PURE 24

3.9K 128 0
                                    

*Claud's POV*





Pagkatapos kong magpunta sa kwarto ni Cleio nagpasya akong manatili dito sa hidden garden. Nahiga ako sa damohan. Pinagmasdan ko lang ang kalangitan. Hanggang sa makatulog.






Sino ba yon? Ang ingay? Ang daldal! Tumayo ako. At hinanap ang tinig ng isang babae.




Napadpad ako sa mapunong bahagi ng garden.




"Hindi ko naman siya iniisip diba?"

"Hindi ko siya gusto"

"Mali lang tong nararamdaman ko."

"Hindi ko naman sinasadya?"

"Aayy!!! Bakit ba?!"

"hayst sakit ng puso ko! Lalabas na Ata!"





Nakaupo ito sa sanga ng puno. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita kung sino siya.






"Miss ayos kalang ba?" Tanong ko.





"Ay! Claud" nagulat ito at muntikan pang mahulog. Boses ni cleio to ah? Bakit niya binanggit ang pangalan ko?



"Am. Oo ayos lang ako" biglang nag iba ang tono ng boses nito. hinayaan ko nalang siyang isipin ako. Baka nag aasume nanaman ako. Baka naman ibang tao?





*Cleio's POV*



Dahil hindi makatulog dahil sa nangyare, nag gala gala nalang ako hanggang sa mapadpad sa mapunong lugar, umubo ako sa sanga. Nakakamiss ang ganto, nung bata ako inaasar nila akong unggoy kase magaling ako umakyat ng puno.






Tapos pumasok nanaman sa isip ko yung nangyare. Hayst Kaya nga nag gala gala para mawala iyon sa isip ko. Nagsimula na kong kausapin ang sarili.





Hanggang sa may tao na, nairita siguro saken, lakas pala boses ko. Si claud!




Para akong baliw! Sana hindi ako nakilala ni claud! Iniba ko nalang ang tono ng boses ko upang hindi niya ako makilala.





"Ikaw naman kasi napakabaliw mo!" Nagsasalita nanaman akong mag isa.

"Bakit ba kasi ganto!"



Hindi ko na sya narinig. Umalis na Ata. Dahan dahan akong lumingon, wala na nga siya. Bumaba na ako at sumandal nalang sa puno. Medyo kita ko yung langit, tinitigan ko lang ito at nag iisip ng Kung ano ano.






Ay? Nakatulog pala ako? Kailangan ko nang bumalik baka hinahanap na nila ako. Hapon na at madilim na rin. Malapit na ako sa labasan. Sino Yun? Nakahiga sa damuhan. Malapitan nga.





"Excu....." naputol ang pagsasalita ko ng makita ang lalakeng nakahiga. It's claud. Natutulog. Nagdahan dahan akong lumayo sakanya. Pero hindi ako nagtagumpay. Narinig niya ako.





"Hoy!" Tawag niya.





Dahan dahan akong lumingon sakanya.





"B-bakit?" Tanong ko.




"Ikaw ba yung maingay doon?" Tanong nito.





"H-ha,h-hindi ako g-galing diyan noh" palusot ko.




"Eh bakit ka nandito? Hapon na ah?" Tanong niya.






"W-wala lang" nauutal parin ako.





"K" matipid niyang sagot.








Bumalik ito sa pagkakahiga. Hindi ba siya papasok sa loob? Hapon na. Mag isa lang siya. Umupo ako sa tabi niya. Samahan ko muna si Mr. Singit. Medyo ok na naman yung dibdib ko, napagod na siguro kakatibok ng pagkakabilis. Hindi naman niya pinansin pag upo ko, pumayag ata siyang tumabi sa kanya.





Tinignan ko siya. Ang gwapo niya talaga. Nagulat ako dahil bigla itong nagmulat. Agad naman akong umiwas.






"Are you looking at me?" Tanong nito.





"H-hindi ah" pagtanggi ko.






"Pwedeng makihiga?" Tanong ko. Hay! Kinabahan ako doon ah.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon