PURE 16

4.7K 153 1
                                    

*Cleio's POV*








Si Liam ang nag escort sa akin pabalik dito ulit sa kwartong ito. Hay nako dito nanaman tayo. Muling nagbantay sila Liam sa labas. Hindi na ko nanlaban, Alam ko namang wala akong laban at talagang hindi ako makakatakas dito. Mukhang dito na ko habang buhay ah. Nagulat ako dahil pumasok silang apat, wala si Claud?







Nandito na sila sa loob, teka dito na ba sila magbabantay? Ano nakakahiya, at talagang bantay na bantay ako kase mga nakatingin pa saken, grabe ngang bantay. Hindi na ako tatakas, mamamatay muna ata ako bago makaalis sa lugar na ito.









"Pwede bang h-huwag niyo akong titigan ng ganyan?" hindi talaga tao mga to. Sana eh makinig sila sa sinabe ko. Dapat sumunod sila sakin diba? I'm their princess right?









Parang silang mga statwa. Kumukurap ba sila? Patigasan ata dito ah? Nakipag titigan din ako sa kanila, bakit ba.





Biglang bumukas yung pinto, si Claud. Hindi ko alam pero nahihiya ako, agad akong nagtalukbong ng kumot. Ang sakit sa dibdib bakit ganito. Para akong kinakabahan na ewan? Siguro gawa ito ng kanina, e-epekto siguro nung paglaglag ko sa bintana noh? Baka nga.






"keep an eye on her, 24/7" boses ni Claud iyon, galit ba siya? Tuwing magsasalita siya laging pagalit o kaya naman seryoso. So ano lagi silang nasa tabi ko? Paano kapag tatae ako o maliligo. Baliw ata mga to eh?.






*Someone's POV*






"King Zero,the princess has arrived" I said. "hindi pa ito tuluyang nagigising kaya hindi pa lumalabas ang iba pa nitong kapangyarihan" dagdag ko. Nandito ako ngayon sa base ng kalaban, nagrereport sa leader nila, si king Zero. Ang alam ko hindi ito tunay na hari, siya mismo ang nagdeklara na isa siyang hari.







"Ilang taon naba siya?" Tanong ni king Zero. Tumayo ito sa pagkakaupo, nagpalakad lakad sa harapan ko. Nakatungo lamang ako at hindi nakikipag eye contact.







"hindi ko pa alam, kakadating lamang niya my king" sagot ko.







"Kung ganon ay alamin mo!" sinampa niya ako. Napaatras ako ng kaunti. "Upang maisagawa ang plano! Dapat kapag may sasabihin ka ay kumpleto! Walang silbi!" Wika ng king. Tumalikod na ito sa akin.







"Pasensya na po" paumanhin ko, hinimas ko nalang ang pisngi dahil sa sakit.






"ano pa hinihintay mo? Umalis kana!" sigaw nito. Dahil sa takot eh nagmadali na kong umalis. Nakakatakot talaga siya, nakataya ang buhay ko rito. Kailangan ko ng kumilos.








*Cleio's POV*




"where is she?" boses ni tito iyon. "what are you doing?" naiiritang Sabi ni tito. Grabe talaga mga tao dito aba, mga seryoso, nakakatakot. Inalis ko nalang yung kumot at hinarap sila.







"Iwan niyo muna kami" utos ni tito sa kanila. Sumunod naman sila. Bakit siya sinusunod ako hindi huhuhuhu. Ang unfair namannnn!







Iniiwasan ko mang tumingin kay tito eh hindi ko maiwasan, nakakatakot talaga mukha niya, oo matanda na siya, basta ang hirap iexplain basta nakakatakot yung mukha niya grabe. Kami nalang dalawa ang naiwan dito sa loob.





"How old are you?" mahinahong tanong niya. Pwede naman pala magsalita ng mahinahon?







"17" matipid kong sagot.






"Kailan ang birthday mo?" Tanong niya ulit. Ano bayan dami? Ano to getting to know me?








"Next week Thursday" sagot ko.





Umalis na ito pagkatapos ko sagutin ang tanong niya. Hindi manlang nagpaalam. Iyon lang pala Kailangan niya bakit pa niya kailangang palabasin yung lima? Ano Yun?






Pumasok na muli silang lima.
Ano kayang problema ni tito? Bigla bigla nalang nagtatanong. Mga weirdo tao dito, buti nalang ako medyo matino pa. Mukhang malala mag stay dito ah? Baka mahawa ako ng kaweirduhan.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon