Surprised
Love is so unpredictable. Di mo mababantayan kung kelan ito aatake, at kung kelan ka tatamaan ni kupido. It's like being lost in a dangerous place and puff! Some miracle happened, you'll suddenly find a castle in the middle of the forest. And it's funny to think that until now I still do believe in fairytales or whatever it is that involves magic, even after my love has left me hanging on the rooftop.Anong kulang? Anong mali? Why did he left me alone? How did he managed to hurt me? Did he even loved me for real? Or is he just fooling around when we're still together?
"I love you, Bash. Remember that forever."
How will I forget about him if he's the only one that I can think of? Ang hirap.
Nasobrahan ba yung pagmamahal na binigay ko? Nagsawa ba sya? Ang raming tanong sa isip ko na sya lang ang makakasagot kaso huli na. Wala na sya. Umalis na, and he didn't even properly say goodbye to me.
Gago.
"Bash, papasok kaba bukas?" Tanong ni Hannah na kasalukuyan kong kausap ngayon sa videocall. Kita ko ang pag-aalala nya base sa itsura nya ngayon.
It's been 2 days. 2 days na akong absent, and my excuse? May sakit ako. Sobrang sakit at para na akong pinapatay. Good thing my parents didn't ask anything, especially my Kuya. He'd kill Pablo for sure if he'll know about what happened, about Pablo breaking up with me with no reason.
He don't love me anymore? That's not even an acceptable reason. I want more, I need him to explain it to me dahil mababaliw na ako kakaisip kung bakit.
"Yes, Hannah. Baka magduda sina Kuya, don't worry I'll be fine." Sabi ko at nginitian sya.
Umulan ng malakas nun right after umalis si Pablo. Pero hindi ako gumalaw, I stayed in the rooftop. Nagbabakasakaling baka balikan nya ako. Hoping that he would pull me for a hug or get mad at me dahil nagpapaulan ako at baka magkasakit ako. But he never did come back.
The next thing I knew ay buhat-buhat na ako ni Uriah kasama si Hannah. Hinanap ata nila ako, kaya lang natagalan kaya basang-basa na ako pagdating nila. They didn't ask me anything, basta tinulungan lang nila akong umalis dun. I felt sad actually, para kasing dinadamayan ako ng ulan that time at parang ayaw ko na umalis.
"You sure? Sabay na tayo, I'll tell your kuya to pick me up tomorrow." Aniya. Tumango lang ako at saka in-end yung call.
Love is really unpredictable. Di mo malalaman kung kelan matatapos. Kung kelan ka masasaktan. At kung kelan ka iiwan.
Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas pag pumasok na ako, natatakot ako, at di pa ako handa na makita si Pablo of ever man na papasok sya. Sabi kasi ni Hannah dalawang araw narin daw na hindi pumapasok sa klase si Pablo, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pag nakita ko sya bukas.
“Mga bes!” Salubong samin ng baklang si Kendi pakarating namin ni Hannah sa school. Agad na kumunot ang noo ko, ayoko talaga sa baklang 'to.
“Kendi! Baklang haliparot ka, ba't ngayon ka nalang ulit nagpakita?” Ani Hannah sabay beso nilang dalawa.
“May hinahunting kasi akesh na fafa, Bes. Ang gwapo e. Anyways, jojoo ba?” Sabi ni Kendi sabay kalabit sakin. Tinaasan ko sya ng kilay. Naiirita ako. “Na-waley na daw kayo ni Pablo, jojoo? Ang bilis naman!” Aniya. Nalaglag ang panga ko at napaiwas ng tingin. “Wala talagang for-everr!” Bulaslas nya. Mas lalo akong nairita.
“Sinabi mo sakanya?” Tanong ko kay Hannah. Agad syang umiling.
“Hindi ah, actually Bash marami ng nakakaalam. First day palang, kalat na sa school.” Oh great. Mas lalong nawala ang gana kong pumasok sa school. Kaya lang andito na kami, di na pwedeng umatras.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"