PURE 32

3.6K 117 1
                                    

*Cleio's POV*







Nagising ako sa sinag ng araw na mula sa bintana. Anong oras na ba at tirik na ang araw?






"Princess Cleio,you're late for your training,please get up" sabi ng babae at kinakalabit ako.







"What time....is it?" Wala pa ako sa sarili bagong gising kasi eh!






"It's already 9:07 your highness" sabi nito.






Agad akong bumangon. Hala sobrang late na nga ako. Bakit hindi niya ako ginising? Si dawn pala ito. Sa sobrang puyat kagabi at sa pagod talagang late na ako magigising. Hindi pa naman ako sanay sa puyatan hindi tulad nila.




"Bakit hindi mo ako ginising ng maaga?" Tanong ko.






" kanina ko pa po kayo ginigising pero hindi parin po kayo magising" natatawa ito.






Hala? Ayan kase party pa, puyat pa nako. Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog, hindi ko na napansin ang oras dahil sa sobrang saya. Miss ko na agad si mama. Sana magsama ulit kami kahit saglit lang.





"Ay? Sorry hehehe, sige susunod nalang ako,pwede ka nang umalis" utos ko.






Yumuko ito bago umalis. Bilang paggalang niya. I do my morning ritual. After that, naglakad na ako papunta sa garden. Lahat ng makakasalubong ko eh binabati ako, at nag papakita ng pag galang, ang sarap sa pakiramdam ng ganto. I'm now their queen, and I should act as a queen form now on.



Malapit na ako sa garden at tanaw ko na sila. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Nakakatakot. Kinikilabutan ako.






"Why are you late?" Tanong ni Sapphire nagtataray nanaman.






"Sorry,nalate ako ng gising" pagdadahilan ko. Sana maniwala.






"Kanina pa...!" Hindi natuloy ang sinabi ni sapphire nang magsalita si claud.






Ay! Oo nga pala. Kami na. Aaayyiieehhh!!! Hahaha.







"Stop sapphire!" Sigaw ni claud.








"Girlfriend mo lang siya ganyan kana? Diba naging tayo din naman! Diba!" Galit si sapphire,sumulpot naman ito bigla sa harap ko at sinakal ako.







Pilit siyang pinigil nila claud. Pero hindi sila nagwagi. I can't breathe.
Mas lalo pa niya ito diniian. Napasigaw ako sa sakit at nakapaglabas na pala ako ng isang snow hurricane dahilan upang tangayin si sapphire.  I can't control it. Tuluyan na siyang tinangay at bumangga sa isang puno. Madami siyang natamong sugat.






"Saph sorry I didn't mean it" pagpapaumanhin ko.






"I'll have my revenge!" Sigaw niya at umalis na.






Nakakatakot yung banta niya.





Niyakap ako ni claud mula sa likod. Sweet talaga! Sweet din naman pala. Ngayon nag papakita na siya ng pagmamahal. Ganito siguro sila ni Sapphire noon.






"Are you alright?" Bulong nito saakin.
Tumango ako bilang sagot. Hindi parin niya ako binibitawan.




"Hoy! Love birds! Training na!" Pagbibiro ni Brent.






Tumawa kami at bumitaw na siya sa pagkakayakap. I looked at Liam. Ang sama ng tingin niya kay claud.  Baka mag away nanaman ito. Bakit ba ayaw niyang tanggapin na kami na ni Claudia? Lalo na si Sapphire, nakakatakot yung babaeng iyon, hindi siya natatakot na ako yung reyna dito sa vamia. Basta talaga pagmamahal walang kinakatakutan noh?







Hanggang ngayon hindi ko pa rin Alam kung ano nangyare sa kanilang tatlo, hindi ko naman natatanong si Claud o si Dawn. Nawawala sa isip ko tapos minsan wala pa sa oras para makapag tanong.






Hay sakit pa rin ng leeg ko, buti wala ibang nangyare Kay sapphire, hindi ko naman kasalanan Yun eh, siya naman may gawa kung bakit ko siya nasaktan.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon