PURE 40

3.2K 99 1
                                    

*Cleio's POV*






Tumakbo ako sa ikinaroroon ni Claud, hindi pa rin nawawala ang mala usok na spear sa dibdib nito. Bwisit na Zero! Nakakainis!



"Claud! Claud! Wake up! Kakaumpisa palang ng relasyon natin tapos mang iiwan ka agad!" ayaw ko siyang mawala!






"Queen Cleio, kami na po ang bahala sa kanya" sabi ni dawn habang nilalayo ako kay claud.







"No! I want to stay with him!" Pagpupumilit ko.






Pero hindi ako nakalaban nang si sapphire na ang umawat sa akin. Tinitigan niya ako ng masama at hinawakan sa braso, dinala na niya ako sa loob ng kwarto ko. Nagbantay sila sa labas, nakalock ang pinto, kahit anong gawin ko ay hindi ko ito mabuksan. Ang veranda naka lock din. I tried to destroyed it using my power but it failed.







Wala akong nagawa. Humiga nalang ako sa kama, nagtalukbong ng kumot at tsaka umiyak ng umiyak, wala ako ibang ginawa kundi ang umiyak. Hanggang sa narinig ko na may pumasok. Hindi ko ito pinansin.







"Queen Cleio,kami na ang bahala kay claud,nailibing na namin siya" its brent. Ano?! Libing agad? Ang bilis!!!! Hindi ko pa nga siya nakikita nailibing agad? Anong klase yon? Wala akong pake sa mga tradisyon nila o kung ano, ang dapat ay makita ko siya! Lalong lumakas ang pag iyak ko.







"Queen Cleio!" Sigaw ni brent.







*Brent's POV*






"Queen Cleio!" Sigaw ko.






Lalong lumakas ang pag iyak niya. Dahilan upang magwala din ang kanyang kapangyarihan. Onti onting nabalutan ng yelo ang buong silid. Ang lamig! Lalapitan ko sana si cleio upang pigilan pero may mga ice spikes na lumitaw sa sahig, pati na rin sa kisame. Naku! Delikado ito!





Nakakailag naman ako. Sobrang lakas na ng malamig na hangin sa loob.  Hindi na ata ako makakatagal dito.






"Brent please leave me alone!" Utos ni cleio.






"But.." sabi ko at hindi natuloy dahil nagsalita muli ito.






"Please!" Sigaw niya.






Sumunod nalang ako. Tuluyan na akong lumabas. Humawak ako sa may pinto.








"Aaahhh!!!!" Narinig ko ang sigaw ni cleio mula sa loob.





Iniwas ko agad ang kamay sa pinto dahil nabalutan na rin ito ng yelo, baka ma stock pa kamay ko doon medyo mahirap tanggalin. Kaawa naman si cleio, ako na yung naaawa para sa kanya. Si Claud naman kasi! Daming kaartihan! Ayaw pang.... Ay! Basta! Bahala na si batman sa mangyayari.







Nagtungo ako sa ibaba kung nasaan ang lahat. Narito rin si zero na nakakulong sa yelo.







"K-kamusta siya?" nag aalalang tanong ni Dawn. Well yes nag aalala kaming lahat, including this lady here, sapphire. This kind of thing kasi ay dapat hindi gawing biro. Lalo na si Queen Cleio iyon, malakas siya, Kaya niyang sirain ang buong palasyo galit ang kanyang kapangyarihan.







"by the way, idala na siya sa baba, ilagay lahat ng pwedeng mag patigil sa paglabas ng kanyang kapangyarihan" utos ni Sapphire. Dinala na nga si Zero sa kulungan. Sure mayroon itong ilalagay sa leeg, sa kamay, sa paa, Para ito ay hindi makagalaw o makapalag.






"dalhan niyo ang reyna ng pagkain, Dawn manatili sa pagbabantay sa kanya" utos naman ni Liam. " we have won the war, and everyone go back to your places"






Finally, Nagtungo na ako sa tambayan at nagpahinga. Nakakainis ka Claud.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon