PURE 9

5.4K 175 1
                                    

*Cleio's POV*







Wow! Ang ganda naman ng bagong prof namin, ang sexy pa. Ang puti din parang galing ibang bansa. Inilibot niya ang kanyang tingin. Tumigil ito sa akin. She smiled at me. I smiled back, bait naman, dapat siya nalang naging adviser namin simula palang. Ganda talaga.








"Hay.. ang ganda ni ma'am" mahinang sabi ko. Pero narinig pala ng katabi ko.







"Akala mo lang" sabay nilang sinabi.






Lah? Problema ng mga ito? Karamihan eh ganyan ang type ng mga boys? First time ko lang nakakita ng hindi naaattract sa ganyang klase ng Ganda. Ang bitter eh, palibhasa isa rin silang magagandang nilalang.





Well oo nagsisigawan yung ibang boys dito, sila wala manlang reaksyon, may mga girls din na maiingay, ako nga rin gusto ko mag ingay eh, kaso baka Kung anong isipin ni bagong adviser sakin hahaha.








*Claud's POV*






"Akala mo lang" sabay kami ni brent. Narinig din niya ang sinabi nitong si... sino nga ba to? Basta si clumsy.







Maganda nga delikado naman. Sigurado akong mahahanap niya agad ang pure blood princess, may kakayahan kasi siyang maamoy ang dugo ng isang tao malayo man o hindi.






"Ok students be kind to Ms. Ramos" bilin ni Mrs. Buena at lumabas na ng classroom. Para saamin ang classroom na ito ngayon ay nababalot sa tensyon.




"Ma'am single ka ba?" Sabi ng isang lalake.




Playing innocent? Tinignan niya yung nagsalita at nginitian. Talaga namang wala siyang takot? She used her powers, nakasalamin ito Kaya siguro hindi mapapansin ang kulay ng Mata nito.




Humawak sa tiyan ang lalaki na nakakaramdam ng sakit. Hanggang sa bumagsak ito sa sahig at nagsuka ng dugo. Her powers is similar to blood manipulation pero hindi ganon ka powerful, siguro ay 10% lamang ito sa tunay na blood manipulation.









"Rhyen! Anong nangyari sayo!" Nag aalalang wika ng katabi niya.









"Oh no? Quick bring him to the clinic" kunwaring nag aalala ito. Magaling umarte.






Nagkasalubong ang tingin namin ni melody, she smirked. Umiinit na ang dugo ko sa kanya, masyado siyang mayabang. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at itinuon sa ibang bagay. Hindi na komportable itong classroom na ito lalo na't kasama yang babaeng yan.









*Cleio's POV*






Ano bayan? Sunod-sunod ang mga nangyayari ngayon ah? Why?! Una nagtransfer sila- - basta sila, sunod may namatay na estudyante dito mismo sa school, sunod si Mr. Tan? Sunod may bagong magandang prof na mukhang tiga Korea and then sumuka ng dugo si Rhyen! Waaahhh! Ayaw ko na (sa earth? Hahaha) DITO!







Ano Kaya nangyare Kay Rhyen? Hindi kaya na food poison lang siya? O Kaya naman may sakit talaga siya? Nakakakaba naman, Sana hindi ito related sa mga nangyayare. Nakakatakot. Hunted na ba ang school? O may sumpa?






*Bell Ring*








Breaktime!







"Tara na?" Yaya ni Scarlette.
Tumango ako at naglakad na kami papunta sa canteen. Gusto kong magmadali at kakaiba ang pakiramdam ko sa room! Nung paglabas palang namin eh guminhawa yung pakiramdam ko.








Habang kumakain. Binasag ni Scarlette ang katahimikan.








"Cleio may napapansin kaba?" Tanong niya. Mukha siyang detective.





"What do you mean?" kunyare inosente ako.









"Diba sunod-sunod ang mga kababalaghan ngayon? Lalo na dito sa school natin? Una si espencer na nakitang patay, sunod si sir patay din, tapos yung couple sa restroom, tapos ngayon si rhyen bigla nalang sumuka ng dugo? Wala naman siyang sakit diba?" Kwento nito. Oo nga imposibleng may sakit si Rhyen, bibong lalaki yun eh? Ang energetic niya lagi.







Iyon din ang nasa isip ko, ang weird nga, hindi pa ito nangyayare noon, matagal na ko dito sa school na ito at kahit kelan walang nangyaring gantong kalala. Nag simula lang to nung dumating yung....





"Hi girls" its Ms. Ramos. Wahhhh she's so nice and friendly, and beautiful! Ngayon face to face kong nakikita ang kanyang unique beauty.








"Hi Ma'am" bati namin ni scarlette.






"Can I join?" Tanong nito.




Tumango kami bilang pag sang ayon, bigla akong kinalibutan. I feel weird and uncomfortable, katapat ko si ms. Ramos sa table. Tuwing magsasalubong ang tingin namin eh kinikilabutan ako, I don't know why. Parang hindi ako tatagal dito.







SANA MAGBELL NA........!!!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.







*Bell Ring*








Yes! Kumaripas ako ng takbo. Parang baliw hano? Pero kailangan eh. Narinig kong tinawag ako ni Scarlette pero hindi ko ito pinansin. Ang weird ng nararamdaman ko! Anong nagyayare sa buhay ko? Ako lang ba ang nagkakaganito?. Wahhhh bakit ang malas malas ko?

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon