Sam's POV...
Hindi ko inaasahan na darating pa ang araw na magkikita kita pa ulit kaming magkakaibigan. Alam kong matalik na kaibigan sila ni Miggy pero katulad ko akala ko sumuko na rin sila at natakot sa Daddy ni Miggy pero nagkamali ako hanggang ngayon lumalaban pa rin sila para kay Miguella. Masaya ako na nakita,naka-usap at naka sama ko na ulit sila wala pa rin silang pinagbago kahit na iniwan ko sila noon. Hindi sila nag tanim ng sama ng loob sakin o kahit pa kay Miggy. Maswerte kami ni Miguella na naging mga kaibigan namin sila.
Na-iinggit ako sa tapang na meron ang barkada dahil hanggang ngayon lumalaban pa rin sila para samin ni Miguella ipinaglalaban pa rin nila kami sa mga taong hadlang samin. Nagagalit tuloy ako sa sarili ko na hindi ko magawang maging matapang katulad nina Ola.Ngayon na alam na rin nila ang tungkol kay Samuel sigurado kong gusto rin nilang malaman kung paano na buo at kung sino ang Ama ng anak ko. Alam ko naman na darating din ang panahon na kailangan kong sabihin ang tungkol sa katauhan ng anak ko.
Natatakot lang ako na baka magulo pa ang buhay niya ayokong mapahamak ang anak ko wala naman siyang kasalanan. Mabuting bata si samuel at hindi niya deserve ang magulo ang buhay niya dahil sa katauhan na meron siya. Hindi man katulad ng naka sanayan kong pamilya na buo at masaya pinalalaki ko naman ang nak ko ng puno ng pagmamahal at sinisigurado na hindi niya mararamdaman na may kulang sa pagkatao niya.
After naming mag-usap ng barkda naka-usap ko rin sa phone sina Puma Chelz at Mae napag-usapan namin na magkikita kita nalang kami bukas sa resto ni Puma. Gusto ko rin kasi silang makasama ng kumpleto marami rin kasi silang nabalitaan tungkol sa pamilya ni Miggy lalo na nung nagka hiwa-hiwalay na kami dahil hindi pala sila tumigil sa paghanap samin.
Sinabi ko rin na isasama ko si Samuel dahil gusto raw nilang makilala ang anak ko. Wala naman akong nakikitang masama kung isama ko si Samuel para makilala niya ang mga Tita niya dahil plano ko naman talaga silang kuning mga Ninang noon palang. Kahit papano nagiging masaya na akong balik balikan ang nakaraan ko dahil naging sobrang saya ko naman noon pag kasama ko sila.
Miggy's POV...
Sa sobrang busy ko kausap ang mga business investors,fashion designers,celebrities and other clients hindi ko na nagawa pang maka-usap si Samantha. Nung nakakuha naman na ko ng tiempo hinanap ko na agad si Samantha dahil gusto ko talaga siyang maka-usap. Kung saan saan ko na siya hinanahap pero hindi ko siya makita nagtanong tanong na rin ako sa mga staffs ko pero wala daw talagang nakakita sa kanya.
Inisip ko tuloy na baka tuluyan na siyang nagalit sakin kaya iniiwasan na niya ako.Haaaay pano ba to hindi ko na alam kung pano ko pa siya makaka-usap gusto ko nang maging okay kami. After the party umuwi na kami natapos ang gabi ng hindi ko nakaka-usap si Samantha. Tahimik lang ako pauwi at mukhang nahalata yun ni Cassie tinanong niya ko kung may problema ba daw ako nag smile nalang ako sa kanya at sinabing pagod lang ako. Mukhang naniwala naman siya sakin. Ayoko kasing sabihin na si Samantha ang dahilan kung bakit tahimik ako,lately kasi napapansin ko na parang pinagseselosan niya si Samantha.
Sam's POV...
Sinabi ko kay na Mama at Papa na nakita ko na ulit sina Ola masaya sila dahil na miss rin daw nila ang barkada kaya lang natatakot sila dahil alam nina Papa na close sina Ola kay Miggy inisip nila na baka may connection parin daw sina Ola kay Miggy. Sinabi ko naman na katulad ko hindi rin sila maalala ni Miguella. Sinabi ko rin sa mga magulang ko na gusto kong ipakilala sa kanila ang anak ko katulad ko wala rin naman daw silang nakikitang masama kung makila ng barkda ang anak ko.
At Puma's Resto....
"Oyyyy ano ba daw oras ang dating nina Samantha grabe miss na miss ko na yung babae na yun sigurado kong ang gwapo gwapo ng anak nun! ^_^"-Puma habang nag-aayos ng food sa table.
BINABASA MO ANG
My Twisted Fate Part II
RomanceCause I know that you are all wondering what happened to Samantha and Miguella's Love Story! Eto na po ang Part II dahil malakas kayo sakin at hindi ko kayo matiis eto na po ang pinaka hihintay niyong lahat! ^_^ Sabay sabay po nating basahin at tutu...