>>>Author's Note: Whatever you may read in this chapter was based on the emotions that I am feeling at the moment May 31,2018. It may not be related on the story at all or may confuse you but I assure you, you'll understand IF AND ONLY you also use your other senses other than your eyes. ^_^<<<
Miggy's POV...
Bakit ba pakiramdam ko palagi akong naguguluhan? Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit pakiramdam ko hindi para sakin ang nasasakin na at ang gusto ko naman hindi kailan man magiging para sakin?! :((
Si Samantha? Sino ba talaga siya sa buhay ko? Bakit iba ang impact niya sakin? Bakit ako apektado sa mga nararamdaman niya? Pag masaya siya masaya rin ako, pag malungkot siya malungkot din ako. Pag nasasaktan siya mas nasasaktan ako.
May girlfriend ako at hindi tama na may iba pa kong nararamdaman para sa ibang tao. Ayokong magkasala kay Cassie ayokong makasakit, ayokong magtaksil pero hindi ko maintindihan ang puso ko.
Tama bang ibigay sakin ang taong mahal ako pero hindi ko mahal at magmahal ng taong hindi mo naman pwedeng mahalin. Aaminin ko may nararamdaman na ko para kay Samantha, pero hindi naman ibig sabihin nun iiwan ko na si Cassie.
Oo may nararamdaman ako para sa Samantha malinaw na sakin yun ngayon. Pero malinaw rin sakin na kahit ano pa man ang nararamdaman ko para sa kanya hindi na ito mahalaga pa dahil may Girlfriend na ko at si Cassie ang dapat pinagtutuan ko ng pansin. I need to do the right thing. Hindi naman kasi lahat ng gusto natin nakukuha natin. That's how life goes on.
May mga taong magsasabi sakin na kung mahal mo ipaglalaban mo! Pero tanong ko sa mga taong yun. Have you ever been in my situation? Alam mo ba ang totoong nararamdaman ko bukod sa may feelings ako kay Sam. Alam mo ba ang mga consequences na pwedeng mangyari kung magiging maka sarili ako at susundin ang tibok ng puso ko.
Sometimes we gotta consider others not just ourselves. Kung sabihin kong mahal ko si Samantha anong mangyayari? Happy Ending ganun?...Walang iiyak? Walang masasaktan? Walang magagalit? Kung ganun ang mangyayari then sige paninindigan ko ang pagmamahal ko kay Samantha!
Pero hindi diba?! May iiyak, may masasaktan, may magagalit. Hindi ko sinasabing hindi worth it na ipaglaban ang pagmamahal ko kay Samantha, pero bakit AKO? Bakit sakin pa napunta ang pinaka mahirap na desisyon!
Madalas na isasagot natin kung papipiliin ka ng MAHAL MO O MAHAL AKO. Madalas na sagot mo yung Mahal Mo diba? Pero pano ka nakaka siguro na pag siya ang pinili mo magiging masaya ka talaga? Madami parin pwedeng mangyari kahit pinili mo na ang taong mahal mo.
All I'm saying is hindi lahat ng bagay o tao na tingin natin makakapag pasaya satin eh makukuha natin. May mga tao lang talaga na pinag tagpu pero hindi naka tadhana. Kahit pa mahal ko si Sam it doesn't mean na nabawasan na ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Cassie. Alam ko na hayop lang ang may dalwang puso or more pero sometimes we have to choose what's best. A lot of you might not agree with me on this. Pero ano bang masama ang nagawa sakin ni Cassie that she deserves to be hurt???
She hasn't done anything to deserve any kind of pain from me. Napasaya na ko noon ni Cassie and I don't think na hindi ako magiging masaya if I would choose to stick with her. Kung makita ko man na may iba si Samantha I wouldn't deny the fact na masasaktan ako but does it matter? If they're both happy, then all I wish is happiness for them, and for me I know I can also be happy with Cassie.
Kung nagkataon naman na malaman kong mahal ako ni Samantha. Wala paring magbabago hindi ko parin siya kayang panindigan. Hindi tama na maging selfish kami pareho, kung alam naman namin na habang masaya kami eh may nasasaktan kami. Siguro talaga lang TARANTADO ang tadhana para pagtagpuin ang dalwang tao na alam mong magiging perfect match pero alam mo rin na namang isang fantasy lang ang lahat dahil in reality walang perfect!
Si Samantha at si Cassie parehong mahalaga para sakin, pareho kong mahal, parehong mabuting tao. Hindi ibig sabihin na pinili ko si Cassie my feelings for the other person is any less. Gaya ng sabi ko ng paulit ulit hindi lahat ng magpapasaya satin makukuha natin. Masakit na Love Story man ang meron kami ni Samantha pero ang mahalaga para sakin minahal ko siya, mahal ko siya at kung patuloy ko man siyang mamahalin then so be it. Pero hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao hindi totoo ang sinasabi nila na "ALL YOU NEED IS LOVE." That's bullshit not to be a hater just stepping into reality.
Paalam sa taong tingin ko ay ang aking GREAT LOVE Samantha Reyes malaking parte ng buhay ko ang napukaw mo. Pati Puso ko nahulog sayo. I'm sorry kung sa ganito paraan, ganutong panahon, ganitong sitwasyon pa tayo pinagtagpu. Mahal kita Samantha kahit hindi tayo hanggang huli MAHAL KITA! Patawarin mo ako kung mas pinili kong maging mapait ang istorya ng pagmamahalan natin.
Kung hindi man ngayon, kung hindi man dito sa mundong ito. Baka sakaling sa susunod na pag tagpuin tayo baka sakaling pwede na. Baka sakaling tama na, baka sakaling malaya na tayo at wala ng masasaktan. Alam kong masasaktan kita ng sobra sobra at handa akong harapin ang galit mo. Handa akong madurog ang puso ng paulit ulit habang nakikita kang umiiyak at nasasaktan na hindi nagtagumpay ang pagmamahalan nating dalawa. Samantha aking sinta sana sa muli nating pagkikita aasahan ko na lahat ay sasang-ayon na sating dalwa at sating pagmamahalan.
Hindi ka man napunta sakin, wala naman akong pinagsisisihan sa mga nangyari. Masaya akong nakilala ka at na minahal kita dahil mas nakilala ko rin ang sarili ko ng dahil sayo. Nawa'y makita mo rin ang taong magmamahal sayo ng sobra sobra na kaya kang mapa ngiti araw araw. Na kaya kang protektahan sa lahat ng pwedeng manakit sayo magiging masaya na ko sa malayo na makitang may ibang taong pinupunan ang mga bagay na hindi ko kayang gawin para sayo. Hiling ko lang na sana'y maging masaya ka at sana dumating din ang panahon na mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo.
PATAWAD PAALAM SA TAONG PINAKA MAMAHAL KO.
BINABASA MO ANG
My Twisted Fate Part II
RomanceCause I know that you are all wondering what happened to Samantha and Miguella's Love Story! Eto na po ang Part II dahil malakas kayo sakin at hindi ko kayo matiis eto na po ang pinaka hihintay niyong lahat! ^_^ Sabay sabay po nating basahin at tutu...
