PURE 25

4K 130 3
                                    

*Claud's POV*






"Pwedeng makihiga?" Tanong niya.






Tumango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Itong puso ko ang kumilos. I think there's also something wrong with me. I don't know what or why, basta ang alam ko I'm not being myself.





Nagsimula nang dumilim. Tanging ang mga bituin at ang buwan ang nagsisilbing liwanag.




Lumingon ako kay Cleio ng kaunti. Manghang mangha ito sa mga nakikita. Parang bata talaga. Hindi na ako makapigil. Binasag ko ang katahimikan.





"Do you have any siblings?" Tanong ko. Wala akong ibang matanong eh.





"None" tanging sagot niya.






Tahimik na ulit. Wala na akong maisip na itanong. Awkward. Mga 10 minutes bago ulit ako nakaisip ng itatanong.







"May gusto kaba kay Liam?" Tanong ko. Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kasi.. alam mo... Well hindi mo Alam and hindi ko rin alam, but it irritates me. Ayaw kong maagawan muli,gusto ko....." natigilan ako. Pagkalingon ko ay katapat kona ang mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Buti nalang hindi niya narinig yung mga pinagsasasabi ko.







"Good night Princess Cleio"






Tumayo na ako at binuhat si Cleio. Naglakad na ko palabas ng garden. Pagkalabas na pagkalabas ay nandoon si Liam, nakatayo. Talagang nakakainis tong lalakeng ito.




"Anong ginawa mo sakanya?" Tanong niya.





"wala akong ginagawang masama kaya get out off my way" mahinang utos ko sakanya. Baka magising si cleio.




"Ako na ang magdadala sakanya" sabi ni liam.






"Ano kaba? Lahat nalang ba ng meron ako kukunin mo? aagawin mo?" Wika ko. At gumamit nalang ng teleportation upang makaalis kaagad. Nakakainis na siya.






I don't know how this happen, we were friends before. Close kami noon, tapos nasira lang dahil sa ginawa nila ni Sapphire. Hindi ko alam kung kaibigan ko talaga siya o isang traydor.







*Cleio's POV*




Ay!! Umaga na!






Wait? Nagteleport ba ako mag isa dito? Nasa garden lang ako ah? Nasaan si claud? Bumangon na ako at nagmadaling pumunta sa hidden garden,hindi na ako kumain,hindi kona rin inantay si Dawn. Kailangan kong makita si Claud.






Pagdating ay wala pang tao. Nag antay nalang ako. Masyado akong maaga hahaha. Akala ko naman nandito na si Claud, hindi pa ko nag almusal.  Pangatlong araw na ng pagsasabay ko. At hindi ko alam Kung sino at kung ano ang ituturo sakin.






After 30 minutes, dumating na sila, sabay sabay. Si Sapphire na pala magtuturo sakin ngayon, Sana hindi ako mamatay. Tuturuan niya ako kung paano maging mabilis, like mabilis kumilos, tumakbo at kung ano ano pa. Mas madali siguro ito dahil bilis lang naman ang pinag uusapan. Hindi kailangan ng utak at inner strength, physical strength lang ang kailangan.






Magkatapat kami ni dawn at medyo malayo sa isa't isa, meron siyang basket na puno ng maliit na bato. Hindi manlang siya nagtanong Kung ready na ako, bigla niya akong binato.







"too slow" Sabi niya, eh malay ko ba hindi ka nag sasabe.






Patuloy lang ako sa pag ilag, she's testing my speed. Pero hindi ko kayang iwasan ang lahat, masyadong mabilis at malalakas. Hindi ko naiwasan yung iba at nagdulot ito ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan. Maliliit na bato lamang ito pero dahil sa lakas niya ay kaya nitong magtamo ng sugat.






Masyado naman siyang seryoso. Go easy on me men. Don't be too harsh. Salbahe talaga nito. Halos mapunit na rin yung damit ko, at mas lalo pa akong bumagal dahil nakakaramdam ng sakit sa katawan. Ang hapdi!




*Sapphire's POV*






I saw them two,nakahiga sa damuhan. Dapat ako ang katabi ni claud. Ako lang at wala nang iba! Akin lang si Claud! Akin siya!






Lalo kong binilisan at nilakasan ang pagbato. Madami na itong natamong sugat. Pero I didn't stop. Tama lang sa kanya yon. I don't see her as our princess or future queen, she's just a mere human.





"Sapphire stop!" Awat ni liam. Hindi ko siya pinakinggan. Patuloy lang ako sa ginagawa.





Hanggang sa gumawa si Dawn ng shield, at si Claud naman ang pumigil sa kamay ko. Bumagsak si Cleio pero nasambot naman ni Brent. Umalis nalang ako Para hindi mapagalitan o mapagsabihan. She deserved it. I don't care.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon