Kabanata 5

93 8 0
                                    

Biyahe kasama ka.

Rinig na rinig ko ang tunog ng kung ano sa may puno habang naglalakad kami papuntang parking lot, napakatahimik.

Napatingin ako sa hotel center at pansin kong nagkakasiyahan parin ang mga tao doon, it's still 11:05 in the evening at ang alam ko'y mamaya pang 12 midnight matatapos ang prom.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Pablo na kasalukuyang nakatalikod ngayon sa akin at nauunang maglakad, a gentleman would actually wait for the lady and let the lady walk first before him.. but Pablo is different, he's a jerk.

Bakit nga ba ako sumunod sakanya? Oh, God! Dapat siguro ay bumalik nalang akong hotel at hanapin si Peter at baka nag-aalala na yun sakin, or should I just text him na mauuna na akong umuwi?

Agad kong kinuha ang phone ko at nagtipa ng mensahe roon.

To Peter Madrid:
Peter, mauuna na akong umuwi sa'yo. Sorry something just happened kasi, thank you for tonight. :)

"Sinong katext mo?" Halos mapatalon ako sa gulat at agad na napatingin kay Pablo na seryosong nakatitig sakin at sa cellphone ko.

"Si Peter." Napaawang ang bibig nya at agad na nag-iwas ng tingin, andito na pala kami sa harap ng motor bike nya.

"Wear this." Aniya sabay lahad sa akin ng helmet na kulay pink, what the? Bakit dalawa ang helmet na dala nya at pink pa 'tong isa? Ang kanya naman ay blue.

Tumango nalang ako at isinuot ang helmet, I wonder if okay lang ba na sumakay ako sa motor nya?

"Sakay na." Aniya sabay angkas sa motor nya, umayos sya ng upo at mukhang hinihintay nya ang pagsakay ko roon.

"Are you even aware that I'm wearing a gown right now, Pablo?" Mataray kong sabi, bumuntong hininga sya at tinignan ako.

"I'm very much aware of that, Basha. Ang arte mo, ayusin mo nalang ang upo para hindi masabit 'yang gown mo. Kung masira man 'yan then I'll pay for it, basta sakin ka lang sumabay pauwi." Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi nya at agad na napaiwas ng tingin.

Dahan-dahan akong sumakay sa motor nya ng nakaside at inayos ang gown ko, I'll make sure that nothing will happen to my gown 'coz I don't like the idea that he'll pay for the damages incase my gown will be ruined.

"Hug me, Bash." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"What?!" Gulat kong sabi, at ramdam kong napangisi sya sa reaksyon ko.

"Hug me, Bash. 'Coz if you won't hug me tight, you'll fall." Seryoso nyang sabi, ako lang ba? O' talagang may ibang meaning 'yong sinabi nya? Ugh! Of course walang ibang meaning yun, stop overthinking, Basha!

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang yinakap sya mula sa likod.

Just fuck it! Bakit ako kinakabahan?!

Teka, maling term ata yung yakap? Pwede namang humawak sa bewang nya diba? Bakit yakap ang term nya? Hawak lang dapat! Ugh, this is so frustrating.

"Tighter, Bash. Hug me more." Aniya.

Ginawa ko ang gusto nya at halos madikit na ang mukha ko sa likod nya, ano kayang itsura namin ngayon?

"Good girl." Humalakhak sya at agad na pinaandar ang motor nya.

Base sa nasaksihan ko kanina, mabilis ang takbo ng motor nya nang umalis sya ng bahay. Pero ngayon, mabagal ang takbo nito. At medyo malayo pa ang bahay namin, anong oras kaya kami makakarating?

"Ang bagal naman, Pablo. Bilisan mo nga!" Sigaw ko sakanya pero mukha syang nanigas sa sinabi ko.

"Shit!" Mura nya na syang nagpakunot sa noo ko.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon