Kabanata 3

93 8 0
                                    

Prom Night.

Abot tenga ang ngisi ni Mama matapos nyang ayusin ang buhok ko at ang kolorete sa mukha ko, tumingin ako sa salamin at mukhang wala namang nagbago. Ako parin naman 'to pero panay ang puri ni Ate Yasmin sa akin, aniya'y ang ganda ko raw. Sus.

"Magbihis kana Basha bilis!" Excited na sabi ni Mama at tinulak ako papasok sa kwarto kung saan nakalatag sa kama ko ang gown na maroon at stiletto na kulay itim.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin matapos kong isuot ang gown, ako pa ba 'to? Char!

"Naku! Ang ganda-ganda talaga ng bunso ko." Napangiwi ako sa sinabi ni Mama at natawa nalang, ngayon lang nya ako inasikaso ng ganito at inayusan pa.. masaya ako.

"Basha, andyan na yung sundo mo." Ani kuya Kael na nakabusangot habang tinitignan ako.

"Pangit ba kuya?" Tanong ko.

"Oo, pangit mo. Wag mong tatanggapin yung mga magyayaya sayo ng sayaw mamaya." Ngumuso ako at humalakhak sa sinabi nya, ngumisi naman sya sa at tinapik ang balikat ko. "Maganda ka Basha, pasalamat ka magkadugo tayo." Napairap ako at tumawang muli.

"Hoy, yung sundo mo!" Dali-dali akong bumaba ng hagdan at agad na dumiretso sa may sala kung saan nakatayo ang isang lalaking naka-tuxedo.

Nakatalikod sya kaya hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko, hindi sya si Peter Madrid!

Iba ang katawan nya kay Peter na medyo malapad ang likod, kinakabahan ako dahil natatakot ako na baka tama ang hinala ko kung sino sya.

Kilalang-kilala ko ang tindig nya, pero hindi ako sigurado't baka namamalikmata lang ako.

"Pablo?" Tanong ko at agad naman syang humarap sa akin. Sya nga! "B-Bakit ikaw?" Mukha syang nadismaya sa tanong ko pero agad rin namang ngumisi.

"Malayo ang bahay nina Peter, ako ang mas malapit kaya sabay na tayo." Aniya.

"Ayoko!" Kung hindi rin lang naman ako masusundo ni Peter ay mag-isa nalang akong pupunta dahil ayokong kasabay ang Maglaya na 'to.

Umigting ang panga nya at mukhang nainis sa pagtanggi ko. "Bash-"

"BASHA!" Pareho kaming nagulat nang pumasok sa loob ng bahay si Peter Madrid kasama si Papa na mukhang kanina pa nasa labas ng bahay, mahilig kasi syang magpahangin.

"Dalawa ang date mo, Basha? Aba, ang ganda naman ng anak ko kung ganoon." Humalakhak ang ama ko sa sinabi nya habang ako naman ay naguguluhan.

"Brad, anong ginagawa mo dito? Ako ang susundo kay Basha." Ani Peter at inilahad ang kamay nya para makaalis na kami. Pero bago ko pa maabot ang kamay nya ay may humila na sa braso ko.

"Saakin ka sasabay, Basha." Maawtoridad na sabi ni Pablo na syang nagpakunot ng noo ko. Marahas kong inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko at sinamaan sya ng tingin.

"Kay Peter ako sasabay dahil sya ang partner ko, Pablo." Napaawang ang bibig nya sa sinabi ko at kita ko namang napangisi si Peter at muling inilahad ang kamay nya na agad ko namang tinanggap.

Mabilis na naglakad si Pablo palabas ng bahay at nilagpasan kami.

"M-Mauna na kami, Ma.. Pa." Sabi ko at tinignan ang pamilya ko na kanina pa pala nakamasid sa amin, tumango si Papa at nag-okay sign sa akin.

Mabihis na pinaharurot ni Pablo ang motor nya paalis, samantalang kami naman ni Peter ay sumakay na sa service nila.

Kung kay Pablo pala ako sumabay, motor ang sasakyan ko. Nakagown ako, tapos gusto nyang umangkas ako sa motor nya na ganun kabilis ang takbo? Ugh.

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon