Chapter 11 You Can Run, You Can Hide But I'd still Find You...

1.4K 55 6
                                    




Miggy's POV...

Nung inimbitahan ako ni Samantha na sa kanila nalang mag dinner hindi ko mapigilan ang mapa ngiti sa sobrang saya. Para bang may kakaibang inerhiya sa katawan ko ang bumuhay sakin, kung kanina para kong pinag bagksan ng langit at lupa ngayon naman para kong nasa ulap sa sobrang saya. Ngayon nakaka sigurado na talaga akong concern sakin si Samantha dahil hindi niya ko natiis. ^_^

Kinakabahan ako ngayon kasi makikilala ko na ng personal ang parents ni Sam, nahihiya rin ako sa kanila kasi dapat Family Time nila ngayon pero eto ako nakikisingit sa oras na dapat pamilya niya lang ang kasama niya. Napa-isip tuloy ako kung tama ba talaga tong gagawin ko na kay na Samantha ako mag dinner baka kasi maka istorbo lang ako sa kanila ng pamilya niya.

"Oh eto na pala si Miss M eh. ^_^"-Habang hinihintay ako nina Miss Ghie.

"Enjoy guys! ^_^ Magpaka busog ka dun Miss M sigurado akong masasarapan ka sa luto nina Tita Isabel at Sammy! ^_^"-Louis.

"Ahhhhmmmm Sam."-Miggy.

"Oh? Bakit? ^_^"-Sam.

"Si..Sigurado kabang gusto mo kong sa inyo nalang maghapunan? Okay lang naman sakin sa Resto nalang or sa Condo ako. Magpapa deliver nalang ako ng food para hindi ko na kayo maabala pa. ^_^"-Miggy.

"Ano kaba hindi ba nasabi ko na sayo na hindi ka naman abala para sakin. Isa pa okay lang naman talaga sakin na sa bahay ka kumain ng hapunan walang problema at hindi ka lalo abala para sakin wag mo ng isipin pa yun. ^_^"-Sabay hawak sa braso ko mas kinilig tuloy ako.

"Ohh see Miss M kaya wag kna ma shybelz dito kay Sammy kasi mabait naman ang Family niya at masarap pang magluto kaya wag kna mag-alala. ^_^"-Louis.

"Oo nga Miss M sigurado akong hindi na rin papayag yang si Samantha na mag-isa ka ngayong gabi haha! ^_^"-Miss Ghie.

"Oh sige na nga. Ano tara na? ^_^"-Miggy.

Naghiwa-hiway na kami sa parking area ng building namin pero sinabi ko kay Samantha na may dadaanan muna kami. Naisip ko kasi na bumili ng something na pwede kong madala para sa family niya. Gusto kong bumili ng flowers para sa Mama niya at wine naman para sa Papa niya diba usually mga ganun naman ang dinadala pag bibisita ka. Daig ko pa ata aakyat ng ligaw kay Samantha HAHAHAHA ^_^

"Ahmmm madali lang naman ang daan papunta sa bahay namin Miggy kaya hindi na siguro tayo ma tra-traffic. ^_^"-Sam.

"Ahhh Sam okay lang ba kung may dadaanan muna tayo bago pumunta sa bahay niyo? ^_^"-Miggy.

"o_O? Ahhh..Oo naman uuwi ka ba muna sa condo mo?"-Sam.

"Ahhh hindi ^_^ May bibilhin lang ako sandali lang naman. ^_^"-Miggy.

"Ahhh osige walang problema. ^_^"-Sam.

Sam's POV...

Unang tumigil ang sasakyan ni Miggy sa isang Flower shop nagulat ako kasi bakit naman niya kailangan pumunta sa Flower shop sa gantong oras? Para ba yun kay Cassie eh ang alam ko wala naman si Cassie ngayon. Pag balik ni Miggy sa kotse may daladala niya siyang Flowers ang ganda pa ng pagkaka arrange hindi nalang ako nagtanong kasi nahihiya naman ako basta nag smile nalang ako sa kanya. Sumunod na tinigilan ng sasakyan ni Miggy ang isang Wine shop medyo nagtagal siya ng konti kaya tumawag na sakin si Mama kung anong oras daw ako uuwi. Nagkaron na rin ako ng pagkakataon na sabihin kay Mama na may bisita akong kasama at sa bahay maghahapunan. Hindi ko muna sinabi kung sino ang kasama ko dahil hindi ko rin naman alam kung papano ko sasabhin sa kanila.

Pag balik ni Miggy sa sasakyan may dalawang wine na siyang dala dala pero hindi ko parin siya tinatanong kung para san ba ang mga binili niya at clueless parin ako. At this point kasi hindi gumagana ang utak ko dahil kaba at takot lang ang nangingibabaw sakin. Hindi ko kasi alam kung ano bang mangyayari sa Dinner na to. Kung anong magiging reaksyon ng mga magulang ko at kung may maaalala ba si Miguella sa pagbabalik niya sa bahay namin.

My Twisted Fate Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon