Kabanata 26

49 0 0
                                    

Babalik ako.
 
 
“I'll pick you up later.” I was about to open the car's door nang bigla itong sinabi ni Kuya Kael. Agad ko syang tinapunan ng masamang tingin.

“Why? Hindi na kailangan, besides I have to go somewhere.” Sabi ko. Humigpit ang hawak nya sa manibela at sinamaan ako ng tingin pabalik.

“San nanaman? Dun sa Ricarte na yun? Basha, I already told you not to hangout with that guy anymore!” Sarkastiko akong ngumisi at dahan-dahang umirap.

“You can't stop me, Kuya. And nakalimutan mo na bang sya ang nagligtas sakin months ago?!”

“Kahit n—”
“No, Kuya! Pwede bang hayaan mo nalang ako? I can handle myself!” Bulyaw ko't agad namang umigting ang panga ni Kuya Kael.

“Talaga, Basha? Kaya mo ang sarili mo? Kung ganun bakit muntik ka ng masagasaan ha?! O baka naman sinadya mo yun?” Aniya. Kita kong galit na sya ngayon, nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sakin.

“You tried to get yourself killed through an accident! Diba?! Kaya don't tell me na you can handle yourself, because you can't Basha!” Nag-iwas ako ng tingin at pilit na binabalik papasok ang nagbabadya kong luha.

“Bullshit!” Mura ko at agad na binuksan ang pinto ng frontseat at dirediretsong naglakad papasok sa building ng klase namin.

Bumagsak ang isang butil ng luha sa mata ko na agad ko namang hinawi.

I never tried to get myself killed, I was pre-occupied that time at hindi ko alam ang ginagawa ko.

Tumatawid ako nun sa kalsada at hindi ko alam na may kasunod na kotse yung jeep na tumigil para makatawid ako, nag-overtake kasi yung kotse kaya muntik na akong mabangga kung hindi ako nahila ni Vlad.

Palagi lang akong tulala dati na parang wala na akong pakealam sa mundo.

But I never thought of killing myself, because that's an act of a stupid and weak person.

“Basha?” Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ng Adviser ko.

“Y—Yes, Sir?”

“Are you okay? Kanina pa kita tinatawag, pero tulala ka.” Aniya.

Tulala nanaman ako?

“Sorry, Sir.” Sabi ko sabay yuko.

“No, its's okay. Anyway, pumunta ka sa faculty room after class.. we're going to discuss about your grades.” Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko 'yon pinahalata, ngumiti ako at tumango nalang.

Pagdating ko sa classroom namin ay agad akong sinalubong ni Hannah na mukhang punung-puno nanaman ng energy.

“Bash-Bash! Nakausap mo si Sir Ted? Hinahanap ka kanina 'e.” Aniya sabay hila ng kamay ko paupo sa katabing armchair ng upuan nya.

I nodded as a response.

“Ano daw sabi?” Tanong nya pa. Nagkibit-balikat lang ako at bumuntong-hininga naman sya. “Anyways, may date kana sa Prom?”

Tumango ako. “Si Vlad Mirko Ricarte.” Mahinang sabi ko. Nalaglag ang panga ni Hannah at sakto namang kakapasok lang sa classroom ni Pablo at Ella.

“Si Vlad?! Shit, Basha! Dati si Peter, tas ngayon.. sa bagay, ikaw ata ang isa sa mga campus princess dito kaya dapat lang na si Vlad ang partner mo, buti di 'yong iba!” Aniya sa kakaibang tono, para syang nagpaparinig. Damn it, Hannah.

“Hoy, ingay mo.” Bulong ko at sinamaan sya ng tingin.

“And so? Okay lang 'yan! Wala namang may pakealam 'e. Ay! Meron ba?” Aniya at ngumisi. Inirapan ko nalang si Hannah sa sobrang inis ko, kung bakit ba kasi ganito ka gaga ang babaeng 'to? Haynaku!

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon