PURE 41

3.5K 88 1
                                    

AFTER 1 YEAR

*Cleio's POV*





Hindi parin ako makamove on. 1 taon na ang nakakalipas mula nung nawala si claud. Araw araw akong matamlay, kahit na ginagawa nila ang lahat para sumaya ako kahit ka onti, Nakakalungkot talaga.







Dito ako laging nagpupunta sa hidden garden,sa may bandang dulo upang hindi nila ako makita. Dito ako nag pupunta kapag gusto ko mag isa. Kpag kase sa kwarto eh nandoon si Dawn at lagi akong bantay.








Nandito ako ngayon sa isang puno,kung saan kinakausap ko ang sarili ko noon.





*FLASHBACK*

"Miss ayos kalang ba? " Tanong niya.

"Ay claud!" Nagulat ako. Hala si claud.

"Am. Oo ayos lang ako" dagdag ko at iniba ko ang tono ng boses ko para hindi niya ako nakilala.

*END OF FLASHBACK*






Nakakatawa talagang balikan yon. Masarap balikan lahat ng masasayang alaala. Kaso nakakalungkot din at masakit.  Yan nanaman. Naiiyak nanaman ako. Hindi kona napigilan. Umiyak na ako. Claud I need you now! I want to embrace you...






"Oh? Anong ginagawa mo diyan" si liam.





Nagbalikan sila ngayon ni sapphire. Nakakainggit nga eh. Si dawn naman syempre sila na si brent. Buti pa sila, may mga mahal sa buhay, may mga bf gf, ako wala, nasaan na ba yon, wala na. Malas malas ko talagang tao. Gusto ko na rin mamatay.






"Nagpapahangin lang ako" sagot ko.




"Tara,hinahanap kana ng mama mo" sabi niya.





Ay by the way, Nandito nga pala si mama, sila ang may kagagawan kung bakit nandito si mama. Para mabawasan ang lungkot ko. Yes oo nabawasan, pero siguro mga 20% lang ang nabawas sa lungkot.








"Oh? Bakit lumungkot ang mukha mo? Iniisip mo nanaman si claud?" Sabi niya.








"Ha? Hindi ko maiwasan eh,tara na nga" sabi ko.




Naglakad na kami papalabas ng  garden. At pumasok na sa loob.
Kailan ba ako makakamove on? Para akong zombie kung mag lakad, naririnig kong natawa si Liam pero hindi ko pinapansin.
.
.
.
.
Pagpasok ko sa loob. Sa throne room kami dumeretso.







"Happy birthday!" Sasabay sabay nilang sinigaw.






Ay nakalimutan ko, birthday ko nga pala ngayon, kakaisip ng kakaisip Kay Claud, sariling birthday eh nakalimutan na.






"Salamat" matamlay kong pagsalamat.




"Your welcome!" Sabay sabay ulit sila. Nakakatuwa naman, kahit na ganto eh ginagawa nila ang lahat para mapasaya ako.






"Pero paano kayo nakapaghanda? Ang bilis naman ata? Magkakasama lang tayo kanina,tapos pagkalabas ko nakapaghanda agad kayo?" Tanong ko sa kanila.






"Cleio syempre nagtulong tulong kami, at tsaka....." sabi ni brent pero hindi natuloy dahil tinakpan ni liam ang bibig niya.





Ang bilis nga nang paghahanda nila? Ano yon tinigil nila yung oras hahaha.
Napatigil ako sa pagtawa nang may marealize ako. Oh My G! Isang tao lang ang nakakagawa non ah? No? It can't be.
.
.
.
.
.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon