Kabanata 29

22 0 0
                                    

Too late.
    
    
Kinabukasan ay late na ako nagising, buti nalang at sabado ngayon, walang pasok.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at napatutok sa silaw ng araw mula sa bintana. Muli akong sumubsob sa unan ko at pumikit ulit. Inaantok pa ako.

“Basha, anak.” Rinig kong tawag ni Mama mula sa labas.

“Po?” Tamad kong sabi at dahan-dahang bumangon sa kama ko kahit na gusto ko pang matulog ulit.

Konti lang kasi ang tulog ko dahil sa isang tao, at ayoko banggitin ang pangalan nya't baka masira ang araw ko. Hindi ako agad nakatulog dahil sakanya! Kahit na ilang beses kong pinilit na ipikit ang mata ko'y dumidilat parin ito, maga-alas diyez na nang tuluyan akong nakatulog.

“May bisita ka sa baba!” Ani mama. Naputol ang paghikab ko sa gulat.

Sinong bisita? I am not expecting anyone today, si Hannah ba? 'O si Vlad? Or maybe Uriah? Pero ano naman ang kailangan nila?

I wonder who it is.

“Sandali, Ma!” Sigaw ko at agad na pumasok sa banyo para makapaghilamos at toothbrush. Matapos kong ayusin ang buhok ko'y agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

And to my surprise, I saw Pablo sitting freely in our couch. My jaw dropped! What the freaking hell is he doing here?!

Halos di ako makahinga sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Good, Lord! Ba't nandito sya? At bakit sya pinatuloy sa bahay kahit alam naman na ng buong pamilya ko na wala na kami!

“Baby!” Aniya sa masiglang tono. Halos umusok ang ilong ko sa galit dahil sa tawag nya sakin.

“Don't 'baby me you jerk! Anong ginagawa mo dito?!” I'm almost screaming. Kita kong napalunok sya at bahagyang yumuko pero agad rin namang itinaas ang noo at hinarap ako ng nakangiti.

How dare you, Maglaya!

“I want to talk to you, please? Basha..” Aniya sa malambing na tono at maamo akong tinignan.

“Haven't you heard what I told you last night? I don't wanna talk to you!” Sigaw ko. Nagulat ako nang naglakad sya palapit sakin at agad na hinawakan ang kamay ko.

“Listen to me first, baby. I need you to listen.” Aniya at pagod akong tinignan.

“Anong karapatan mong sabihin 'yan? Nakinig kaba sakin nung mga panahong gusto kitang makausap? Did you forget what you did?! You fool!” Halos mapiyok ang boses ko roon. Nagbabadya na rin ang mga luha sa mata ko. Where's my family by the way? Bakit hinahayaan nilang guluhin ako ng lalaking 'to?

Tinakwil ko ang mga kamay nyang nakahawak sakin. Napayuko sya dahil dun.

“I'm sorry for everything, Bash. I know I'm such a jerk and I'm so stupid, pero di ko na kaya! I missed you, so bad!” Umigting ang panga nya at dahan-dahang hinawakan ang magkabilang braso ko. Tinaasan ko sya ng kilay.

“What do you mean by that? I'm sorry, Pablo but you have to leave.” Agaran kong sabi at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa braso ko para ilayo.

“I—I made a mistake, baby.. I'm really sorry, please forgive me.” Tumulo ang luha sa kanang mata nya. Nag-iwas ako ng tingin, I don't wanna jump into his words again. Not again. Pagod na ako sa kakahintay, at nasanay na akong wala sya.

“Okay,” Determinado kong sabi at tinignan nya, napatingin sya sakin ng seryoso at kita ko sa mata nya ang magkahalong bigla at tuwa. “Pinapatawad na kita—” Nagulat ako nang biglaan nya akong niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay mas lalo lamang akong nainis at naitulak sya.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon