PURE 10

5.4K 180 0
                                    

Cleio's POV






Kumaripas ako ng takbo, balak ko Sana sa restroom mag stay pero nakakatakot, doon namatay yung dalawang estudyante eh, baka mamaya nagmumulto yun, Kaya dito nalang ako sa room dumeretso. Sa tingin ko safe naman ako dito. Gusto ko na umuwe, mama ko.












"Oh? Anyare sayo cleio?" Tanong ng classmate ko.









"Ha? Ako? Wala naman?" Habang naghahabol ng hangin, grabe kakapagod.











"Ok ikaw bahala" sabi nito.










Umupo na ako, Para nanaman akong zombieng maglakad. Grabe nakakapagod. Nagulat naman ako nang magsalita itong katabi ko. Si Brent.












"Huy!" Panggugulat nito.











"Ay kalabaw!" Sigaw ko.









"Grabe siya oh? Ang pogi ko kaya" wika ni Brent. Nag ayos ito ng buhok niya para patunayan na siya nga ay pogi.










"Ay sorry sorry nakakagulat ka kasi" paumanhin ko. Bigla naman kase itong sumulpot, kita na't pagod ako gugulatin pa, pasalamat siya hindi ko siya na suntok.










"Okay lang, bakit ka nga ba hingal na hingal" tanong nito at natatawa pa.











"May tinatakbuhan lang" yan nalang ang sinabi ko. Kelan pa to nagkaroon ng paki saken? Tsaka hindi ko pa nakakalimutan yung nangyare kahapon.








"Ah. Sino naman?" Tanong niya ulit. Masyadong chismoso.







"Wala lang yun" ayaw ko nang ipaalam sa iba. Nakakahiya naman baka mamaya isipin niyang baliw ako at tinatakbuhan ko ang bagong teacher namin.










Hindi na siya nagtanong pa. Hindi rin niya ako pinilit. Buti nalang. Kapag inentertain ko pa ito mas kukulitin niya ako. Ayaw ko ng makulit ngayon, naii-stress na ko sa mga nangyayare sa buhay ko.










"Ok students go back to your proper seats" it's Ms. Ramos.  Hala nandito na siya. My gad.







Lumapit si Scarlette sa akin at bumulong.










"Girl? Bakit mo naman ako iniwan?" Bulong niya.










"Sorry naiihi na ako eh" hala nagsinungaling ako. Sorry Scarlette.







Umupo na rin siya. Nagsimula naring magturo si Ms. Ramos. Sinubukan ko nalang huwag makipag eye contact sa kanya, kinikilabutan ako. Hanggat maaari gusto ko umiwas sa kanya. Tsaka sa limang weirdong tao.










*Bell Ring*






Lunch na, makakahinga nanaman ako ng maluwag, sa garden ko niyaya si Scarlette, baka sumabay nanaman si ms. Ramos samin ayaw ko na. Oo maganda siya pero ang weird ng pakiramdam ko kapag malapit siya. Gusto ko dito! Open space, sariwa ang hangin, at medyo mapayapa.






Siguro kailangan ko mag yoga? O exercise man lang? Para mawala mga worries ko, lahat ng iniisip ko, nagpapaka stress ako sa ibang bagay. Hay nako.









*Claud's POV*







Kailangan naming makausap si melody. Nasa loob na ito ng room. Hinarap namin siya.





"At the rooftop now" utos ko kay melody. Ngumiti lang ito.













Nauna na kami dito sa rooftop. Inaantay nalang ang kanyang pagdating. After 6 seconds Nandito na siya. Buti naman at nagpakita siya.










"What do you want?" Nakakaloko ang ngiti nito ah.







We have to settle this now, we have to kill her right away. Sa utos ko, sabay sabay kaming umatake sa kanya, pero naiiwasan niya lahat ng atake namin.






"Kapag namatay ako hindi niyo malalaman kung sino ang pure blood princess" Pananakot niya. Tinigil namin ang pag atake at nanatiling nakatayo sa harap niya. Well may point siya don.








"Sino siya?" Tanong ni Sapphire na talagang naiirita na sa misyong ito.








"Katabi lang naman ni claud at brent" sabi nito at umalis na. Nagteleport ito.









Wait? It's....










"Cleio!" Sabay sabay nilang sinigaw, maliban sakin at Kay sapphire, hindi ko alam pangalan niya, basta yun na yon.







"Tara baka kumilos na si melody" sabi ni dawn.








Bumalik na nga kami sa room, pero hindi kami nag teleport, malamang may tao na ngayon sa room, and dapat lamang na hindi namin ipakita sa ibang tao yon, kundi matatakot sila. Hindi namin kasama yung memory manipulator kaya mahirap, best solution kapag may nakakita samin eh patayin.






Nagmamadali kaming lahat, pagdating sa room ay hinanap agad yung babaeng nagngangalang Cleio. Thank goodness at nandito naman siya kasama yung kaibigan niya. Alam kong kikilos na si Melody, dahil sinabe niya kung sino ang prinsesa. Kailangan naming maghanda sa anu mang mangyare.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon