PURE 28

3.7K 124 0
                                    

Cleio's POV






Busy na sa loob ng palasyo. Lahat sila ay may ginagawa. Ang bongga ng birthday ko. Ano kaya ang magiging power ko? Kahapon at nung isang araw ko pa iyon iniisip, halos hindi na ako makatulog hahaha. Ikalawang araw na ng preparation.






Ngayong araw. Sinukatan na ako. Sayang,ayaw kasi saakin ipakita ang layout nung dress. Si claud kaya anong isusuot?







Kasama silang Lima na sinukatan din ng damit, Kung baga special din sila. Si Dawn nakita ko yung kanya hehehe, pagbawi ko iyon dahil hindi niya sinabi sa akin edad niya. Ang susuotin ni dawn ay isang mermaid gown. Kulay sunset ito, sobrang Ganda at sinisigurado kong bagay na bagay ito sa kanya.






Dahil nga eh busy ang lahat, hindi ko nakikita si Claud, busy din ata, nakakamiss yung pagsusungit niya, nakakamiss makita yung pagmumukha nung lalakeng iyon, asan kaya siya?







Tapos na akong sukatan. Naboboring na ako dahil wala naman ibang libangan dito. Lumabas ako at naglakad sa hallway, may kung ano anong dekorasyon na ang nakalagay sa buong paligid, ang Ganda. Hindi ako nakafocus sa dinadaanan kaya nabunggo ako sa isa sa mga tauhan, I was about to fall but...






"Glad I caught you" si claud! Buti naman nagpakita na ito.





"Salamat!" Sabay yakap ko sakanya.




"Do you miss me?" Pagbibiro nito.





"H-hindi ah," kakahiya naman kapag sinabi ko sakanya ang totoo.






"I missed you too, later" sabi nito sabay alis.





Bigla bigla nalang umaalis, tapos iyon lang sinabi. He missed me? Huh? Pano niya ako Mamimiss? Siraulo Ata iyon ah. Siguro namimiss niya akong pahirapan, pagtawanan o Kung ano pa.





Well na miss ko talaga siya, nakakahiya naman at baka umasa lang ako kapag sinabi Kong na miss ko siya. Well I think crush ko siya, oo crush ko nga siya, kahit ganon ugali ng taong iyon eh mabait naman siya. Mahirap umasa kaya quite muna ako. Iki-keep ko nalang itong nararamdaman ko, para hindi masaktan ng todo todo boom.








Sa ikatlong araw na ng preparation. Pinapili nila ako ng flowers, design sa throne room, design sa labas, mga damit ng bisita at yung tables and chairs pati na rin syempre ng plates, spoon, fork, knifes, glass, etc. Hindi ko na muling nakita si Claud, pati na rin si Dawn, lahat silang Lima ay hindi ko na nakakasalubong o nakikita.



Parang kasal ang preparation hano? May pa attire ng guest pa, tapos yung lahat, basta lahat parang kasal hahaha. Ngayon lang talaga ako nakaranas ng ganto, hindi rin ako nakakaattend sa mga debut dahil ako ang mas matanda dun sa mga kaibigan ko hahaha.





Sa ikaapat na araw ng preparation, pinapili naman ako ng mga pagkain na iseserve. Inutusan ko silang lutuin ito, I know vampires sila pero syempre para may iba naman silang makain, tsaka meron din namang half cook meat lang ganon, tapos wine hehehe.


Kamusta na kaya si mama? Okay lang Kaya siya? Sayang at wala siya dito para katulong ko sa paghahanda. Sayang at sa mismong birthday ko pa talaga siya wala. Nakakalungkot. Kahit na masaya ang gantong klase ng handaan, nakakalungkot parin dahil wala yung taong nag alaga at nagpalaki sa akin. I miss you na mama.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon