PURE 22

4.1K 127 0
                                    

*Claud's POV*






We're waiting for the princess. Nandito kaming apat sa garden ng palasyo, na magsisilbing training ground ni Cleio. Bihis na bihis ngayon si Liam, akala mo naman may lakad. Baka magpapasikat lang.





Mahigit kalahating oras kami nag antay. Napaka tagal talagang magprepare ng mga babae. Daming kung ano ano. Nevermind, Nandito na sila.






"Good morning your highness" bati namin sakanya. Itinapat ang kamao sa kaliwang dibdib at tumungo bilang pagpapakita ng paggalang.






"Good morning din" bati niya.





"Let's start" sabi ko. Tumango ito. Mukhang excited na ito. Nagsimula na kami.





*Cleio's POV*







Unang nagturo saakin ay si Liam, ang pormahan, wow naman hahaha. He's inchagre of teaching how to float things. Kapag daw pala ikaw ay may royal blood halos lahat ay kayang gawin. Astig noh. Kaso masyadong mahirap.  Pero kakayanin ko ito hanggang sa ito ay aking matutunan.




"focus, feel it in your hands, then make it float" make it float? Akala mo naman madali. Para akong natatae na ewan.






"argh! It's too hard!" reklamo ko.







"you want to learn it or not" natakot naman ako sa boses ni Claud, bigla biglang nasigaw.






"S-sorry S-sir" bumalik na nga ako sa pag eensayo.






Ang ginagawa ko, iniimagine kong lumutang yung baso, parang sasabok ulo ko dito kakaisip. Napapagalaw ko naman yung baso pero hindi ko pa ito kayang palutangin.




Mahigit limang oras ang itinagal ng pagtuturo niya bago ko naipalutang yung baso. Napapagod narin ako. I decided to have some break. Nagugutom narin kasi ako.






Sabay sabay kaming kumain. Ngayon nagkaroon ng buhay ang lahat, nawala na si tito kaya wala na sila dapat ikatakot . Masayang nagtatrabaho ang lahat at mababait silang lahat. Natutuwa akong nakikita siyang masasaya.






After that, bumalik kami sa garden. Pagkatapos ng baso, mansanas naman ang kapalit ng baso. Nako mabigat bigat ito. Sige nanaman ako sa pilit, isip na palutangin yung mansanas. Ang sakit sa ulo!





"you don't need to struggle, you just need to - - -" lumapit si Claud sa akin, hindi ko na naririnig yung sinabi niya dahil nakatitig lang ako sa mukha niya, ang lapit niya. " got it?" wala akong naintindihan sa sinabi niya.






"y-yeah t-thanks" nag inhale exhale muna ako, pinikit ang mga mata. Ibinaba ko muna kamay ko at nagfocus muna sa pag iisip. Itinuon ako ang atensyon sa mansanas at dahan dahan itong pinalutang. Medyo mahirap kasi mabigat nga pero nagawa ko! "thank you! - - Claud" nasa likod ko parin pala siya, sobrang lapit ng mukha ko sa dibdib niya.






"good, continue" umalis na ito. Sungit.




Sa wakas! Natutunan kona din. Pabigat ng pabigat yung pinabalutang ko, hanggang sa na-perfect ko na siya! Yehey! Mas madaling magturo si Claud kesa Kay Liam, Mas naiintindihan ko yung instruction niya.






It's already 6:58 p.m. Phew Isang araw ko itong pinag aralan. Ang tagal. Paano pa kaya ang iba? Baka umabot ng isang linggo. Hindi pala madali.






"Sige bukas ulit" sabi ni claud.






"Galing mo" puri ni liam sabay ginulo ang buhok ko.






Huh? Magaling ba yon? Slow learner nga, ikaw nga hindi marunong magturo kaya mas nahirapan ako. Pwede naman palang si Claud nalang ang magturo, siya nalang dapat.





Bumalik na kami ni dawn sa kwarto. Naglatag na siya ng higaan niya, habang ako'y naglilinis ng katawan. Ang baho baho ko na amoy pawis.






Ano naman kaya ituturo sakin bukas? Sino kaya magtuturo? Madali lang kaya? Sana madali lang. Baka sumabog na ulo ko, kanina muntikan na, hahaha. Antayin mo lang ako mama, uuwi ako.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon