Awkward.
Imposible. Imposible talaga. Bakit naman magkakagusto si Vlad sakin? Hell, that sounds funny. I'm just uh.. I mean I'm not one those girls a guy would probably like, hindi naman ako babaeng-babae and I think Vlad likes a girl with a body to die for.. 'yong tipong pwede pang model or something. And it's definitely not me, malaki ang bilbil ko sa dami ng kinakain ko.Mali, mali 'tong naiisip ko. Napakailusyonada ko naman na ata, malay ko ba baka nasa likod ko pala 'yong tinutukoy nyang gusto nya at inakala ko lang na ako.
Ngunit agad na gumuho at nagulo ang isip ko nang magsalitang muli si Vlad.
"This is for you, Bash." Nalaglag ang panga ko at agad na napatingin sa stage, Vlad started to strum his guitar.
Naghiyawan ang mga tao sa paligid at may ilan pang sumigaw kung sino ba raw si Bash. Nagbulong-bulungan ang ilan.
Ibinaling ko ang tingin kay Hannah na ngayon ay titig na titig sakin at mukhang pati sya ay nabigla rin ata. Well.. of course Basha, alam mong patay na patay 'yang kaibigan mo dun sa nagtapat palang ng pagkagusto sa'yo sa stage.
Umiling-iling ako sakanya bilang pahiwatig na wala akong alam sa nangyayari. She must be hurting right now, and I'm at fault.
Parang may kung anong bumigat sa loob ko nang mapansin ang unti-unting pag-angat ng magkabilang dulo ng labi ni Hannah. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata nya.
Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit.
"He likes you Bash, sabi ko na 'e!" Aniya sa masiglang tono pero ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya.
I was about to say something nang bigla syang kumalas sa yakap at agad na itinuon ang pansin sa harapan. Natulala ako saglit at saka ibinaling ang tingin kay Vlad na ngayon ay nagsisimula ng kumanta.
What day is it?
And in what month..
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down, I've been losing.. so much time.Napasinghap ako sa lamig ng boses nya at natuwa nang mapagtanto kong alam ko ang kantang 'to. It's one of my favorite!
Cause it's you and me and all of the people.With Nothing to do, nothing to lose..
Sinabayan ko ang pagkanta ni Vlad sa may stage at pati narin ang iba ay nakikanta na rin, he sang it very well.. mukhang mas magaling pa kaysa sa original na kumanta nito.
And it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you.
Napaawang ang bibig ko nang saktong pagsabay ko sa huling linya ng chorus ay napatingin sya sakin. Malalim at mapupungay ang mga mata nya, na tila ba hinahatak nito palapit sakanya ang lahat ng makakatitigan nya.
Sumilay ang ngisi sa labi nya at itinutok ang mata sa gitara, napakurap ako nang masilayan ang bahagyang pagdila nya sa pang-ibabang labi nya.
Di ko mapigilan ang pag-init ng pisngi sa nasaksihan. He's that hot when he does that.
All of the things that I want to say.. Just aren't coming out right
I'm tripping on words, you got my head spinning, I don't know where to go from here.Cause it's you and me and all of the people
With Nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you.Tumigil sya sa paggigitara at tinanggal ang mikroponong nakalagay sa stand. Dahan-dahan syang naglakad kung saan at panay hiyawan naman ng mga babae.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"