Forgiven.
Gabi na nang magpasya kaming mamasyal sa Puerto Isla, it's almost 9pm at ang naiwan lang sa nirenta naming cottage na tutulugan ay sina Mama at Papa.“Dapat talaga sumama sina Mama, nag-aalala ako.” Nakasimangot na sabi ni Ate Yas habang naglalakad-lakad kami sa dalampasigan.
“Don't worry, Yas. They're probably making their fourth baby right now. Magkakaroon na tayo ng baby brother pag nagkataon.” Ani Kuya Kael at bahagyang natawa sa sinabi.
Natigilan kami ro'n ni Hannah at nagkatinginan habang si Ate Yas naman ay natawa at agad na binatukan si Kuya Kael na ngayon ay tumatawa na ng malakas.
Pareho kaming natawa ni Hannah. What a jerk, Kuya.
“Tama Ate Yas, they're going to have a quality time together tonight kaya bukas na tayo umuwi.” Halakhak ni Hannah sa gilid ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero nakangisi lang sya. Natawa ang dalawa kong kapatid at lumapit pa si Kuya Kael para makipag-apir kay Hannah. Magkatabi na sila ngayon. I rolled my eyes, whatever you two.
“Hey, cheer up lil sis! Stop thinking about your boyfriend. Uupakan ko talaga 'yon!” Masiglang sabi ni Kuya sabay gulo ng buhok ko.
“Ano ba!” Reklamo ko at agad na inayos ang buhok kong binagyo.
Bumuntong-hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili. I am not in the mood anymore, kasalanan 'to ni Pablo.
“Sabi ni manang kanina fiesta raw ngayon dito, at may celebration daw dun sa dulo ng isla.” Sabi ni Ate Yas. Napalingon kami sa may dulo ng isla, ang alam ko'y malawak ang dulo ng Puerto Isla at doon kadalasang ginaganap ang mga event.
Sa malayo palang ay kita na ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw, doon pala galing yung tugtog na kanina ko pa naririnig. It seems like people there arr having a good time, I should have a good time too.
“Why don't we go there?” Tanong ko. Nanliit ang mga mata ni Kuya Kael sa sinabi ko habang ang dalawang babae naman ay mukhang sang-ayon.
“Tara!”
“Delikado.” Pagtanggi ni Kuya. Ngumuso ako at agad na inirapan sya.
“C'mon, Kuya. Wag kang kill joy, you're not Mama okay? Para mag-enjoy naman tayo!” Excited na sabi ni Ate Yas at nauna nang maglakad. Agad akong sumunod dahil mukhang mag-eenjoy ako dun.Napangiti ako nang makarating na kami sa dulo, malawak nga dito at maraming tao ang narito at nakikisabay sa party. So ganito pala ang itsura ng isang Beach Party, maraming tao ang sumasayaw sa gitna at sumasabay sa maingay na kanta ng The Chainsmokers. May maliit na stage sa gitna kung saan naroon ang DJ. May mga cottage rin sa gilid kung saan ang iba ay nag-iinuman at mukhang nagpapahangin lang.
Sa kabilang side ay naroon ang mga nagtitinda ng kung anu-anong souvenirs. Karamihan sa mga narito ay teenagers at ang iba ay mga kaedad ni Kuya Kael. It looks fun, tho.
Hinila ako ni Ate Yas sa isang cottage at agad nyang binati ang mga taong naroon, in just a minute ay panay na ang pakikipagdaldalan nya sa mga 'to. Napairap ako, she's really good at talking to strangers.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nasan na si Hannah? Pati si Kuya Kael ay wala, magkasama ba sila?
“Ate, hanapin ko lang si Hannah.” Paalam ko kay Ate Yas pero agad nya akong pinigilan.
“H'wag mo nang hanapin, kasama nun si Kuya.” Aniya. Kumunot ang noo ko, anong ibig nyang sabihin?
“Seriously, Bash? Di ka talaga marunong magmasid sa paligid mo, may something dun sa dalawa.” Though may idea na ako ay nagulat parin ako nang si Ate Yas na mismo ang nagsabi. Tumango nalang ako at nakipag-usap ulit sya sa mga taong naroon.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
Genç Kız Edebiyatı"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"