Sunset.
First quarter palang ng laro ay nagkainitan na agad ang ibang players, lalo na si Kuya Kael at 'yong isang Ricarte sa kabilang team na may numerong 4 sa likod. Hanggang sa mag-2nd quarter ay ganon parin. Alas tres na at di parin tapos ang laro.“That's my cousin, si Axxe. Pasensya na, mabilis talaga uminit ang ulo nyan.” Ani Vlad sa tabi ko at mukhang napansin nya rin ata na nagkakainitian 'yong pinsan nya at kuya ko.
“Ilang taon na sya?” Tanong ko, mukha kasing mas bata iyong pinsan ni Vlad samin, pero matangkad sya. Maybe he's taller than Vlad, I think.
“16 ata.” Ani Vlad. Tumango-tango nalang ako. Kaya pala.
“Badtrip na kuya mo, Basha.” Ani Hannah at mukhang natatawa pa. Ngumisi ako. “Oo nga, dahil yan sa'yo.” Sagot ko naman. Natigilan sya roon at kunot-noo akong tinignan.
“Huh?” Natawa ako at umiling dahil mukhang wala syang ideya, haynaku Hannah.
“Wala. Ano ba yan ang boring!” Pagchechange topic ko, pero sa totoo lang boring naman talaga, o ako lang yun? Pero 'yong ilang mga babaeng nandito sige parin ang tilian at kanya-kanyang sigaw ng numero ng crush nila. Psh.
“GO, NUMBER 12!!” Biglaang sigaw ni Hannah na syang ikinabigla ko. Kita kong natigilan roon saglit si Kuya Kael at gulat na napatingin sa banda namin, kay Hannah.
Nagtilian ang ilang mga babae nang ngumiti si Kuya Kael at kumindat pa. Langya! Nakangisi naman si Hannah, habang pulang-pula ang pisngi. Napairap ako.
“Ang landi nyo!” Sabi ko. Dinildilan lang ako ni Hannah at tinawanan. Pati si Vlad ay natawa sa gilid ko, sinamaan ko sya ng tingin.
“Bili nalang tayo ng pagkain, you want?” Ani Vlad, umaliwalas ang mukha ko. I'd love to.
Agad akong tumango, “Hannah, bili lang kami ng pagkain.” Paalam ko kay Hannah, pumayag naman sya at ngumisi pa ng nakakaloko.
“So, what do you wanna eat? I brought my car in case you wanted to e—eat somewhere.” Ani Vlad nang medyo nakalayo na kami sa court. Napatingin ako sakanya at pinanliitan sya ng mata. Kita kong namutla sya at parang kinakabahan. May kotse pala sya? But he's not 18 yet.
“Sure! Tara, sa mall tayo.” Masiglang sabi ko at ngumisi. Bumuntong-hininga sya at natawa. Akala nya ata di ako papayag.
“San mo gusto kumain?” Tanong ni Vlad, napaisip ko. Parang gusto ko ng pizza.
“Ah, sa pizza hut nalang kaya? Okay lang ba? Gusto ko kasi kumain ng pizz—” Natigilan ako nang biglang tumunog ang phone ko at gulat ako nang makita ang pangalan ni Pablo sa screen. Agad ko iyong sinagot.
“H—Hello?” Sabi ko. Kita kong napalingon si Vlad sakin.
Napaayos ako ng upo sa front seat nang marinig ko ang buntong-hininga ni Pablo sa kabilang linya.
“Basha..” Napalunok ako at parang maiiyak. God, namiss ko marinig ang boses nya. “Pwede ba tayong mag-usap?” Napalunok ako.
“S—Sige, san ka?” Tanong ko.
“No, ako nalang ang pupunta sa'yo. San ka?” Huminga ako ng malalim at napapikit. Siguradong magagalit sya pag nalaman nyang kasama ko si Vlad ngayon.

BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Basha. (ON-HOLD)
ChickLit"Is our love that easy to end? Was your love that light to leave me hanging? Was our relationship that boring for you break our promises that fast? Am I not enough for you to find a new?"