Secret Garden.
“Tangina! Ang baho mo maglaro Exel, puro ka bomba.” Reklamo ni Jepoy sabay sunod-sunod ang pindot sa screen ng cellphone nya na para bang mawawasak na ang screen nito.“Pucha! Kakabalik ko lang 'e, ba't may gas?” Bulyaw naman ni Kendrid. Wala akong ibang narinig kundi ang paulit-ulit na mura at reklamo nila kanina pa.
“Anong nilalaro n'yo?” Tanong ko kay Pablo na panay rin ang pindot sa cellphone nya. Sinilip ko ito at kita kong puro barilan ang nandoon.
“Mini Militia. Sandali, Basha.” Aniya. Kumunot ang noo ko at napanguso. Ano bang ginagawa ko rito? Ba't ba ako pumunta dito sa tambayan nila?
Umirap ako at naupo nalang sa tabi. Andito kami ngayon sa may soccer field, pinapunta kasi ako ni Pablo at may sasabihin raw sya. Kairita, iniwan ko pa tuloy si Hannah dun sa classroom tapos ito lang naman pala ang madadatnan ko.
“Yes! First nanaman ako.” Halakhak ni Jepoy sa mga barkada nya. Kita ko namang napakamot ang ilan sa ulo at si Pablo naman ay inis na tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko at agad na itinago ang cellphone nya sa bulsa.
Tinignan nya ako at nag-abot sya ng kamay na agad ko namang tinanggap.
“Bagay naman kami diba? You think sasagutin na'ko ni Basha?” Tanong ni Pablo sa mga kabarkada nya na syang kinabigla ko. Kumunot ang noo ko at tinignan si Pablo na seryosong-seryoso. Nagtaas ako ng kilay.
“Pwede.. baka oo.” Ani Kendrid at nagkibit-balikat sabay ngisi sakin.
“Di eh, mas bagay kami bro. ” Sabi naman ni Exel. Tumawa lang sina Jepoy at umiling.
“Fuck you, bro.” Ngisi ni Pablo at nagtaas ng middle finger kay Exel. Umiling nalang ako at ngumisi dahil sa kakulitan nila.
“Walang forever!” Sabat naman ni Uriah na kanina pa tahimik sa tabi. “Magbibreak din kayo.” Dagdag nya pa. Nanliit ang mga mata ko't tinignan sya.
Ang alam ko'y kakabreak lang nito kay Jasmin na taga-kabilang section. 1 year na dapat sila kaso nagcheat raw 'yong babae at mas pinili ang isang varsity player dito sa school kesa sakanya na artist at puro kaweirduhan ang laging nasa isip.
“Gago! Di pa nga sila 'e.” Inis na sabi ni Jepoy sabay batok kay Uriah.
“Bitter mo, ungas.” Ani Kendrid at nagtawanan sila't pati ako ay nakitawa narin.
“Wag na kayong magmahal, masakit maloko.” Kumunot ang noo ko sa muling sinabi ni Uriah. May kasabay na tawa ang pagkakasabi nya nun pero ramdam mo na may mali sa tawa nya, parang may tinatago syang sakit. Feeling ko sobra 'tong nasaktan sa nangyari sakanila ni Jasmin.
Natahimik sila saglit saka tumawang muli at pinagbabato ng bag si Uriah. Sobrang kulit talaga ng mga 'to, parang mga baliw.
Napatingin ako kay Pablo na bigla nalamang natahimik. Nakatitig lang sya sa field at tila ba may malalim na iniisip.
“Pablo.” Tawag ko. Agad naman nabaling ang atensyon nya sakin. “Okay ka lang?” Nagbuntong-hininga sya at ngumiti ng tipid.
“Tara na.” Yaya nya sabay hila sakin paalis. Napatingin ako sa mga barkada nya at kumaway lang sila sa amin ng nakangisi. Nanatili syang tahimik habang hila-hila ako.
“San tayo pupunta?” Kunot-noo kong tanong, natigil sya saglit sa paglalakad at hinarap ako.
“Kakain.” Aniya. Napaawang ang bibig ko at tinaasan sya ng kilay. Seryoso? Papatabain nya ba ako? Lagi nya akong dinadala sa isang kainan pag magkasama kami, tapos ang dami nyang pinapakain lagi.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"