PURE 26

3.7K 126 1
                                    

*Cleio's POV*







Ang sakit ng buong katawan ko. Madami narin akong natamong sugat. Buti nalang gumawa na si Dawn ng shield para matigil na si sapphire. Pinigilan na rin siya ni Claud. Anong problema niya? Babagsak na katawan ko buti nalang ay sinalo ako ni Brent.





Hindi na training ang nangyare, talagang sineseryoso niya yung ginagawa niya. Gawa rin siguro ito ng selos dahil nga malapit ako Kay Claud ngayon. Dahil nga Diba may something sila noon, hindi pa siguro sya nakakamove on, ano kaya nangyare? Mag walk out si Sapphire, parang wala lang nangyare? Ganon Ganon nalang yon?




Napansin kong nawala bigla si Liam at Claud, pupuntahan siguro si Sapphire para kausapin. Siguro hindi lang usap ang gagawin nila, baka saktan din nila. This world is too cruel. But do I deserve this?




"Brent follow them,baka kung anong gawin nila kay sapphire" utos ko. Syempre kailangan ko parin mag show ng kindness, it's my job.





"As you wish your highness" sabi niya. Umalis na ito.





Nagpaalam si Dawn na tatawagin ang healer. Umalis na ito at naiwan akong mag isa, nakaupo sa damuhan. Okay lang,sanay naman akong maiwan eh! Joke hehehe.




Pero hindi ko lubos maisip na gagawin sakin ni Sapphire iyon, hindi niya ata ako nirerespect as a princess, siguro mababang tao lang ang tingin niya saakin. At walang takot niya akong saktan. If ibang tao yon? Malamang patay na ngayon si Sapphire, lalo na kung Nandito pa si tito at si tito ang kanyang sinaktan.





Ilang minuto ang lumipas nakabalik na si dawn kasama ang healer. She healed my wounds. Sobrang hapdi na ng buo kong katawan, hindi na rin matatawag na damit itong suot ko. I'm tired.





"Thanks"pasasalamat ko.





Tumungo ito at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Sabay alis. Gusto ko na bumalik sa kwarto ko.






*Claud's POV*






"Bakit mo ginawa kay princess Cleio yon? Nagtatraining lang tayo tapos sineseryoso mo?!" Nanggigigil na talaga ako. Akmang susuntukin ko siya pero pinigilan ako ni Brent.




"Claud stop,utos ng prinsesa" pagpigil ni brent.






Binaba kona ang kamay. Since it's the princess order, hindi ko siya sasaktan. Kung hindi nasaktan ko na talaga ito, walang ex ex, lalo na't mas mataas si Cleio kesa sa amin.







"I'm jealous! Lapit kasi siya ng lapit sayo!" Sigaw nito.






"Jealous? Bakit diba ginawa mona ito saakin? Tsaka ako ang lumalapit sakanya!" Sigaw ko.




Nagulat ito sa sinabi ko, halata sa mukha niya ay para itong luluha. Nanahimik lang siya. Muli akong nagsalita.







"Ngayon nararanasan mona ang ginawa mo saakin noon,kaya magdusa ka!" Galit. Sabay alis.





Nagtakip ito ng mukha at lumuhod sa sahig. Ngayon siya maggaganyan eh siya mismo noon niloko ako. And isa pa wala na kami, wala ng kami, matagal ng walang kami. At kahit kelan hindi na magiging kami.




Sumunod na sila Liam sa akin. Akala ko naman sasamahan niya si Sapphire, galing mo bro, matapos mong sirain relasyon namin ganyan ka, parang hindi tunay na lalaki.





Bumalik na kami sa garden, nandon at binibigyang lunas na ang kanyang sugat. Grabe, nakakaawang tignan si Cleio. Sa mga sugat na natama niya, may ilan pang malala at malalalim.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon