PURE 3

6.3K 212 0
                                    

*Claud's POV*






Tapos na kaming magpakilala. Nakakainis lang tong mga babae panay higit saakin! Ang ingay-ingay pa, I hate this world. The world of mortals, fragile, weak, hopeless. They won't survive in our world if they're weak and also scared, cowards.







"Sige na,take your seat" utos ng prof. Sa tingin mo makakaupo kami sa gulo ng mga tao dito?. Sumunod nalang kami kahit nahihirapang kumilos. Pilit na makaraan sa mga kamay na humaharang sa daan. We're not celebrities. Kapag hindi ako nakapagtimpi may kinalagyan tong mga ito. Pero hanggat maaari I must control my temper, nag aalala ako Kay sapphire, isa pa siya sa mainipin at mabilis uminit ang ulo.








"Claud dito ka oh"






"Claud tabi tayo!"





"Claud!!Marry me!"








Nakakainis na to ah! May isang humila saakin. Pero bumitaw agad ito nang makita si Sapphire na nakatingin sakanya ng masama. Phew, finally! Freedom. Nakaupo na kami at nagstart ng magdiscuss ang prof. tungkol sa mga rules rules, kailangan pa ba iyon? In Vamia there's no such thing as subjects, they taught us the difference of blood and parts of the body to suck blood the best, at ang specific part ng katawan ng tao ay ang kanilang leeg.





Napalingon at napansin kong hinihimas ni Brent ang ulo ng babaeng nakatungo. I think that's the girl who escorted us in here.






"Hoy! Kadadating lang natin dito,lumalandi ka kaagad" saway ko using telepathy. Yes, we can communicate using our minds.







"Wow! Grabe siya oh? Porket may taglay akong pang-akit landi agad? Pede namang nakikipag kaibigan" sabi nya. Nakikipag kaibigan? Hindi halata. That's his way of making his so called friends, or do you mean your next meal. Kakarating Lang namin dito gutom na agad siya?. Poor humans.





*Cleio's POV*






Ano ba?! Natutulog ako eh!
Iniangat ko ang aking ulo upang makita kung sino yon. It's the transferee. Brent.
Nakatitig siya sa akin, napapikit ako dahil parang may something habang nakatingin siya saakin. I saw his eyes turned red. Nagpapikit pikit ako. Umiwas na ko ng titig sa kanya, kinusot ko ang mata, Para akong napuhing. Itinuon ko na ang atensyon sa taong nasa harap at nakinig nalang. Kesa naman makipagtitigan sa wirdong ito. Argh! Hindi pa makamove on yung Mata ko. Pero anong nangyare? What was that?









*Bell Ring*






Breaktime! Nagmadaling lumabas ang mga classmate ko, kakatayo ko lang at nabangga ako dahil nga nagmamadali sila, dahilan upang madapa ako, clumsy me, dederetso ako sa sahig. Wait? Hindi ako nalaglag sa sahig? Eh kanino?.






"Ouch! Get off!" Reklamo ni guy, na para bang diring-diri sa akin, malinis naman ako. S-si Claud pala? Napaiwas agad ako sa tingin niya dahil para akong matutunaw. Dali-Dali akong tumayo, feeling ko mamamatay ako sa simpleng pagtingin niya saakin, grabe naman tong nga transfer na to, yung isa nagbago ang kulay ng mata, yung isa naman nakakamatay yung titig. Pangit Ata ng school year ngayon ah?










"S-sorry h-hindi ko si-sinasadya" pagpaumanhin ko at nauutal sa takot grabe!







"Clumsy!" Sabi nito. Sabay walk out kasama yung tropa niya.







Aba! Hindi ko naman sinasadya! Mga tao dito sabik na sabik sa pagkain, parang mga ano, Kala mo naman mauubusan ng pagkain sa canteen.







"Aba! Hindi ko nam..." hindi ko ito naituloy nang magsalita si sapphire.








"Don't talk to him with that tone!" Galit nitong sabi at sumunod sa kanila. Gigil ka gurl? High blood masyado mga taong ito aba.







Her eyes turned red then back to its original color. Gaya ng kay Brent. Napapikit ako. Pagmulat ay wala na sila. Bilis naman? I feel weird, anong meron?. Ngayon lang ako naka-encounter ng mga estudyanteng tulad nila, so weird.






Napapalibutan ako ng mga weird na tao, maiingay na tao, mga seryoso at nakakatakot na tao, sa buong buhay ko ngayon lang nangyare to, simula nung dumating sila dito. Malas lang. Akala ko naman swerte, binabawi ko na po yung sinabi ko, Malas ako malas.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon