PURE 23

3.8K 135 0
                                    

Cleio's POV




Pangalawang araw na ng pagsasanay. Si Claud naman ang magtuturns ngayon. Hindi ko pa alam kung ano ituturo niya hindi naman sila nagsasabi. Parang surprise quiz ganon.






"I'll teach you how to teleport" sabi nito.







Yes! Teleporting na. Pwede na akong pumunta kahit saan ko gusto. Pwede narin akong bumisita kay mama. Bilis naman pala, teleportation agad.





Inutusan niya akong mag-isip ng isang lugar. Dapat daw ay malapit lang dito para malaman niya kung saan ako nagteleport.






I start to think, may nararamdaman akong kakaiba, siguro ay gawa ng nakakagamit na ko ng maayos ng kapangyarihan. Para bang may naikot na energy sa buo kong katawan, mukhang magagawa ko kaagad ito. Iniisip ko ang lugar kung nasaan si Dawn, pero na distract ako nang isigaw ni brent ang pangalan ni claud.





Naramdaman ko ang ihip ng hangin, para akong lumutang saglit at tumungtong sa lupa. My gosh Si claud tuloy ang naisip ko. Onti onti kong minulat ang mata. Nasa harapan ko si claud!





Agad naman itong lumayo saakin. He also used teleportation . Baka mamaya isipin niyang iniisip ko siya.




*Claud's POV*




Nagulat at nabigla ako dahil sa harap ko siya sumulpot. Nakapikit pa ito. Dahan dahang nagmulat kaya umiwas ako, nagteleport ako palayo sa kanya, grabe kinabahan ako doon, grabe tibok ng puso ko. Inisip niya ko? Sumulpot siya sa harap ko eh? So meaning ako yung iniisip niya?






"Hoy! Baka sabihin mong iniisip kita. Nagkakamali ka na distract lang ako" sabi niya. Assuming naman ako. Buti nalang sinabi niya kundi aasa ako.





I command her to teleport in front of liam. Parang nag aalangan pa ito.  Bakit pa siya magaalangan,sweet nga sila eh!





Nagteleport na ito pero hindi sa harap ni liam. Saakin nanaman. Akala koba hindi niya ako iniisip?






*Cleio's POV*





He command me to teleport in front of liam. Ayaw ko nga noh?
Imbis na kay dawn ako magtelport kay claud nanaman. I'm thinking of him? Hindi kona alam. Wahhhhh nakakahiya. Gusto ko na mawala sa mundo.






"Sorry, ikaw kasi eh! " reklamo ko . Hula ko mapula na mukha ko, kakahiya dude!





Ako nalang ang nag teleport palayo sakanya. Ang bilis ko lang itong matutunan. Buti nalang at hindi masyadong mahirap di tulad kahapon na talagang inabot ng 12 hours. Grabe nakakahiya. Hindi ako makamove on, nakakahiya kase talaga.






"lunch na" agad ko namang inisip yung kusina. Nakakahiya ako na mauuna.





Nauna ako dito sa kusina, minadali ko sila kuya at ate na bigyan na ko ng pagkain, sa kwarto ako kakain nakakahiya. Alam kong nandito na sila maya maya gawa ng teleport teleport na yan. Naibigay naman agad nila kuya yung pagkain ko at agad na nagteleport sa kwarto.






Phew! Tatlong oras lang ang tinagal ng training ngayon, as expected kay Claud madali siyang magturo kaya mabilis kong natutunan. Nakalimutan ko, may something nga pala kila Sapphire, nakakatakot pamandin yung babaeng yon.




Tapos na ko kumain, iniwan ko lang sa ibabaw ng side table yung plato. At nahiga. Narinig kong bumukas yung pinto, si Dawn siguro.






"bukas na itutuloy training pahinga ka muna" nagulat ako, Si si C-claud! Bakit siya pumasok, akala ko si Dawn!





"o-okay" hindi ko siya hinarap. Narinig ko ulit yung pinto, lumabas na siya. Napabuntong hininga nalang ako, at humarap sa likod ko.






"what's wrong with you"






"ahhhhh!" nahampas ko ng unan yung mukha niya. Bwisit nandito pa pala! "anong ginagawa mo dito!" kinuha ko yung kumot tapos itinakip sa akin, mata nalang ang nakikita.






"Para ka kaseng Ewan, sige na mukhang wala namang problema, rest well" tuluyan na nga siyang lumabas. Mukhang sasabog din puso ko ah.




AUTHOR'S NOTE

- mag uupdate nalang po ako.
May pasok narin po kasi.
Thanks po sa mga nagbabasa!

Love u!



Yow edited na siya, I love you. Don't forget to vote every chapter, and leave a comment, thank you!

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon