PURE 18

4.4K 132 2
                                    

*Cleio's POV*








Hindi ko alam na may kabutihang taglay din pala si Claud, sobrang na touch ako. Buti kahit letter ay pinayagan niya ako, nakalimutan ko nanamang magpasalamat sa kanya.







Umupo na ako at nagsimula nang magsulat. Sobrang miss kona tlga si mama. Isinulat ko lahat ng dapat isulat. Ayaw kong mag alala ng sobra si mama, kailangan mga mahinahon na words lang.








After 6 minutes Tapos na ako. Tinawag kona si claud upang ibigay ang sulat. Umalis na ito ka agad. Aantayin ko siya sa kanyang pagbabalik.












*Mama's POV*







Hindi umuwi si Cleio, pati ngayon, nasaan na kaya yung batang iyon! Sobra na kong nag aalala. Baka kung ano na nangyari don.





*knock knock *




Dali-Dali akong tumayo at nagmadali sa pintuan. Si cleio na ba ito? Pagbukas ng pinto ay wala namang tao, lumabas pa ako para tignan, walang tao? Guni guni ko lang ba iyon?



Malungkot akong bumalik sa loob. May naapakan ako, papel? sulat? Kanino naman galing ito? From cleio. Pumasok na ko sa loob at sinara ang pinto. Binuksan ko na yung sulat at binasa.


"Dear mama,
         Ma ayos lang po ba kayo? Kumain na po ba kayo? Ma nasa maayos na kalagayan po ako ngayon. Hindi po ako nakidnapped hahaha, alam niyo po ba kung nasaan ako? Syempre hindi diba? Hahaha. Ma nandito po ako sa tunay kong tahanan wala nga lang ang tunay kong mga magulang, gusto ko po sana sabihin sa inyo kung anong klaseng mga tao ang kasama ko dito kaso baka matakot kayo.
        Kahit na anong mangyari kayo pa rin ang mama ko, mahal na mahal ko kayo ma at miss na miss ko na kayo kahit na kakawala ko lamang, uuwi agad ako kapag marunong na ako, huwag niyong pababayaan ang kalusugan niyo ma ha? Magagalit ako, iyon lang ma I love you again! Hindi ako magsasawa ma, ingat and I love you again and again.

  - love -
Your daughter Cleio





Hindi ko napigilang umiyak. Napakabait niya talagang anak. Ang swerte ko at naalagaan ko siya at napalaki. Miss narin kita. Ingat ka kung na saan ka man. Huwag mo ring pababayaan ang kalusugan mo I love you anak, hindi iyon magbabago.





*Claud's POV*





Binasa ko yung sulat, kahit na against yun sa privacy niya, I'm curious Kung anong klase siyang tao. Mapagmahal siyang anak kahit ampon lamang siya. Grabe siya mag mahal. Nagpahinga muna ako saglit sa bubong.






Bumalik na ako ng Vamia, sa bintana ako dumaan. Agad namang bumangon si Cleio sa pagkakahiga. Pagkadating na pagkadating ko ay agad siyang nagtanong.






"Ano? Maayos ba ang pangangatawan ni mama? May sinabi ba siya?kamusta siya? " Sunod sunod nitong tanong.






"Maayos naman siya princess neferra" sagot ko nang may paggalang.





"Neferra? Yun ba ang tunay kong pangalan?" Tanong niya.




"Oo!" Yan nanaman si sapphire. Binasag niya ang pag uusap namin.





"Sapphire, give respect to the princess" saway ni Liam. Hmp.







"Okay lang,huwag mo na siyang pagalitan. Cleio nalang hindi ako sanay sa neferra. Masyadong nakakatakot ang pangalan eh" sabi niya. Ang lungkot ng tono ng boses niya. Ramdam ko ito.







Nagpaalam kami sakanya na lalabas na. At lumabas na kami. Hindi naman pwedeng lagi kaming nasa loob ng silid niya. Kailangan din namin siyang bigyan ng oras para makapag isa.










*Someone's POV*




Muli akong bumalik sa base ng kalaban. Nandito nanaman ako para magbigay impormasyon sa Hari. Ang buong paligid ay nababalot ng kadiliman. Tanging liwanag ng lampara ang nagbibigay liwanag dito, pero hindi ito gaanong kalakas.





"My king" lumuhod ako sa sahig at tumunog. "next week po ang kanyang kaarawan" ulat ko.






"Good,isanay mona siya upang lumabas ang kanyang kapangyarihan,sigurado akong malakas siya at kaya akong talunin,kailangan ay maging kasapi siya saatin" the king said.







"Masusunod my king" Sabi ko.







Iyon lamang ang pinunta ko rito Kaya umalis din kaagad. Kailangan lumabas ng tunay na kapangyarihan ng prinsesa, kailangan ng onting brain wash para sumapi ito sa amin. Magiging malakas ang aming panig kapag siya ay napasaamin. Simulan na ang misyon.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon