PURE 12

5.2K 169 0
                                    

Claud's POV





"Aaahhhh!!" Nakarinig kami ng sigaw. Maybe it's cleio.  Agad kaming pumunta sa pinanggalingan ng sigaw.










Napunta kami sa isang madilim na silid. Kahit madilim nakikita namin si cleio at melody. Nakatakip ang mukha niya gamit ang kanyang mga kamay. Habang si melody ay dahan dahan na lumalapit kay Cleio, pwede naman niyang bilisan right? Hay never mind buti nga binagalan niya ang paglalakad kung hindi, Hindi na namin naabutang buhay si Cleio lagot kami.







"Liam, get the princess" utos ko.







Agad naman nilang kinuha si cleio. Kita sa mukha niya ang pagkagulat at takot. We'll explain later kahit na nakakatamad magexplain, iyon ang pinaka ayaw ko.




"Ituloy natin ang naudlot na laban kanina" paghahamon ni melody. Nagsenyas ito na lumapit sa kanya.





"And by the way, may sumusunod ngayon kila liam upang tapusin ang prinsesa" sabi nito at biglang umatake.







"Brent! Dawn ! Sapphire ! Help liam!" Utos ko habang nakikipaglaban.







"How about you?" Nag aalala si brent.





" I can handle this now go!" Muling utos ko.







Umalis na silang tatlo at sumunod na Kay Liam, biglang pumasok sa utak ko yung pagmumukha ng babaeng iyon. Am I worried? Well of course! S-she's important to our side. S-she's... S-she, argh! Nevermind, dapat akong mag focus sa laban namin. And I have to finish this right here, right now.








*Cleio's POV*






Nakarinig ako ng ingay. M-may tao? Ayaw kong tanggalin yung kamay ko sa mukha dahil ang creepy ng mga Mata ni ms. Ramos.




Pakiramdam ko may sumulpot sa harapan ko, kinukuha na ba ko ni kamatayan? . Inalis ko na ang kamay sa mukha pero hindi ko siya makita dahil nga madilim. Nabibingi ako sa mga ingay. May nag aaway ba? Nahihilo ako. Hanggang sa tuluyan na kong mawalan ng malay.







*Liam's POV*


Madilim na naman kaya walang takot ako nagpatalon talon sa mga bubong. I need to take her back to the Vamia ng ligtas.




Nakaramdam ako ng may sumusunod saamin. Sh*t paano ito. Buhat ko si Cleio at nawalan pa siya ng malay, hindi ko naman siya pwedeng iwan nalamang o ibaba, there's too many of them, hindi ko ito kayang mag isa. Mas binilisan ko pa para hindi sila umabot.







"mukhang Kailangan mo ng tulong dyan friend ah" dumating sila Brent.






"we will buy you some time, Go!" sigaw ni Sapphire.




Hay right timing, buti dumating na sila. Kinaharap nila yung 5 sumusunod sa akin kanina, malalakas silang tatlo, lalo na si Sapphire kaya alam kong magiging ayos sila.






Nagtungo na ko sa lagusan para makarating sa Vamia. Ang lagusan na ito ay hindi makikita ng ordinaryong tao, at hindi makakapasok ang mga tao dito.





Lagusan kung saan nakatago ang ibang mundo, mundo ng mga immortal. Mundo ng mga pinaniniwalaan nilang alamat, ngunit hindi pa natatapos at hindi matatapos ang lahi naming mga bampira, kasama na ng mga werewolf.





Kami ay matagal ng naninirahan sa mundo, nagtatago lang kami para mabuhay. Iba na ang teknolohiya ng mundo ngayon, delikado kapag kami ay nadiskubre.




Nakarating na kami sa Vamia. Buti naman at nakauwi na ako, pati ang prinsesa. Ngayon ligtas na ang side namin.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon