PURE 17

4.6K 149 1
                                    

*Cleio's POV*







"Anong sabi?" Tanong ni Brent.






"Nagtanong lang" sagot ko.






Hindi na muli itong nagsalita at bumalik sa dating pwesto nakatayo at nakatingin sa akin, anong oras na ba? Kailangan ko pang pumasok.






"Anong oras na ba?" Tanong ko habang nagkakamot ng ulo, hindi pa ako naliligo, baho ko na siguro, tsaka hindi pa rin ako nagto-toothbrush, nako baka mabaho na ang aking hininga.







"Today is Wenesday and...9:06 a.m" sagot ni Dawn.








What?! Kailangan ko nang umuwi,baka nag-aalala na si mama. Hindi pala ako nakauwi kahapon. May pasok pa ako!







"I have to go" paalam ko sa kanila,bumangon ako at naglakad papunta sa pinto. Pero ang bilis nila, naharangan agad nila ako sa pinto. Nakakainis! Eh diba bampira din ako? Dapat may powers din ako.




Itinapat ko ang kamay ko sa kanila. Try lang. Nag iimagine ng pwedeng ilabas, kailangan ba may magic word?






"Ha!" Wala?







"Abracadaba!" Wala padin.








"Wapack!" Wala pa rin?!






Hindi na nila nakayanan at tuluyan na silang natawa. Grabe naman makatawa lalo na tong Brent na ko akala mo wala ng bukas. Wala silang galang ah, diba prinsesa ako dapat nila ako igalang, ang unfair talaga. Dapat turuan nila ako kung pano kontrolin yung kapangyarihan ko.







"Please! Babalik din ako, promise" Habang nakapout. Baka gumana eh. Kung makaalis man ako dito hindi na ko babalik noh. Ayaw ko ng bumalik sa weird na lugar na ito.







"Kay Lord Symon ka magpaalam hindi saamin" natatawa parin si liam. Nakakainis. Nakahawak pa sa Tiyan niya, ganon na ba sila kasaya? Baka ma utot na mga to.







Kay tito pa magpapaalam? Siya ba ang may authority ngayon sa lugar na ito? Nakakatakot naman. Makipag usap nga sa kanya o makita man siya ayaw ko, tapos magpapaalam pa ko na umuwi? Nako mas magagalit yun for sure. Mga tao panaman dito ang seseryoso.







"I have to go now! Nagaalala na si mama saakin,kaya please" pagmamakaawa ko.






Tumigil na sila sa pag tawa. Inaantay ko lang ang reply nila, nagtitinginan pa sila. Ano nagkakaintindihan sila niyan? Astig ah.







"Sige na,umalis kana" sabi claud. Mabait din pala ito. Hehehe.









"Salamat bye bye!" Paalam ko at tumakbo palabas. Ay! Wait paano ako babalik? Saan ang daan? Humarap ako sakanila at ngumiti ng nakakaloko.








*Claud's POV*






Tuwang tuwa itong tumakbo palabas. Akala ko naman alam niya ang lagusan pabalik. Alam kong titigil tong babaeng ito. Simple lang siya kaya madali siyang basahin.





"Sabi ko na nga ba at babalik ka, kahit na pinayagan ka" sabi ko.







"Hehehe, hindi ko alam ang daan pabalik" sabi niya, sabay kamot sa ulo.





"Sorry pero there is only one way" singit ni Liam.







"What is it? Sabihin niyo na" nasasabik ito.








"You have to learn how to teleport" nagsusungit nanaman si sapphire.






"What? Pero baka matagal ko pa yan matutunan? Nagaalala na si mama saakin" naiiyak na ito. At iyon na nga umiyak siya.





Nanahimik lang kaming lima, hinayaan namin siyang umiyak ng umiyak, may sinasabi ito pero hindi namin maintindihan. My heart aches seeing her crying. May ginawa siguro tong babaeng ito para maging ganto ako, kilala rin ang mga tao sa mga kulam o mga gayuma,siguro ay ginawa niya ito saakin para ganito ang maramdaman ko. Kumuha ako ng papel at lapis sa drawer. Inabot ko ito sa kanya.







"Write a letter for your mother, ibibigay ko sakanya" hindi ako makapaniwala sa ginawa kong ito.







Tinanggap naman niya yung papel at lapis, onti onti na siyang tumatahan. Naupo siya sa kama at sa ibabaw ng drawer nagsulat. We should leave her alone for now.






"Lumabas muna tayo,hayaan muna natin siyang makapagsulat" utos ko sakanila. Lumabas na kami pero nagbantay parin kami sa labas.






Alam ko ang pakiramdam ng namimiss ang magulang dahil lahat kami dito ay ganon. Iba samin ay wala ng Contact sa mga magulang, ang iba wala na ang nanay o kaya ang tatay, ang iba ay talagang wala ng mga magulang.







Kahit sa simpleng sulat, giginhawa ang pakiramdam niya, para hindi siya mag isip ng kung ano ano, para Naka focus siya dito sa Vamia, sa pagliligtas sa Vamia.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon