Remember.
Alas-otso na nang makauwi ako sa bahay. Medyo kabado ako dahil kani-kanina ko lang namalayan na nakailang missed-calls at text na pala si Kuya Kael, Ate Yas, at Hannah. Hindi ko alam na wala pala silang alam na dinala ako ni Vlad kay Pablo.Base sa mga text messages nila ay mukhang buong akala nila'y si Vlad ang kasama ko.
Kabado ako pero ramdam ko parin yung tuwa dahil sa nangyare, I miss Pablo so much.
Kumain muna kasi kami ni Pablo bago nya ako hinatid pauwi, nagpaalam narin sya agad dahil may gagawin pa daw sya. But he gave me a very tight hug before he left.
I heaved a sigh and slowly opened the door, agad kong namataan ang buong pamilya ko sa sala kasama si Hannah na nasa tabi ni Kuya.
“Basta she's with Vlad kanina, sabi nila bibili lang sila ng pagkai—” Natigil si Hannah sa pagsasalita nang makita ako. Agad na napalingon ang pamilya ko sa kinatatayuan ko.
“BASHA!” Halos sabay-sabay nilang nasampit ang pangalan ko. Napalunok ako bigla. I think I made them worry too much.
Sabay na tumakbo papunta sakin sina Ate Yas at Hannah, sumunod naman si Kuya Kael. Si Mama at Papa naman ay nag-aalalang tinignan ako.
“Where have you been?!” Ani Ate Yas sabay lapit sakin at hawak sa balikat ko. Kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala.
“Bash, ba't ngayon ka lang? San ka dinala ni Vlad, hmm?” Sabi naman ni Hannah.
“S—Sorry.. di ko alam na hinanap nyo ako.” Sabi ko sabay tingin sakanila.
I saw my Kuya Kael clenched his jaw, kinabahan ako lalo.
“Iyong Ricarte ba talaga ang kasama mo? Ba't di ka man lang nagtext?” Seryosong tanong ni Kuya at pinanliitan ako mg mata. Napalunok ako at dahan-dahang umiling.
“Kasama ko si P—Pablo.. nakasilent yung cellphone ko, sorry talaga.” Sabi ko at napayuko.
“Si Pablo? Ba't kasama mo yun? Ilang araw syang di nagpakita sayo, Basha. Tapos ngayo—”
“Basha.” Natigil si Kuya sa pagsesermon nang magsalita si Papa.
“P—Po?”
“Umakyat kana sa kwarto mo, matulog kana. Eleandre ihatid mo na si Hannah. Bukas nyo na pag-usapan 'yan.” Maawtoridad na sabi ni Papa. Nagulat ako ron, akala ko papagalitan nya rin ako.
“Pero, Pa—” Pagkontra ni Kuya pero natigil ulit sya nang itinaas ni Papa ang kamay nya bilang senyales na tama na.
“Nagpakita si Pablo? Paano? Saan?” Ani Hannah, agad syang pinigilan ni Kuya Kael.
“Gabi na, I'll drive you home.” Ani Kuya kay Hannah at tinignan ako saglit bago nya tuluyang hinila si Hannah paalis. Kumaway si Hannah bilang paalam at kinawayan ko rin sya pabalik.
Tahimik lang sina Mama at Ate Yas, samantalang si Papa naman ay pumasok na sa kwarto. Tahimik lang din akong umakyat sa hagdan at dirediretsong pumasok sa kwarto ko.
Dumiretso ako sa closet ko at nagbihis ng pantulog. I heard my phone rang kaya dali-dali akong tumalon sa kama ko at agad na sinagot ang tawag. It's Pablo.
“Baby..” Aniya sa kabilang linya. Napangiti ako, and I think I'm blushing right now. Tangina?
“Hmm?”
“I miss you.” Mas lalong uminit ang pisngi ko. Ugh, I'm such a girl. Pablo turned me into one, I used to be rough hearted but now I'm as soft as a cotton.
“Nagkita palang ta'yo kanina, Pablo ah! Don't me.” Rinig kong bahagya syang natawa.
“I'm serious, baby. I really missed you, ilang araw kaya tayong di nagkita.” Speaking of ilang araw..
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"