Kabanata 27

28 0 0
                                    

Cafeteria.
  
    
“Basha! Dumaan dito si Sir Ted, ba't di ka daw pamunta sa faculty room kahapon?” Salubong ni Hannah pakadating ko sa classroom namin.

Sht. Nakalimutan ko!

“Nawala sa isip ko, teka puntahan ko lang si Sir.” Sabi ko at agad na kumaripas ng takbo pababa at dirediretsong pumasok sa faculty room.

“Sir Ted!” Sabi ko nang maaninag ko si Sir na nakaupo sa table nya at may kausap na babaeng estudyante. Agad akong lumapit.

“Yes, Basha?” Aniya nang makalapit na ako. Napatingin ako sa kausap nyang babae at laking gulat ko na si Ella pala 'yun.

“Hi!” Bati nya, I raised my eyebrow at her and ignored her presence.

“I'm sorry, Sir. Nawala sa isip ko na pinapapunta nyo'ko rito kahapon.” Sabi ko.

“No, it's okay Basha.. besides andito naman na si Ella, sya nalang ang gagawin kong representative.” Ani Sir Ted, kumunot ang noo ko at nabaling ang tingin kay Ella.

“Representative for what, Sir?” I asked.

“For the Math Quiz, Basha. Ikaw sana ang unang napili ko, but then you're always busy and medyo tumatagilid ang grades mo this past few days.” My lips parted, natulala ako saglit sa sinabi ni Sir.

“W—What, Sir? Pero bakit sya? Sir, I can do the Math Quiz!” Bahagya kong binalingan muli si Ella at agad na inilipat pabalik kay Sir Ted ang tingin.

“What are you trying to say, Ms. Magdayao? That I can't do the Math Quiz?” Sa di malamang dahilan ay biglang kumulo ang dugo ko at tinapunan ng masamang tingin si Ella.

Can't she just shut up? She already had what I used to have, pati ba naman 'tong Math Quiz kukunin nya?

“Basha, calm down hija.. I will sched a match for the both of you kung sino ba ang isasabak ko sa Math Quiz para fair. Will that be okay?” Mahinahong sabi ni Sir na agad ko namang tinanguan.

“Okay, Sir. I'll head back to my class now.” Ani Ella, napairap ako sa hangin.

Sumunod akong umalis sa faculty room at mas nauna pang maglakad kay Ella. Ang bagal naman nito maglakad, nakakairita.

Nang medyo malapit na ako sa may pinto ng classroom namin ay naaninag ko na si Pablo na nakaabang. Kumunot ang noo ko nang seryoso syang nakatingin sakin.

Tinaasan nya ako ng kilay na syang ikinainit ng ulo ko lalo.

“Babe!” Sigaw ng ahas mula sa likod ko, sinamaan ko ng tingin si Pablo at agad naman syang nag-iwas ng tingin. Nilampasan ko sya dire-diretsong pumasok sa classroom namin.

“Bashyyy!” Salubong ni Hannah sabay tingin sa may pinto. “So that explains your face right now, what happened?” Aniya. Inirapan ko lang sya at naupo na sa armchair ko. Pero di ako tinatantanan ni Hannah kaya napilitan akong sabihin sakanya lahat.

“Woah, move on your face! Hindi kapa nakakapagmove-on Basha, tumigil ka nga! Sabi mo nung isa okay kana 'e. Wag ako!” Pabulong na sigaw nya at inaasar-asar ako. This is why I don't want to let her know, nang-aano 'e!

Lunch time na, and I forgot to bring my packed lunch. Great!

“Tara na, sa cafeteria nalang tayo!” Ani Hannah. Tumango ako at agad na kinuha ang wallet ko sa bag.

“Anong gusto mong ulam, Bashy?” Tanong ni Hannah habang tumitingin-tingin sa mga ulam na nandoon.

“Stop calling me that, Hannah.” Sabi ko sabay turo sa sinigang na baka.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon