Kabanata 15

73 7 0
                                    

Stolen.
   
  
“Oh, c'mon Bash! May dala akong extra, ito nalang isuot mo.” Pagmamaktol ni Hannah at pilit na pinapasuot sakin ang extra two-piece nya na color black. Ngumiwi ako.

There's no way I'm gonna wear something like that. Napatingin ako sa suot kong maong na short at sleeveless top, okay na 'to. Besides, I don't really mind what clothes I'm wearing. Umiling ako kay Hannah.

“Ugh, then atleast wear this bikini top at partneran mo nitong loose white shirt.” Aniya sabay abot sakin ng damit. Kita kong manipis lang ang tela nung puting blouse na inaabot nya sakin.

“Seryoso? Tala yan mamaya pag nabasa na ako ng tubig!” Reklamo ko. Umirap sya at nakanguso akong tinignan. “Okay fine, if that's what you want.” Sabi ko.

Kung ito lang ang makakapagpagaan ng loob nya ay papayag nalang ako dahil kanina pa kami dito sa loob ng kwarto. At nag-aalala ako na baka namatay na sa paghihintay si Pablo sa labas dahil sa sobrang tagal namin magbihis.

Ngumiti sya ng malawak sakin, she won. Okay, alright.

“Finally, ang tagal n'yo!” Salubong ni Pablo nang makalabas na kami ni Hannah, he's still waiting pa pala talaga. I thought he already went back to the beach dahil sobrang tagal namin.

Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, uminit ang pisngi ko at agad na nag-iwas ng tingin sakanya.

“Okay, let's go!” Excited na sabi ni Hannah at nauna nang maglakad samin. She's wearing a bathrobe at nakapailalim roon ang black and white stripes nyang two-piece.

Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Pablo. “You must be hungry, kumain na muna tayo bago magswimming.” Aniya sabay ngiti.

Habang naglalakad kami ay napansin kong may ilang mga babae ang napapatingin samin, or maybe kay Pablo lang sila nakatingin. Come on, ladies, he's just 17 years old! And he's only mine. Pinanliitan ko ng mata ang ilang mga babaeng nakatingin kay Pablo.

“Sinong tinitignan mo?” Tanong nya. Nagulat ako roon at agad na iniharap ang mukha nya sa dinadaanan.

“Wala, bilisan na natin I'm starving.” Natawa sya sa sinabi ko at tumango nalang.

Alas tres palang ng hapon at medyo mainit pa para lumusob sa tubig, siguro ay mamayang alas kwatro nalang ako lalangoy sa dagat. Takot ako umitim dahil hindi naman ako ganun kaputi, di tulad ni Hannah at Ate Yas na namumula lang pag naiinitan ng araw.

Agad naming nadatnan ang iba't-ibang klase ng inihaw sa cottage, kumalam ang sikmura ko dahil doon. Sumilay ang ngisi sa labi ni Pablo at siguradong narinig nya ang tunog ng tyan ko.

“Basha, kumain ka ng marami para tumaba kana.” Ani, papa. Napanguso ako roon, sigurado akong sakto lang ang katawan ko. Hindi mataba, at mas lalong hindi payat.

“Try this one.” Sabi ni Pablo at agarang inilagay sa plato ko ang fried shrimp, “Nga-nga.” Dagdag nya pa sabay subo saakin nung hipon na agad ko namang tinanggap.

“Sweet.” Sarkastikong sabi ni Kuya Kael nang maabutan nya kami ni Pablo, inirapan ko ang kuya ko.

Mukhang galing narin sya sa dagat, sumunod si Hannah na halatang namumula ang mukha dahil sa init. Naka-two-piece nalang sya ngayon at di ko mapigilang mamangha sa ganda ng hubog ng katawan nya, kahit panay ang kain nya ay nami-maintain nya parin ang ka-sexyhan nya.

Si Ate Yas ay naroon parin sa tubig at mukhang wala nang balak kumain dahil sobra nang nawiwili sa paglangoy.

Swimmer kasi sya sa school nila at ang alam ko'y nanalo sya dati sa isang competition. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin sya nagsasawang lumangoy samantalang araw-araw ata syang nakatambay sa pool nila sa school para magpractice.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon