasi kami ni.. Pablo." Sabi ko at hininaan ang boses ko nang banggitin ko na ang pangalan ni Pablo.
Hindi naman kasi talaga kami, at hindi ko rin talaga alam kung ano kami. Basta ang alam ko lang ay umamin sya sakin and then that's it! Yun lang 'yon.
"Eh, bakit close na close na kayo?" Aniya.
"Malamang okay na kami 'e, atsaka ayoko na ng away." Sabi ko pero mukhang ang dami paring tanong sa utak ni Hannah ayon sa nakikita ko sa mga mata nya.
Suminghap sya.
"Okay fine." Dismayado nyang sabi at pinagpatuloy ang pagbabasa sa isang librong makapal. Until He Was Gone ang title na nakalagay, love story nanaman imbis na lessons ang dapat basahin. Haynako, Hannah.Lampas alas syete nang dumating si Ma'am Agnes tsaka dali-daling pumasok sa classroom ang mga kaklase ko.
Agad kong nahagilap ang pagpasok ni Pablo sa may pinto at direktang itinuon ang mapupungay nyang mata sa akin. Napalunok ako sa kabang naramdaman.
Bagay sakanya ang uniporme namin, mukha syang modelo. Bakit ngayon ko lang napansin yun? Matangos din ang ilong nya at mahaba ang pilik-mata, sabayan mo pa ng magulo nyang buhok pero perpekto parin tignan.
Napakurap ako at agad na namataan ang pagtaas nya ng kilay nang mapansing nakatitig ako.
Bahagyang tumaas ang gilid ng labi nya kaya napaiwas ako ng tingin at inayos nalang ang upo. Nakakahiya ka, Basha! He caught you staring at his features and all, mygad!
Ramdam kong nakatingin parin sya sakin nang makaupo na sya sa tabi ko kaya tinignan ko rin sya.
"Bakit?" Kunot-noo kong tanong at agad naman syang nagtaas ng kilay at bahagyang dinilaan ang labi nya.
Napakurap ako at muling nag-iwas ng tingin. Damn! Bakit kailangan nyang gawin 'yon?
"Are you done with your clearance?" Marahan nyang tanong kaya mas lalo akong nag-iwas ng tingin. Bakit labis-labis ang paghuhuramentado ng puso ko? He was just asking, it was just a simple question! But yet it's making my heart pound like hell!
Tumikhim ako at dahan-dahang umiling, muling sumilay ang ngiti sa labi nya nang tinignan ko ito.
"Let's finish it later then." Di na ako kumibo at nakinig nalang sa klase, pakiramdam ko'y matutunaw ako dahil panay titig sakin ni Pablo.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
Chick-Lit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"