Kabanata 2

121 8 2
                                    

Gusto mo ba sya?

"Basha!" Hindi kami close ni Pablo, pero kahit papaano ay nag-uusap parin naman kami. Dalawang taon na ang lumipas at malapit na kaming matapos sa 3rd year highschool, walang nagbago sa amin ni Pablo.. nag-aaway parin kami pero masaya ako dahil hindi na ako napapatawag sa Principal's office.

Hingal na hingal sya nang makarating sya sa tabi ko, bakit ba kasi sya tumakbo?

"Ano?" Walang gana kong tanong sakanya, pansin kong napapatingin sa banda namin ang ilang mga estudyante at karamihan ay babae.

"May partner kana sa Prom?" Sa pagkakataong ito ay ramdam na ramdam ko ang bilis na pintig ng kung ano sa loob ko. Yayayain nya ba ako? Paano si Gazelle?

"Wala pa." Sagot ko na ikinatuwa naman nya, bakit? Bakit sya natutuwa? Dahil ba nalaman nyang wala ni isa sa mga kabatch namin ang nagyaya sa akin sa Prom? Masaya ba syang walang nagyaya sakin dahil siguro panget ako?

"Ganun ba? Mabuti naman." Aniya at agad akong inakbayan at ginulo pa ang buhok kong halos kalahating-oras kong inayos sa bahay. Bwisit!

"Sinong partner mo sa Prom?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong si Peter nang magbreak time kami. Hinanap ng mata ko ang anino ni Pablo pero mukhang umalis sya ng room.

"Wala pa." Sagot ko.

"Talaga?! Akala ko si Pablo ang partner mo?" Nagulat ako sa sinabi nya at agad na umiling.

"Hindi ko sya partner, di naman nya ako niyaya."

"Kung ganun, pwede tayo nalang ang partner sa Prom?" Si Peter Madrid, niyayaya ako sa Prom? Totoo ba 'to? Ang isa sa heartthrob sa school nagyaya sakin?

"Okay." Tuwang-tuwa sya sa sagot ko at agad akong kinurot sa pisngi at ilang beses na nagpasalamat.

"Ano yun?" Lumapit sa tabi ko si Hannah pakaalis ni Peter at agad na hinawakan ang buhok ko.

"Putulin ko kaya 'tong long hair mo girl? Shocks! Si Peter Madrid partner mo sa Prom?!" Malakas ang pagkakasabi nya nun at sakto namang kakapasok lang ng grupo nina Pablo sa classroom.

Natahimik ang lahat at pansin kong palipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Pablo.

"Dude? Akala ko ba-" Basag ni Jepoy sa katahimikan pero agad rin itong binara ni Pablo.

"Wow! Peter Madrid? Ang ganda mo, Basha!" Sinamaan ko sya ng tingin dahil sarkastiko nanaman ang tono nya at naiinis ako 'ron!

Isang linggo nalang at Prom night na kaya nagpasya kami ni Mama na maghanap ng gown na isusuot, inis ako buong araw dahil nakakapagod magsukat ng kung anu-anong klase ng gown at wala parin akong nahahanap. Nakakabanas pa't ang init, sana naman mahanap ko na ang babagay sa akin.

"Pagod na'ko Ma, di nalang ako sasali sa Prom." Sabi ko kay Mama na ngayon ay nakasimangot na.

"Hoy, Basha! Anak ni Kapitan ang partner mo mahiya ka naman, hala tara at maghanap ulit tayo." Inirapan ko lamang sya tumayo na para maghanap ng gown pero nagulat ako nang makita ko sa di kalayuan si Peter Madrid na nakangisi habang nagsusukat ng tuxedo.

Halos manluwa ang mga mata ko nang mahuli nya akong nakatingin sakanya, lumapit sya agad sakin na may malawak na ngiti sa labi.

"Basha, anong kulay ng gown mo?" Aniya, tumigil si Mama sa paghahanap at agad na napatingin kay Peter.

"Naku, ikaw pala hijo. Hindi ko talaga makuha kung bakit itong anak ko ang napili mong partner sa Prom, pero salamat ha? Nakapili kana ba ng tuxedo?" Gusto kong hilain papasok sa ilalim ng lupa ang mama ko, pano ko ba 'yon gagawin?

Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon