Chapter 5 Gimme Five! ^_^

2.2K 52 37
                                    

Samantha's POV....


Minsan kahit anong iwas natin sa isang tao pilit paring gumagawa ang tadhan ng paraan para pag tagpuin kayo at yun ang nangyayari samin ngayon ni Migguella. Kahit ano pang klaseng pag-iwas ang gawin ko pilit paring nagtatagpo ang landas naming dalwa. Minsan nga gusto ko nalang isipin na kaya ba kami pinagtagpo ulit ay para mabigyan ng pangalawang pagkakataon yung pagmamahalan namin? Para maibalik samin ang nakaraang ipinagdamot na Kaligayahan at Kalayaan!

O para lang masaktan muli ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Karma ba ang tawag dito dahil sinaktan ko ang nag-iisang tao na ginawa ang lahat lahat para sakin na sinakripisyo ang buong buhay niya para lang mapasaya ako at maramdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga niya sakin! Kung karma nga ang tawag dito siguro mas magandang tanggapin ko nalang ng buong puso ang mga nangyayari samin ngayon. Para naman kahit papano mapantayan ko rin ang mga paghihirap na dinanas ni Miguella nung pinili niya kong mahalin.

Siguro ito ang paraan ng tadhana para maka bawi ako kay Miguella at yun ay ang makitang masaya siya sa piling ng iba! T_T Si Cassie siguro ang nararapat na babae para kay Miggy. Natatandaan ko noong nakausap ko ang Daddy niya sinabi sakin ng Daddy niya na kahit kelan hindi raw nararapat mahalin ni Miguella ang isang babae dahil ito lang ang sisira sa buhay niya.

Pero ngayon na magkasama na sila ni Cassie alam kong alam ng pamilya ni Miggy ang tungkol sa kanila. At sa nakikita ko mukhang suportado ito ng pamilya ni Miguella. Iisa lang lang ang ibig sabihin nito si Cassie talaga siguro ang babaeng nararapat para kay Miggy at yun ang isang bagay na kahit kelan hindi ko magagawa ang tanggapin ng pamilya niya! :(((

Tuwing nakikita ko si Miguella kahit papano may saya akong nararamdaman sa puso ko dahil alam kong naka ligtas siya sa aksidente niya. Maganda na rin siguro na tuluyan na kong nabura sa alala niya para hindi ko na siya masaktan pang muli. Tamang ako nalang ang nasasaktan saming dalwa. Tamang ako nalang ang nahihirapan at nagdudusa dapat nga maging masaya pa ako dahil may magandang kinahantungan naman nang paghihiwalay namin. At yun ay ang makakita ulit siya ng taong mamahalin siya ng buong buo at hinding hindi siya iiwan. Si Cassie....Si Cassie ang taong makakagawa nun para kay Miguella. Alam ko kung gaano ka mahal ni Cassie si Miggy alam kong gagawin niya rin ang lahat para kay Miggy at sa nakikita ko masaya naman si Miggy sa piling ni Cassie kaya walang reason para malungkot ako.

Habang nasa kwarto ako naka tanaw lang sa dating room ni Miggy. Hindi ko maiwasan ang maalala ang nakaraan namin may mga masasaya at malulungkot na alala. Tuwing magkaaway kami o namimiss namin ang isa't-isa sisilipin lang namin ang mga bintana namin at makikita na agad namin ang isa't-isa. Pero ngayon ako nalang ang naiwan na naka tingin sa bintana at wala na ang taong pinaka mamahal ko at ang taong tangi kong minahal. T_T


"Mama???"-Biglang pumasok ang anak ko at umakyat sa kama sabay yakap sakin.

"Ohhh? Baby Samuel what's wrong are you okay? ^_^"-Habang naka yakap ako sa kanya.

"Mama who's house is that? Why are looking at that house? ^_^"-Samuel.

"O_o?! Ahhhh... That house is from an old friend anak pero lumipat na ata sila anak kaya wala ng naka tira dyn. ^_^"-Sam.

"Ahhhh! Akala ko po kasi may makakalaro akong bata dito pero wala po pala tayong neighbor. :("-Samuel. 

"Ohhhh? Bakit na sa-sad yung baby ko? :( Nakakalaro mo naman baby sina Lola at Lolo mo diba? Pati si Mama pag walang work naglalaro naman tayo diba? ^_^"-Sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"But I still wanna have a playmate Mama. :("-Samuel.

"Don't worry Baby bukas ipapasyal ka ni Mama sa park!^_^"-Sam.

My Twisted Fate Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon